His POV
" Wow! Pare! Bilib na talaga ako sayo! Pati yung prinsesa ng school napaiyak mo!" sabi ng kabarkada kong si Quen habang naglalaro ako sa Phone ko.
"Pare! Wala ka kasing tiwala sa akin eh! Lahat ng babae kaya kong paibigin saka ko papaiyakin!" aba! siguro naman sapat na yung napaiyak ko yung pinakamahalagang tao dito sa school na toh diba?
" Lakas naman ng hangin dito." Loko talaga tong kaibigan ko.
" Hindi naman ako nag mamayabang eh. Sinasabi ko lang ang totoo!" kampanteng sagot ko sa kanya.
Totoo naman eh! Sinasabi ko lang yung totoo. Lahat ng magandang babae at sexy naging Girlfriend ko. Itatanong nyo ba kung seryoso ako?
Isa lang ang isasagot ko. " HINDI" Wala ni isa akong sineryoso sa kanila. Sapat na sa akin yung nasaktan ako ng isang beses.
Ako si Daniel Padilla eh! Ang kinikilalang "Badboy" ng school. Kaya kong gawin lahat ng gusto ko! Mayaman kasi ako!
" Weh! Sigurado kang lahat ng babae." Sabi nitong si Quen.
" Oo nga! Wag lang yung gustong maging lalaki hahaha." sabi ko.
" Kahit iyon?" tinignan ko si Quen at nakanguso sya sa isang direction.
Nung tiningnan ko yung nginuso nya. " Psh! Iyan?! Hahahaha " Isang ordinaryong babae lang naman. Kayang - Kaya ko yan! Baka nga isang araw lang kami na nyan.
" Pare! Iba yan! Hindi ata yan naliligawan! Ayaw kasing madikitan ng kahit sinong lalaki yan." sabi ni Quen.
Ah ganon! *evilgrin*
Tinago ko muna sa bulsa ko yung phone ko.
Ayaw palang madikitan ng lalaki ha?
Tingnan natin kung hindi ko mapaiyak yan.Tinignan ko si Quen.
" Hoy! Daniel! Anong gagawin mo?!" sabi ni Quen.
Hindi ko tinatanggal sa babaeng yun ang tingin ko. " Watch and learn" sabi ko.
Nilapitan ko yung babaeng ayaw Daw malapitan ng kahit sinong lalaki.
Umupo ako sa tabi nya habang nagbabasa sya ng libro.
Nung naramdaman nyang umupo ako lumayo sya kaagad at niligpit ang gamit nya.
Asar tong babaeng to bulag ata eh!
Isang gawong lalaki na nga ang lumalapit ayaw pa nya.
" Ah! Miss Sandali lang." hinawakan ko yung kamay nya. Umpisahan na natin.
*Slap!*
" What the! Hoy Miss! Bakit mo ako sinampal?!" Anak ng! Sinampal ako?! Anong karapatan nyang sampalin ako!
" Sa susunod! Wag mo na akong lalapitan!" iyon ang huli nyang sinabi syaka sya tumakbo palayo sa akin.
Baliw ata yun eh! T*nginis. ASAR yun ah! Wala pang kahit sinong sumasampal sakin !
" HAHAHAHAHA! Pare, ano? Lahat ba ng babae? Baka naman nagbibiro ka lang? hahahaha " sabi nitong kaibigan ko.
Isa pa tong lalaking to eh! Hinahamon ba nya ako?! Pwes di ako magpapatalo.
" Hoy! Quen! Papatunayan ko sayo. LAHAT! Hintayin mo lang yung oras nayun." Nangingiting sabi ko.
" Ano bang pangalan nung babaeng yun?!" sabi ko.
" Kathryn Bernardo ata? Oo tama!" sabi ni Quen na iniisip talaga ang pangalan.
" Sige, Lagot talaga sa akin yang Kathryn Bernardo na yan! Sya na ang susunod na papaiyakin ko." * Evilgrin* sabi ko.
