Kabanata II : Ang Pergamino Ng Pinuno

26 2 1
                                    

"Mahal,.. parang gusto kong kumain ng bulaklak ng Zedo "

Mga katagang gumising sa isang matipunong lalaki, sa kalagitnaan ng gabi. Bumangon siya mula sa pagkakahiga at tila nagtataka, "Ikaw ba'y naglilihi na Mahal?". Tanong ng isang napakababang tinig, na siyang musika naman sa kausap nito.

"Mangyaring ganun nga Fernando, subalit nais ko talagang makita ang mapupulang talulot, ang nanghahalimuyak na bango at ang kakaibang lasa ng bulaklak ng Zedo". Paliwanag ng babae habang hinaplos niya ang kanyang tiyan.

Dahan-dahang tumayo ang babae. Inilagay niya ang kanyang maitim na buhok sa isa niyang balikat. Mula sa bintana, nakikita niya ang lawak ng kalangitan. Ang mga bituing nagmimistulang diyamanteng kumikinang. Sa lalim ng gabi, para itong mga kayamanang nakahilera sa lupa.

"Tama ang hinala ko, naglilihi ka nga." Hinawakan niya ang malambot nitong kamay, kung saan makikita ang gintong pulseras na tumataginting sa perlas, brilyante, at mga mamahalin at makukulay na bato.

"Nakakasiguro ka?". Biro nito sa kanya habang binalot niya ang kanyang mga kamay sa malaking balikat ng asawa.

"Oo naman Glenida... Pero napakalayo  mula rito ang bundok kung saan matatagpuan ang iyong gusto."

"Ano ang ibig mong ipahiwatig Fernando?"

"Kung naglilihi ka ay mangyaring mabago na naman ang gusto mong kainin mamaya, at kung ganoon man, ang bulaklak ay tiyak na sa umaga pa makakarating".

Tama ka. Naglakadlakad muna siya at pagkatapos ng ilang mga hakbang ay napaisip siya.

Gusto ko pa ring kumain ng bulaklak ng Zedo.

Binigyan ni Glenida ang kanyang asawa ng isang napakatamis na mga ngiti. Makikita sa mga mata nito kung gaano niya talaga kamahal si Fernando. Gayun pa man, sa panahong ito'y ginamit niya ang kanyang nakakabighaning mukha upang paniwalaan siya ng kanyang asawa.

Hay nako Glenida, ginagamit mo na naman sa akin ang iyong kamandag. "Hahaha".

"Bakit mo ako tinatawanan Fernando?"

"Wala". Sabay halik sa noo, umalis si Fernando sa silid.

Hindi pa man nakakain ni Glenida ang kanyang paglilihiang bulaklak, naging kontento ang kanyang kalooban, sa tamis ng pagmamahal na ipinakita ng kanyang asawa.



Sa Hilaga, malapit sa punong bulwagan, nakabantay ang iilang mga kawal. Magkakapareho man sila ng kasuota'y mapapansin mo ang isang magiting na lalaki.

Kakaiba ang kanyang tindig, kahit wala man sa labanan ay nagpapakita ito ng katapangan. Mababanaag din sa kanyang mga mukha na handa siyang gampanan lahat ng tungkulin at respinsibilidad.

Yumuko ang lahat ng naroroon pati ang magiting na lalaki. Pagkatapos ay nilisan ng iba ang silid at pinabayaan silang dalawa upang mag-usap.

"Kamahalan.. anong dahilan ng iyong pagpunta dito?"

Binuksan ni Fernando ang kanyang palad at nilapit ito sa upuan. Umupo ang dalawa at nagpaliwanag ang Hari.

"Sa tingin ko'y naglilihi si Glenida"

"Ganun po ba?.. Ano daw po ang kanyang gusto?"

"Kung hindi ako nagkakamali, nasa iyong pangangalaga ang lumang mapa"

"Oo.. bakit.." tumigil sa pagsasalita ang pinuno ng mga kawal at biglang naisip ang natatanging bagay na maaaring mangyari.

"Hihiramin ko sana iyon." Pagpapatuloy ni Haring Fernando.

"Hindi mo iyon kailangang hiramin kamahalan, sapagkat, bilang Hari, ang iyong pamilya ang siyang tunay na tagapangalaga nito."

"Ganun pa man, nais ko ring malaman mo, na ang mapa na iyan ay nakatakdang ibibigay sa pinuno ng mga kawal. Ito'y isang bagay na nag-ugat na noon pa man sa ating mga ninuno. Kaya ikaw ang tinatanaw nitong may-ari."

"Mararating lamang ang bundok kung kayo'y maglalakad kamahalan... At aabutan kayo ng umaga bago makabalik dito sa kaharian?"

Ngumiti si Haring Fernando "Kukunin ko na ang mapa.."

Hindi na umangal pa ang pinuno ng mga kawal alam niyang ganoon na lamang kamahal ni Haring Fernando ang Reyna Glenida. Kung kaya, binuksan niya ang dalawang palad. Dinugtong niya ito at lumiwanag ng bahagya ang silid.

Lumabas mula sa kanyang mga kamay ang isang balumbon ng papel na nakatali sa isang manipis at luntiang laso.

Nakadama ng paghahalo ng pagkamangha at pagkatuwa si Haring Fernando. Inabot ito sa kanya ng pinuno ng mga kawal.

"Ang Pergamino" sabi ng Hari.

"Tiyak na hindi kayo maliligaw niyan kamahalan."

Tinanggal ni Haring Fernando ang laso at bigla itong naglaho. Binuksan niya ang papel at nakita niya ang hiwaga na hatid ng Pergamino.

"Ito ang unang pagkakataong mabuksan ito magmula noong ako'y nanumpa ng katapatan sa Kaharian at kinilala bilang Pinuno ng mga Kawal "

Pinagmasdan ng dalawa ang mga maitim na markang nagsasaad kung saan sila ngayon at ang maliliit na linyang tinuturo ang isang bundok.

"Kung hindi ako nagkakamali, ang mapa na ito ay ginamitan ng Salamangka, dahilan kung bakit tanging ang bundok lamang ang itinuturo nito kahit saan ka man malagay. "

Sumang-ayon ang kawal, "Siyang tunay kamahalan, at gaya ng sinabi ko kanina, mararating lamang ang bundok ng nakapaa at tanging ang may hawak ng mapa lamang ang makakakita sa bundok.

"Hahahhaha" napatawa ng malakas ang Hari. "Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan iyon. Kaya dapat na siguro akong umalis."

Tumawa din ang magiting na kawal at nagwika, "Mag-ingat po kayo Kamahalan".


"Salamat, sa iyo. Bantayan mo ang palasyo habang wala ako."

"Siyang dapat kamahalan."












Ang PaglisanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon