Avan's POV
Hi kupido, Isang anghel na pumapana ng puso. Hindi ko alam kung ano ang itatawag sa'yo. pero.. Alam mo bang hindi ako naniniwala na nag-eexist ka sa mundo? Siguro mas maniniwala pa akong na nag-eexist si Santa Claus. Pero alam mo gusto kong magsulat sa'yo.. Wala kasi akong kaibigan e. Kaya Susulatan ko nalang ang taong never nag-exist sa mundo. At ikaw 'yon kupido.
Nga pala, Alam mo bang tumibok ang puso ko nung nakita ko si Avan Dominic Ruiz kahit hindi naman ako hinihingal o pagod? Ewan ko nga kung bakit ehh.. Nagsearch ako at ang sabi ni google baka daw "love" na 'yon. Huh? Ibig sabihin pumapana ka talaga? Nageexist ka ba? Pero bakit mo 'ko pinana?! High school palang ako 'no!
*Boogsh*
"Ouch !"sigaw ko sa kanya.
"S-Sorry.. P-Pasensya na."sabi niya.
Iniwan ko siya doon at hinayaan siyang nakaupo sa sahig.
Alam mo bang nagsimula na akong mag-ayos ng sarili ko? Ang dami kasing nagsasabi sa'kin na mag-ayos daw ako. Kasi may itsura daw akong babae, maganda daw ako kaya lang hindi pala ayos. Pero hindi ko pinansin ang mga sinasabi nila. pero nung narinig ko lang ang salitang "baka magustuhan ka ni Avan" doon lang talaga ako nagsimulang mag-ayos. Hindi naman sa napakadumi kong tao o nakakadiri ako o kaya ay mabaho ako. Hindi lang talaga ako pala-ayos. kunwari kapag nagsusuklay ako hindi na ako tumitingin sa salamin basta naayos ko yung buhok ko tapos. hindi din ako nagpupulbos kasi hindi ako sanay. Tsaka, kahit maaraw basta gusto kong lumabas ng bahay lalabas ako hindi naman ako pala-ingat sa balat ko e..
Pero lahat iyon nagbago.. Sinisigurado ko na ngayon na maayos ung buhok ko. Nagpupulbos na rin ako. Minsan nalang ako lumabas ng bahay tapos minsan nakapayong na 'ko. Kapag lalabas ako may mga kapit bahay na magsasabi na dapat daw matagal ko na sinunod ang payo nila na mag-ayos may iba namang nagsasabi may ganda pala akong tinatago. Pero may mga ibang taong nagsasabi na lumalandi daw ako dahil nagsisimula na akong maging pala-ayos. Pero 'yon lang naman yung mga binago ko. Ganito pa rin ang ugali ko. Hindi ako naging mapagmataas. Maganda o masama man ang sinasabi nila sa pag-aayos ko tinanggap ko ito ng maayos at walang sama ng loob.
"Hi."sabi ko sa kanya habang nakaupo sa garden.
"H-hi."sabi niya at yumuko.
"*sigh* Alam ko na alam mo na may crush ako sa'yo. Pero crush lang naman 'yon kaya sana pagbigyan mo na ako. Nakaka-asar nga ehh.. nag-ayos pa ako ng sarili ko kahit alam ko naman na kahit maging sikat pa akong artista o gawin pa akong panlaban sa Miss universe hindi mo pa rin ako mapapansin. Isa lang naman kasi akong babae.. Na nabangga ka at magsasabi na nga lang ng sorry na-utal pa."sabi niya at tumingin sa'kin.
"You're beautiful. Napansin ko lahat ng pagbabago mo. At oo gumanda ka.."Sabi ko at nagulat siya dahil doon.
"Sa-Salamat?"nahihiyang sabi niya.
"Can i be your last dance?"tanong ko.
"H-Ha? A-ano?"sabi niya.
Alam mo kupido sinayaw niya ako. Hindi man siya ung partner ko nung prom, hindi man siya ung first dance ko, Pero siya ung last dance ko! Hindi ako ang nagyaya kundi siya! Alam mong iyon ang pinakamasayang gabi para sa'kin. Naging close din kami. Kahit hindi ko inakala na magiging close kami.. Akala ko nga may mamumuong "Love" E.. Pero siguro nga talaga tama ang kasabihan na "kung kayo edi kayo kung hindi edi hindi" Pero mukhang hindi kami para sa isa't-isa kasi wala naman siyang nararamdaman sa akin. Pero okay lang maging magkaibigan lang kami masaya na 'ko.
BINABASA MO ANG
Sulat Para Kay Kupido (One-Shot)
RomantikAno bang magagawa ng isang sulat sa buhay ng tao ?