" Grabe ka! Pati yung nananahimik. Tss! Ang cute pa naman." Sabi nitong mokong nato.
" Kung may gusto ka sa kanya. Itigil mo na dahil sa akin lang yan iiyak" Nakangiti kong sabi.
" Baliw! Wala akong gusto sa kanya. Sa kaibigan nya ako may gusto." sabi naman nya na parang inlove na inlove. Pshh.
Lagot ka sa akin Kathryn Bernardo ka. Mapapasakin ka din! Hahaha
Her POV
" Walanghiya yung lalaking yun! Wala syang karapatan hawakan ang kamay ko!" Inis na inis akong pumasok sa room.
Pumunta nga ako doon para maging tahimik yung buhay ko, Pero ang nangyari lang. May isang pangit na lalaking gumulo sa magandang araw ko.
Hays!
" Huy! Kathryn. Ano bang problema?" tanong ni Liza na makalapit ako sa upuan. Bali kasi nasalikod ko sya.
" Oo! May pangit kasing humawak sa kamay ko!" sabi ko.
" Talaga! Sino? Lakas ata ng loob nyang lapitan ka?" sabi naman nya.
Oo. Walang ngang lumalapit saking lalaki dahil lahat natatakot sa akin! Sinusungitan ko kasi.
" Sinampal ko." sabi ko sa kanya.
0__________o reaction nya.
" Sinampal mo ka agad?" Sabi nya.
" Oo, bastos eh!" sabi ko sa kanya.
" Hays! Ayaw mo ba talagang magkaasawa?" Sabi nya.
" Syempre naman gusto, syaka ano kaba masyado pa akong bata para sa asawa asawa na yan." sagot ko.
" Ni boyfriend nga wala ako syaka makikita ko din yun." sagot ko ulit.
" Kelan pa kaya mangyayari yun" sagot nya. =_____=
Tinignan ko lang sya ng masama.
" Ay! Oo makikita mo yun hehehe." sagot nya haha. Natakot
Nagsimula na ang klase namin ng dumating ang teacher namin sa English.
Nakakatamad pero kailagan kong mag aral ng mabuti. Nagulat nalang ako ng biglang magsigawan ang mga kakalase ko. =____= Tinakpan ko agad ang tenga ko.
Tumalbog na ata yung eardrums ko.
" KYYAAAAHHHHH! Danieeeelll! I Love you.." sigaw ng isa sa classmates ko.
" Sakin ka! ako ang pinuntahan mo diba?" Ay teh assuming ka agad hahahaha. Joke!!
Ano bang sinasabi nila?! Iniyuko ko na lang yung ulo ko sa desk. Sumasakit na ang ulo ko eh! Ang lakas ng boses nila.
" Sino bang kailagan mo?" narinig ko pang sabi ni Ma'am.
" Gusto ko lang pong makita yung crush ko." narinig kong sabi noong kausap ni Mam.
Corny nun ah!
PSH! May paganun- ganun pa! Kala nya siguro ang sweet nya kung pupuntahan nya yung crush nya.
Lalo naman nagkagulo yung mga babae at sumisigaw pa na " Ako yun! "
-______-" Si Kathryn po." sabi noong kausap ni mam.
Sus! Si Kathryn lang pal--.
HUH?!!
Agad kong inangat yung ulo ko. o____o
ako lang naman yung kathryn dito diba?
Halos matanggal na ang panga ko noong nakita ko kung sino yun.
" Ikaw?" Aba! wala talagang modo tong pangit na toh.
Kumaway pa sya sa akin at ngumiti ng sobrang tamis. Arrrrggggghhhh! Ano bang ginagawa nya?
BINABASA MO ANG
When Badboy meets Suplada [ KathNiel ]
Romance" Akala ko biro lang ang lahat. Di ko alam na ako na pala ang talo sa ginawa kong laro. " - Daniel Padilla