Chapter 2

2 0 0
                                    

"I-ikaw si m-mr. Monreal?, nakaturong tanong ko dito. Ngumisi naman ito na mas lalong nagpalaki sa mata ko.

"Ms. Gines!",  dinig kong sigaw ni mr. Villacorte pero nanatili sa lalaking nasa harap ko ang aking paningin. Nakakailang lunok na ako at pakiramdam ko ay wala na akong laway. "What do you think you're doing!? Why are you pointing at mr. Monreal!? Give respect! He is your boss!", dahil sa nadinig ko ay dali-dali akong yumuko.

"Good morning, mr. Monreal! I'm very very sorry mr. Monreal!", huli na pero bumati't nagpaumanhin pa rin ako. Nadinig ko pa ang halakhak nito.

'sana hindi ako matanggal agad sa trabaho, sana hindi ako matanggal agad sa trabaho, sana hindi ako matanggal agad sa trabaho...'  pinaulit-ulit ko pa yan sa utak ko hanggang sa makaalis siya sa harap ko. Nakahinga naman ako ng maluwag.

Unang araw ko pa lang pero nasermonan na agad ako. Bagsak ang balikat na pumasok ako sa elevator. Bago makarating sa 15th floor ng building kung nasaan ang office ng CEO ay inayos ko muna ang sarili ko. Si mr. Villacorte ang nanguna sa paglabas dito. Kitang-kita ko ang malaking glass door na sa tingin ko ay ang mismong office. Don kami patungo.

Bago kami pumasok ay may nakita akong malaking desk na sa tingin ko ay ang magiging pwesto ko. Hindi ko maiwasan ang mapangiti dahil nakikita ko na ang sarili kong masayang nagtatrabaho dito. May computer dito at mga gamit na magagamit ko sa trabaho. May nakita pa akong pinto na sa tingin ko ay ang comfort room.

Bago pumasok ay kumatok muna si mr. Villacorte bago tuluyang pumasok. Pagkapasok namin sa malaking glass door ay nakita ko ang isang lalaking naka-upo at nakaharap sa malaking glass window. Kitang kita ang siyudad at ang dagat. Napakagandang tanawin. Di ko maiwasan ang mamangha. Hindi ko namalayang napatitig ako ng matagal sa tanawin kaya ng inababa ko ang paningin ko ay nagulat ako nang makitang blangkong nakatingin na saakin si mr. Monreal.

"Good morning, mr. Monreal. She is ms. Tarranza--your new secretary", magalang na pagbati nito. Tinanguan naman ni mr. Monreal kaya yumuko ito. Lumapit muna sakin si mr. Villacorte. "Maiiwan na kita dito, ayusin mo ang trabaho  mo", sabi pa nito bago lumabas. Nanlaki ang mata ko at tinanaw siya habang nakanguso na parang bata.

Nagulat ako nang pagkatingin ko kay mr.  Monreal ay nakatingin na ito sakin. Ayon nanaman yung blangkong tingin niya.

Tumikhim muna ako bago magsalita. "Good morning, mr. Monreal. My name is Rain Krisbelle Ta---"

"I know, ms. Gines"

"Just call me Kris, sir"

"Hmm, okay 'ms. Gines'", pagdidiin pa nito sa pangalan ko. Napalabi na lang ako. "Here", abot nito sa isang iPad. Ipinaliwanag pa nito ang dapat kong gawin. Isinulat ko naman agad ito. "And here", abot pa nito sa tumpok ng binder na sa tingin ko ay nasa sampu.

"What's this, sir?", takang tanong ko habang sinusuri ito.

"Diyan nakalagay ang mga bagay na dapat at hindi mo dapat gawin at mga bagay na gusto ko at hindi. Diyan din nakalagay ang history ng kumpanya for the past years; stocks, projects, reports, etc", paliwanag nito. "Nakalagay na din diyan ang mga mahahalagang tao dito na dapat mong kilalanin; magmula sa position hanggang sa mga nagawa na ng mga ito. Don't worry, mayron diyang mga latest pictures nila kaya hindi ka mahihirapan", dagdag pa nito. "Any questions?", tanong pa nito.

"None, sir", sagot ko.

"Then go to your place. I believe that you already saw it before coming in here, right?", tanong nito. Mabilis naman akong tumango. Nadinig ko po ang pag-ring ng telepon niya. Sinenyasan naman niya akong umalis na bago ito sagutin.

