PROLOGUE

19 2 0
                                    

Simula

Sa mundong ginagalawan natin, sa mundong walang kasiguraduhan kung anong mangyayari mamaya, bukas, sa susunod na araw, o sa mga susunod pang panahon, may mga bagay talaga na bigla nalang nangyayari.

Wala man lang babala na mangyayari pala iyon sa iyo. Wala eh.Mangyayari nalang sa ayaw mo o sa hindi.

One day, magugulat ka nalang na ang buhay mo ay bumaliktad na pala. 'Life is full of surprises' Sabi nga nila.

May mga bagay na dumadating at may mga bagay naman na umaalis. Mga bagay na kahit anong pilit nating gawin ay lilisan. Kahit ginawa mo na ang lahat. Kahit sinubukan mo na ang lahat ng paraan para hindi lang iyon mawala sa iyo. Kung kailangan niyang umalis, wala kang magagawa kahit pa masakit. Diba?

Ganyan nga siguro talaga ang buhay. Hindi pupwedeng hangga-hangga ay nariyan ang mga bagay o tao sa piling mo. May mga bagay talagang dumaan para mag 'hi' upang sa huli, ay bigla nalang silang magbibitaw ng katagang 'bye'...

At kapag nagkataon, mapapaisip ka nalang. Magkikita paba kami ulit? Makakapiling ko ba siyang muli? Hanggang doon nalang ba iyon? Sapagkat kahit alam mo sa sarili mo na iyon na ang huli, umaasa ka na kahit sa isa pang pagkakataon, ay magtatagpo muli ang inyong mga landas...

Tulad ngayon...nakaupo ako malapit sa dagat. Dinadama ang hangin at ang hampas ng alon sa dalampasigan habang nakatingala at minamasdan ang buwan. Malamig ang simoy ng hangin pero halos di ko na iyon madama sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

I am here in Siargao, alone. I already went here a couple of times but this is the first time that I'll be spending it alone. Gusto kong tumakas muna sa magulong mundo ko ngayon. An escape place for me is the sea and the moon...

I am here, crying my heart out. Wala na akong pake kung may makakita sa akin dito sa gitna ng gabi pero kailangan kong ilabas yung sakit na nararamdaman ko ngayon kasi hindi ko na talaga kaya masyado nang masakit at mabigat sa puso.

It's been what? 4 or 5 years since nawala sa akin ang taong special sa akin. Hindi ko alam bakit naiisip ko parin siya. Maybe, I still haven't move on because it still hurts. It hurts so bad.

Akala ko wala nang mas sasakit doon pero meron pa pala. Akala ko di ko na uli mararanasan yung ganong sakit pero eto ako ngayon, hurting at the exact place kung saan ako umiyak noong nawala siya sa akin.

At nandito ako ulit. Same place and same reason. Because few months ago...

Ikaw naman ang nawala ko. Ikaw naman ang umalis para iwan ako.

"Miss na kita..." umiiyak ko na sabi sa kalangitan at sa buwan.

"Sabi mo...di mo ko iiwan. Sabi mo dito ka lang palagi sa tabi ko."

Sabi mo...

Mukha na akong baliw dahil kinakausap ko ang hangin at ang buwan. Baka sakaling sumagot siya sa akin...baka sakaling bumalik siya sa akin.

Ganoon ba ako ka unworthy? Na dalawa sa mga taong mahal ko ay nawala sa akin at iniwan ako? Madali ba akong iwan kaya ganoon nalang sila sa pagalis? Hindi ba nila ako mahal kaya palagi nalang akong iniiwan?

Iyan ang mga ilan na tanong sa utak ko. Siguro nga madali lang na iwan ako. Baka nga deserve ko na iwanan.

I smiled bitterly because of that.

"I want to see you, hug you and kiss you pero alam kong di na p-pwede..." mas lumakas pa ang iyak ko kasabay ng paghampas ng malakas na alon.

"Bakit agad kang umalis? P-paano na kita mayayakap kung wala kana sa tabi ko?"
Patuloy parin ako sa pagiyak kasi miss ko na talaga siya...

"Miss na miss na kita...balik kana."

Hiling ko sa kalangitan bago pumikit habang lumuluha.

How I wish, I could go back and turn back time and reset everything. Para naman handa ako. Para hindi yung biglaan na ganito kasi masakit na bigla nalang siyang aalis na hindi nagpapaalam. Masakit maiwan magisa.

Halos hindi na ako makahinga sa pagiyak kasi alam ko naman na imposibleng mangyari iyon. Kahit anong gawin ko hindi na siya babalik...

Imposibleng bumalik siya sa akin...

Ilang oras ako doon pero di parin ako matahan sa pagiyak. Pagod na ako eh. Pagod na pagod na ako na magpanggap na ok lang ako kahit hindi.

Gigising ako na kailangang ipakita na ayos lang ako pero sa tuwing sumasapit ang gabi, all of the emotions are coming in. Yung tipong maiiyak ka nalang ng tahimik habang nakahiga, nakatulala o habang magisa ka.

You'll suddenly realize that you're lonely and hurt inside. You'll realize na hindi ka pa pala ok and that you are in pain. The pain na tinatago mo sa tuwing gigising ka sa umaga at sa tuwing kasama mo yung mga mahal mo sa buhay.

That's basically my routine simula nang mangyari iyon. I wake up, try to muster a smile and put the facade that I want to show them. Spend my day usually and try to be happy but everytime...everytime that I was close to sleeping, bigla nalang tutulo yung luha ko. Iyon pala yung sakit na I've been trying to avoid pero hindi ko magawa. Yung sakit na magpapamulat sa akin na despite of those smiles and laughs, di pala ako ok. Di pa pala ako okay.

I never knew that I was slowly being crushed into pieces not until I looked at myself in the mirror. All along, I've been lying not only to the people around me but also to myself. Di ko na ata kaya. It hurts so much.

All I want is to finally be free from this pain. Iyon lang dahil masyado nang masakit.

Are you happy there?

I wiped my tears from my face and fixed my hair. I know I look like a mess pero wala nang mas gugulo pa sa mga bagay na nararanasan ko ngayon.

I was about to stand and go kasi nakaramdam na ako ng pagod. Gusto ko na sana magpahinga but someone called me...

"Luna?"

Tell me this is not happening...









To be continued...

The Love Of The Girl Named After The MoonWhere stories live. Discover now