Balisang balisa si Alejandra sa paghahanap sa kanyang nawawalang asawa. Mahigit dalawang araw na ang nakaraan magmula nung pinuntahan nila ang mga pulis upang iulat ang pagkawala ni Carmelo, ngunit wala pa rin ni isang magandang balita silang natanggap na magtuturo kung saan napadpad ang kanyang asawa.Kahit ang tamad at pasaway nilang anak na si Nelly, ay nagawang lumiban sa panonood ng mga vlogs, at paglalaro online upang tumulong.
Hindi man niya nagawang sundin ang mga utos nito sa kanya noon, mahal niya pa rin ang kanyang ama. Ngayong nawawala ito alam niya na mas masakit ang nadarama ng kanyang ina.
"Nay, nagpost na po ako online, natweet at nanawagan sa mga followers ko, ngunit wala pa pong sinuman ang nakakita kay tatay."
Matapos niyang sabihin iyon, nakita niya ang luha sa mga mata ni Alejandra na pilit pinipigilan. Hindi lamang ang pag-iyak ang nagdungis sa kagandahan ng kanyang ina, kundi ang mga gabing hindi ito makatulog na may pagtangis ang pusong hinahanap ang minamahal.
Sa araw na iyon, nangyari sa unang pagkakataon ang hindi inaasahan ni Alejandra.
"Anak, babalik muna ako sa police station, baka may balita na akong matanggap."
"Nay, magpahinga muna po kayo, may number maman ang mga pulis sa inyo eh, tatawagan kayo nun kung —"
"Gusto kong malaman ngayon kung ano na ang ginagawa nila upang mahanap ang iyong ama!" Bahagyang lumakas ang boses ni Alejandra.
Tininggan niya ang kanyang anak at huminga ng malalim. "Sige na pabayaan mo na ako, alam ko naman ang ginagawa ko, ikaw na ang magluto ng hapunan mo, baka matagalan ako"
Umikot ang mga mata ni Nelly mula sa pagkatingin nito sa kanyang ina. "Bahala kayo."
"Hindi ka ba natatakot Nelly?"
"Natatakot ako, ngunit hindi talaga kayo makapaghintay na ang mga pulis ang tumawag sa inyo? Ganyan na ba kayo ka atat ?" Pasigaw na sumbat ni Nelly.
"At ano ang gusto mong gawin ko Nelly? Umupo? Matulog at tumunganga habang hindi pa nahahanap ang ama mo?"
"Manood na lang kayo ng vlog at iba pa, para malibang kayo, o di kaya i-chat mo ang mga kaibigan mo.. palibhasa alagang-alaga mo si tatay kaya wala ka nang oras para sa sarili mo!"
"Naririnig mo ba ang sarili mo Nelly?"
"Oo! At nakikita mo ba ang mukha niyo nay? Parang dumoble na yung edad niyo —"
Hindi makapaniwala si Alejandra sa mga salitang binitiwan ni Nelly, kaya nagawa niya itong sampalin ng napakalakas.
"Wala kang galang! Sige! Gawin mo ang gusto mo! Magmukmok ka doon sa kwarto mo at kausapin yang cellphone mo! Habang hinahanap ko ang tatay mo!"
"Sabi ko nga eh, bahala din kayo, hindi ko naman siya ama di ba?"
Matapos niyang sabihin ito sa kanyang ina, tumakbo siya papunta sa kanyang kwarto habang umalis namang umiiyak ang kanyang ina.
Sinara niya ang pintuan at umiyak siya ng umiyak at naalala ang lahat ng pangyayari.
----------------
Sanggol pa lamang siya ay hindi na niya nakita ang muka ng kanyang tunay na ama. Palagi siyang kinukutya at binubulas ng mga kaklase niya noon dahil hindi niya tunay na ama si Ginoong Carmelo.
Ayon sa kanyang ina, naghiwalay sila ng dati niyang asawa noon - ang tunay na ama ni Nelly. Kalauna'y namatay ito ng dahil sa malubhang sakit noong si Nelly ay isang taong gulang pa.
Palaging binubugbog si Alejandra sa kanyang unang asawa kaya siya lumayas at sila'y naghiwalay.
