"Nababalot ng dilim kahit sa labas ay liwanag. May madugong nakaraan ngunit sa harap ay pinapantasya ng karamihan. Gugustuhin mong pasukin ngunit hindi ang manatili."
Jewel Niccolaine (POV)
Ilang linggo ko nang pinagiisipan kung paano ko sisimulan ang istoryang binubuo ko. Unang taon ko sa College this year and you know being a freshmen in College means you are already at the Introduction to the Real World . Kaya naman nagsisimula na akong magcompile ng mga istorya na maaari kong ilagay sa aking folio. Isa akong aspiring writer na nangangarap magtrabaho sa pinakamalaking publishing house hindi lamang sa bansa, kundi maging sa buong Asya. Ito ay ang "Incantare Publishing House". Bigatin at talagang tinitingala ang mga libro nila. Maging ang may ari ng pinakamalalaking Software Companies ay kumokolekta ng libro mula sa mga ito. Kung tutuusin hindi na nila kailangan ng makamasang mga libro dahil sa naglalakihang client pa lang nila ay talo na ang maliliit na Publishing House. Hindi ko nga alam kung anong dahilan at pinag- aagawan ng mga kompanyang ito ang mga libro at istorya nila gayong wala naman itong kinalaman sa kung anumang computer programming. Ano ang koneksyon ng dalawa? Duda ko, binibili ito ng mga malalaking kompanya para gamiting inspirasyon sa sunod nilang Software applications. Walang dudang magaganda talaga ang mga libro nila na likha ng mga mahuhusay na manunulat mula pa sa ibat ibang parte ng mundo.
Masuwerte ako at ipinanganak akong may gintong kutsara sa bibig kaya naman isa ako sa mga may kakayahang bumili ng kanilang mga libro. Kung nagkataon sigurong isa akong dukha ay baka di ko man lang nasilayan ni isang buong pangungusap mula sa mga libro nila. Ang isa ko pang ipinagtataka ay kung bakit may isang partikular na istorya ang nais makuha ng Incantare Publishing house. Ito ay tungkol sa isang prestihiyosong paaralan na kilalang kilala at palaging pinaguusapan saan mang panig ng mundo. Hindi ko maintindihan kung bakit kahit gaano ito kaideal at kaganda , kailanman ay hindi ko ninais na makapasok dito . Nasa gitna ako ng malalim na pagiisip ng biglang umihip ang isang malamig at nakakapanindig balahibong ihip ng hangin mula sa glass window ng aking balkonahe. Tumayo ako upang isarado ito. Biglang sumibol ang kaba sa aking dibdib ng makita ang 3 pares ng mga mata na matiim na nakatitig sa akin. Nagkaroon pa ako ng oras upang titigan ang dalawang lalaki at pinanghuli ko ang nasa gitna. Bahagyang sumikip ang aking dibdib dahil sa pagtatagpo ng aming mga mata. Mas makapaninidig balahibo ang kanyang mga titig kumpara sa dalawa nyang kasama. Parang hinihigop ka ng paunti unti at ikaw naman ay handang magpadala. Dahil tanging liwanag lamang mula sa buwan ang nagbibigay liwanag ay hindi ko nakita ang kanilang mukha. Masyado akong natakot sa kanila at pilit kinumbinse ang aking sarili na isa lamang silang ilusyon na hindi makatotohanan. Pumikit ako ng mariin at dahan dahang iminulat ang aking mga mata. Ngunit pagbaling ko sa kanilang direksyon ay wala na ang mga nilalang na iyon.
"Gumagana na naman siguro ang malikot kong imahinasyon. Tama! Tama!"
Dali dali akong pumasok sa loob at siniguradong maayos ang pagkakalock nito.
"Hindi naman ako nagbubukas ng glass window sa balcony ah. Binuksan ba ni mommy?"
Ipinagwalang bahala ko na lang ito dahil baka binuksan lang ito ni mommy nung naglinis ng kwarto kaninang umaga. Nagbukas ako ng aking SNS account at nakita kong may ilang mga mensahe mula sa mga di kilalang tao. Sanay na ako dahil isa ako sa kilalang social media influencer. My Dad and Mom were both indemand in their field of work. Mommy is a Doctor and Dad is a known College professor. But of course, Im not famous because of them. I built my own name and I worked hard for it. I dont want to hide on their shadow. I continue scrolling and found out that my bestfriend Evangeline Gaile Sandoval has a message. Gosh I miss this girl.
Evangeline: Hi baefriend! I miss you so much😘
Jewel: Baefriend! I miss you too. When will you comeback here in the Philippines?
Evangeline: Soon☺️
Jewel: Really??? Oh my gosh let's bond okay??
Evangeline: Yeah of course we will, by the way about nga pala sa studies koLumipas pa ang ilang minuto ng kwentuhan at kamustahan namin. Hanggang sa makaramdam ako ng antok kaya sinabi kong next time ulit. Sinabi nya rin na kailangan na din nyang mag prepare at mag- asikaso ng papeles para sa paguwi nya mag isa dahil magpapaiwan daw muna ang parents nya para asikasuhin ang mga business nila sa ibang bansa. Umaga pa lang sa kanila samantalang gabi na dito. Napatingin ako sa orasan at napagtanto na its already 11:59. Napagdesisyunan kong isara na ang laptop ng saktong alas dose ay tumunog ang notification sa Email ko. Binuksan ko ang mensahe. Nanlaki ang aking mga mata sa aking nabasa.
Email from Dalla Academy
****This is an automated system, no need to reply.****Congratulations! Miss Jewel Niccolaine Vergara. You have successfully applied for the admission test of Dalla Academy.
"Ano ito? hindi naman ako nagpasa ng application form".
Dalla Academy is a prestigious School for Elites but this time the shareholders decided to pick the lucky one to enroll freely. Please click the Link below to be directed on our admission test website.
Gulat na gulat ako at nagtataka sa mensaheng natanggap. Hindi ako nagpasa. Ilang sandali pa bago ako nakabawi. Sinunod ko ang sinabi sa mensahe at pumunta sa sinasabing website.
Welcome
You as one of the lucky winners got a chance to take the test and study at our school. But our school not just accept beautiful and talented people who came from a known family. We also prefer a smart one. Fill out all the prepared questions below.Nagdadalawang isip ako kung susundin ko ba ito nang biglang sumagi sa aking isipan na ito ang paaralang sinasabi ng Incantare Publishing House. Hindi ko alam kung tama ang gagawin ko ngunit ito na lang ang pagkakataon mayroon ako para mas mapalapit sa aking pangarap. Gusto ko itong pasukin at gusto kong matuklasan ang mga dahilan kung bakit malaki ang pagnanais ng Incantare Publishing House na makakuha ng kahit anong istorya tungkol sa paaralang ito.
Anong mayroon sa loob mo Dalla Academy?

YOU ARE READING
DALLA Academy
Novela JuvenilAng DALLA ACADEMY ay isa sa mga pinakamakasaysayan ngunit isa rin sa mga pinakamisteryosong paaralan sa buong mundo. Ang bawat estudyanteng naririto ay nagmula pa sa angkan ng mga nagdaang henerasyon na siyang unang namalagi at nagaral dito. Ibig...