Kathryn's POV
" Ang galing mo talaga Kathryn. Ikaw na naman ang highest! Libre naman dyan." sabi ni Janella.
" Ano ba ang gusto mo?" tanong ko sa kanya nasa mall kasi kami bumibili ng gamit.
" Ay, wag mo na lang pala ako ilibre, Isa lang naman yung gusto ko eh!" nakangiting sabi nya.
" Ano bang gusto mo?" tanong ko sa kanya.
" Si Danieeeeelll! Haynako. Ang swerte mo talaga! Akalain mo yun. Sayo pa nainlove yun? Eh magaganda lahat ang naging girlfriend nun." dagdag pa nya.
Tiningnan ko lang sya ng ubod ng sama. Ano kaya ibig nyang sabihin?
" Nako! Kathryn. Hindi ko naman sinasabi na pangit ka. Ang sakin lang kasi ang sosyal ng mga naging girlfriend ni Daniel. At eto pa! Lahat naging syota nya iniiwanan nya kaagad." sabi nya sa
akin.=____= " Bakit mo ba sinasabi sa akin yan? Unang-una di ako interasado sa kanya." sabi ko naman ng naiinis.
"Sus! Choosy ka pa teh!" sabi naman ng isang toh.
" Hindi ako choosy, Ayaw ko lang talaga. Ewan! Basta. Tsk!" sabi ko ng lalo pang naiinis.
Naglibot na lang kami sa mall. Bumili ng mga damit. Ngayon andito na kami sa grocery bumibili ng mga pagkain.
" Ano bang masarap?" tanong ko sa kanya.
" Ang takaw mo naman! kath Di kaba nagdidiet? Ang dami nyan oh! Puro junkfoods." Sabi ni liza sa akin.
" teh, tinatanong ko lang kung anong masarap. Pero masarap naman kasi eh. Teka nga sandali lang may kukunin lang ako sa kabila. " sabi ko habang papunta sa kabilang side.
Nakita ko kasi yung favorite kong toppo nakalimutan ko kasi kunin eh. Kaya bumalik ako para kumuha. haha
" Ilan kaya kukunin ko" hmmm habang nakangiti.
Inabot ko sya kaso masyadong mataas at di ko abot. Anak ng towka bakit kasi ang liit ko.
" Miss! Ako na. " sabi nung guy.
Nagulat na lang ako nung inabot nung guy yung toppo ko at binigay sa akin.
Hindi ko sya tinitingnan at basta basta na lang kinuha yung toppo ko at dali daling umalis.
Bakit kasi ang daming lalaki dito sa mundo -_- hinabol ako nung guy.
" Wala manlang bang thank you dyan?" sigaw nya.
Malayo na ako sa kanya pero rinig ko pa naman.
Oo nga pala di man lang ako nakapag pasalamat! Mukha naman syang mabait eh. Saka tinulungan naman nya ako eh.
"S-salamat"! saka ako ngumiti ng pilit. Duh man hater ako dba.
Sinubukan nyang maglakad ng dalawang step papunta sa akin.
" Nga pala, I'm Quen." sinasabi nya habang naka ngiti. Gumawa ulit sya pa ng isang hakbang papalapit sa akin kaya napastep backward ako.
"W-wala naman akong masamang intension sayo miss, gusto ko lang na magkakilala tayo. " sabi nya.
" Pero kung ayaw mo naman, okay lang. Basta wag mo lang kakalimutan ang pangalan ko." sinabi nya ulit.
Tumango lang ako sa kanya at umalis na sa harapan nya para puntahan si liza.
Bago pa ako makalayo ng tuluyan sa kanya narini ko pa syang sumigaw.
" Kaibigan na tayo ha? " narinig kong sigaw nya.
-
" Liza.. matagal ba? " tanong ko kay liza na nagluluto ng masarap na lasagna.
" Sandali lang naman teh!" natawa naman ako sa pagkasabi nya ng teh hahaha.
Kung nagtataka kayo bakit kami magkasama ni liza is dahil nakatira kami pareho sa iisang condo. Binili ito ng parents namin dahil pareho silang busy sa work sa California.
Ilang saglit na lang at natapos na syang magluto ng hapunan namin dalawa. Masarap naman sya magluto pero mas masarap yung sa akin kaso nga lang nakakatamad haha.
"Yass! salamat sa pagkain." haha habang sarap na sarap ako sa pag kain.
Sarap talaga kumain kapag masarap ang luto hahaha.
" Ah, kath gusto ko lang sana magtanong pwede ba?" sabi ni liza.
" Ano yun? " sabi ko habang kumakain.
" Pwede bang dito na lang tayo gumawa ng projects?" sabi nya kaya nabigla ako.
" Hindi " kaya mabilis kong naisagot pagkatapos ko mabigla sa sinabi nya.
" May mga lalaking kasama eh kaya sinabi ko na lang sa grupo na ako na lang gagawa ng projects natin." sabi ko naman sa kanya na ikinagulat naman nya.
" WHAT? -W-hat? ginagawa mo yun? Dahil ayaw mo lang ng lalaking ka grupo?!" di makapaniwalang tanong nya sa akin.
BINABASA MO ANG
When Badboy meets Suplada [ KathNiel ]
Romance" Akala ko biro lang ang lahat. Di ko alam na ako na pala ang talo sa ginawa kong laro. " - Daniel Padilla