Nang makalabas ay napangiti ako ng pagmasdan ang magiging work place ko. Napakalinis at napakaganda. Hindi na ako makapaghintay na magtrabaho.

Dumaan ang ilang linggo at naging abala ako sa trabaho. Nabasa at nakabisado na ang dapat kabisaduhin. Natawa nga ako ng mabasang may anthophobia siya, fear of flowers. Naawa din ako kasi, ang ganda ng mga flowers eh tapos takot siya don.

Maya-maya lang ay lumabas na si mr. Monreal ng nakaayos na.

"Saan po ang punta niyo, sir?", napatayong tanong ko.

"I have a lunch meeting to attend", sagot nito habang binubuksan ang elevator.

"Ingat kayo, sir", nakangiti kong ani.

Madami-daming trabaho ang dumating kaya naging abala ako. Habang nagtatrabaho  ay suot ko ang isang earphone ko habang nakikinig sa kanta ng Day6. Maya-maya lang rin ay dumating na si mr. Monreal. Wala man lang nagbago  pa rin, gwapo pa rin at mabago. Hays, sana all. Hindi man lang naging haggard. Samantalang, ako heto cute pa rin hahaha charot.

"The things I'm about  to tell you weren't so you, change what's already on your mind. It's just that, I keep thinking about the melodies you made asleep at night...", pagsabay ko sa kantang "You Were Beautiful" na kanta ng Day6.

Raze's POV

Dinig ko ang isang magandang tinig ng pumikit ako galing sa isang meeting. I felt relaxed and calm. I felt like it immediately erased the word tired in my vocabulary. I suddenly felt my eyes sleepy which made me surprised, it's been a long time since I felt the urge to sleep without taking pills.

Napatingin ako sa pinto at kitang kita ko si Kris na kumakanta. Mukhang sa kaniya nanggaling ang magandang tinig na iyon.

"Beautiful, just the way the you will look at me was so much I never wanna leave. I, I keep tryin' to forget how you were beautiful. Just the way that you were calling my name but without you it won't be the same. I, I keep tryin' to forget how you were beautiful...", Pagsabay ulit nito.

'fan din pala siya ng Day6'

Hindi ko namalayang tumayo ako at naglakad papuntang pinto. Sumandal ako sa gilid ng pinto, pinagkrus ko ang aking mga kamay at tumitig sa kaniya. Naramdaman ata niyang nakatingin ako sa kaniya kaya nag-angat siya ng tingin at dali-daling tinanggal ang earphones mula sa tenga niya.

"S-sir", gulat nitong sambit. Gusto kong matawa dahil akala mo nakakakita siya ng multo kung makatingin saakin.

"Tss, you're noisy", sabi ko bago tumalikod at bumalik sa upuan ko.

"Sorry, sir", dinig ko pang pahabol nito. Napangiti ako.

Ewan ko,  pero natutuwa ako sa kaniya. I don't know the exact reason. Maybe because of her voice? I don't know.

'But I think I'm going to fall for that voice'

Binura ko ang isiping yon at tumutok sa ginagawa.

'Kakasimula pa lang, kung anu-ano ang pumapasok sa ulo mo Raze'

Napailing ako sa naisip at muling napasulyap kay Kris. Naalala ko nong una ko siyang nakita. Sa concert ng Day6. Nong time na yon ay nag mumokmok pa ako sa ex girlfriend ko na pinagpalit ako. Pero natanggap ko na rin kaya hindi na ako nalulungkot dahil don. I believe that we broke up for me to meet someone better. Someone who will love me more that the love my ex gave me.

'Katulad ni Kris?"

Kumunot ang noo ko sa naisip. "Bakit siya agad ang pumasok sa isip ko?", tanong ko sa sarili ko.

Sa iilang linggo ay madalas ko siyang sulyapan. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit. Kapag ngingiti siya ay napapatitig ako. Kapag tumatawa siya ay parang musika sa pandinig ko. Kapag kumakanta siya ay parang isang lullaby na pinapakalma ang sistema ko.

'Crush ko na ba siya? O... Gusto ko na ba siya?'

-----
A/N: uyyy, ang bilis ma-fall

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You Were Beautiful (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon