CHAPTER 2

8 1 0
                                    

New Things

Huminga ako nang malalim habang tanaw ko sa di kalayuan ang bagong eskwelahan na papasukan ko this school year. How I wish Ava is with me.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa may nagtext sa akin. Speaking of...

From Ava:

Good morning, Luna! Nasa school ka na ba? You know what, no one even dared to speak to me! Can we meet later please? I miss you!

Napangiti ako sa text ng bestfriend ko. We've been friends for how many years at lagi kaming magkasama. Ngayon lang kami nagkahiwalay ng school. She calls me Luna. Luna Aria kasi ang full name ko. She's the only one who calls me Luna. Well, I don't mind.

Ngayon lang kami naghiwalay ng school due to some reasons kaya it's kind of hard to adjust since magmula elementary magkasama na kaming dalawa. But well, life goes on kaya ayun,  no choice. Medyo malapit lang din naman yung school na pinapasukan niya dito.

To Ava:

Sure! Miss you more! Papasok palang ako. Sana nga kasama kita. Also, there's nothing to worry about. I'm sure may makakasundo karin diyan. :)

Maya maya lang nagreply na siya.

From Ava:

Fine fine pero hindi ko na kailangan ng bagong kaibigan. Ok na ako sa iyo! Anyway, usap tayo mamaya  ha start na kami.

To Ava:

Alright, fightings babe! :)

Huminga ulit ako nang malalim at pumasok na sa school. Kailangan pa pala ipakita ang ID kaya kinuha ko pa yung akin sa bag. Ang daming estudyante. Well, expected na iyon since this is a University. I hope maging maayos yung araw ko dito...

Antok akong naglalakad papasok dahil kulang talaga ang nakuha kong tulog kagabi.

Inaayos ko ang magulo kong buhok habang naglalakad. I have never tried dyeing my hair. I like it natural and long. Naalala ko tuloy si lola. She likes brushing my hair noong bata pa ako.

A lot of people are staring at me and it's kinda making me uncomfy. Sinubukan kong huwag nalang silang pansinin kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad. I can't help myself but be in awe of this place. Balak ko kasing dito narin mag college. Mas masaya sana kung nandito si Ava pero, maybe I'll meet new friends here? Hopefully tho.

May mga estudyanteng nginingitian ako kaya nginingitian ko nalang din sila pabalik.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa may biglang humarang sa dadaanan ko at tinawag ang pangalan ko. Medyo nagulat pa ako kasi ang lakas ng boses niya. But hindi ko ineexpect na makikita ko siya dito.

"Ate Aria!!" Nakangiting sabi niya na hinihingal ngayon. Kakagaling lang sa takbo.

"Oh hey, Nicole right?" Masayang bati ko sa kanya. Dito pala siya nagaaral.

"Yes ate, saan punta mo? sabi ko na ikaw eh! Nakita kitang naglalakad kaya pinuntahan kita." Natatawa niyang sabi.

"Ah! Sa SHS building. Ikaw?" Nakangiti kong sabi.

Nanlaki yung mata niya nung sinabi ko iyon.

" Baka maging kaklase mo yung ate ko! Pakilala kita sa kanya mamayang break time ah?"

"Ganoon ba? Sure sige." Nakangiti kong sagot kay Nicole. This girl is so cute! Ang joyful niya. She's also pretty. I bet her sister is pretty too.

"Okies! Tara ate! Sabay na tayo. Magkatabi lang building natin. Grade 8 palang ako eh." Nakangiting sagot niya sabay hawak sa braso ko.

Hinayaan ko siya and I let her lead the way.

The Love Of The Girl Named After The MoonWhere stories live. Discover now