Nahanap niya ang kaligayahang inaasam kay Carmelo na naging katrabaho niya noon. Maalaga ito sa kanya at tinaggap si Nelly ng buong puso at itinuring na parang kanyang tunay na anak.
Ganun din ang nangyari kay Nelly, napamahal siya sa kanyang amain kahit maaga niyang nalaman ang katotohanan. Palagi siyang binibilhan ng mga gusto niya at palagi niya itong kalaro noon.
Subalit, habang lumipas ang panahon, noong si Nelly ay nagdadalaga na, habang naliligo ito ay nakita niyang tinitingnan siya ni Carmelo. Nung umalis ang kanyang Nanay Alejandra upang magtrabaho ay ikinagulat niya noong pumasok ang kanyang amain sa banyo.
Nakangiti ito habang tinitingnan ang balingkinitang katawan ng kanyang anak.
"Huwag kang maingay" bulong nito.
"Tay ano pong ginagawa niyo"
Hinimas-himas ni Carmelo ang balat ni Nelly at inamoy ang kanyang leeg.
"Presko na pala tong anak ko, hali ka't samahan mo akong matulog..."
"Tay, huwag po... "
Natigil ang lahat ng may biglang kumatok
"Carmelo! Nakalimutan ko ang papeles sa kwarto.. pakikuha nga mahal!"
Kinabahan si Carmelo kaya umalis siya sa banyo at binantaan ang kanyang anak "Huwag na huwag kang magsusumbong!"
Umiyak si Nelly sa sobrang takot.
Inabot ni Carmelo ang papeles sa kanyang asawa at umaasang aalis na ito, subalit ito'y pumasok sa loob at nakita ang umiiyak na si Nelly.
"Anong nangyari sa iyo anak?"
"Nay.."
Tumingin sa kanya si Carmelo na may pagbabanta
"Nay... Sinubukan po ni tatay na gahasain ako..." Paiyak at pautal-utal na pagsumbong ni Nelly.
"ANO?? ANO TONG PINAGSASABI NI NELLY CARMELO!?"
"Wala akong alam diyan! Nelly, ano to anak?"
"Naaay.. maniwala po kayo,-"
"Carmelo!"
"Alejandra mahal, hindi ko iyan magagawa sa anak mo! Anak ko din siya hindi ba.. siguro epekto yan ng paglalaro niya ng cellphone magdamag mahal, gumagawa ng kung anong kwento, at kung ano ano din ang pinapanood niyan!" Pagtatakip ni Carmelo sa kanyang sarili.
"Nay... " Hindi na makapagsalita si Nelly at patuloy ang pag-iyak
"Nako Nelly,."
"Nay, pumasok po siya sa banyo habang naliligo ako at.-"
"Mahal, hindi ko iyon magagawa, pumunta lamang ako doon upang kumuha ng sabon dahil maglalaba ako." Paliwanag niya..
Natapos ang kanilang pag-uusap na walang sinuman ang naniwala kay Nelly. Palagi itong umiiyak sa kanyang silid at kung kausapin man ni Alejandra ay palagi nitong iginigiit ang nangyari, ngunit hindi pa rin siya pinaniniwalaan ng kanyang Ina, sapagkat mabait na tao ang pagkakakilala nito sa asawa.
"Kapag may sinabihan kang iba at uulit ulitin mo pa ang nangyari ay papatayin ko ang nanay mo!"
Lumipas ang mga araw, ang kanyang pagmamahal sa ama ay naging pagkamuhi at hindi na kailan pa naging masiyahing bata si Nelly. Palagi na lamang niyang pinapanood ang mga vlog sa cellphone upang malibang at mawala ang takot.
Kaya hanggang ngayon, ito ang nakasanayan niya. Pinalagpas niya ang pangyayaring iyon na parang bulang naglaho. Magmula din noon ay naging malayo na ang kanyang kalooban sa kanyang mga itinuring na magulang
BINABASA MO ANG
Ang Paglisan
FantasyMay mga lihim na pilit tinatago ang batang si Nelly. Subalit, lingid sa kanyang kaalaman ang mga sikretong kanyang mauungkat sa paglalakbay. Makakasalimuha niya ang mga nilalang at bibigyang kasagutan ang mga tanong na bumabagabag sa kanyang pagkat...