Bigla ako naalimpungatan sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana ng aking kwarto. Pinilit kong isara ang aking mga mata nagbabakasakali na hindi maramdaman ng mga mata ko ang sinag ng araw. Nang hindi tumalab, kinuha ko ang unan sa aking tabi at ipinatong ko sa aking mukha,
Pinilit ko pang makatulog ngunit wala na, nasira na nang tuluyan ang aking tulog. Nakalimutan ko na naman takpan ng kurtina ang aking bintana kagabi kaya ngayon, nagising ako.
Kinuha ko ang aking telepono na nasa ilalim ng unan upang tignan ang orasan. Nakita kong 6:51 na ng umaga, araw ng lunes.
wait,
Lunes?
6:51?
shit
Dali-dali ako bumango mula sa aking pagkakahiga. Muntik pa ko madapa dahil sa kumot na nakapulupot sa akin. Agad akong kumuha ng sando, undies at shorts. Kinuha ko rin yung tuwalya ko sa sampayan at dali-daling pumunta ng cr.
Wala nang sere-sereminyas ay agad akong naligo. Pagkatapos ko maligo ay kinuha ko na ang uniporme namin sa university. White blouse lang yun na ang palda ay pencil cut na hanggang tuhod lang na kulay brown. May paribbon din pala uniform namin na kulay brown. Pang match ba sa palda.
Hindi na ko nagsayang ng oras sa pagsusuklay at pag-aayos ng mukha. Kinuha ko na yung black shoes ko, agad ko itong sinuot at hinablot ko na yung bag kong pagkalaki-laki na nakapatong sa upuan ng aking study table.
7:30 am na. Huhu awitttt.
Dali-dali akong lumabas sa apartment na inuupahan ko tumakbo papuntang sakayan. Mabuti na lang at nakikisabay ang mga jeep ngayon at agad akong nakita ng jeep na pwedeng maghatid sa akin sa paaralan. Agad ko itong pinara at sumakay.
Wag na kayo magtaka kung bakit ako nagmamadali. Tutal nabanggit ko na yung university, ay malamang dun ako papunta. Malelate na ko sa first subject ko na ang simula ay alas-otso ng umaga. Kaya madaling madali ako kasi 45 minutes ang byahe papunta sa university mula sa aking apartment.
Bakit ba kasi ako ngayon nalate. Kung kelan naman may quiz kami eh. Hayop na yan.
"Manong Bayad po, sa Laylayan University nga po." Agad na rin akong nagbayad. Nakakahiya naman kasi pag hindi. Lagi kang susulyapan ni manong kasi alam niya pag hindi ka pa nagbabayad.
Habang nakaupo ay nagdadasal ako na sana humataw si manong sa pagmamaneho para hindi ako malate sa klase ko.
Magkadikit pa ang aking mga kamay at nakapikit pa ko, habang ginagalaw-galaw ko ang aking mga tuhod. Paulit-ulit sa aking isipan ang mga katagang 'Jusko Lord' hanggang sa-
"JUSKO LORD" nasigaw ko na. Biglang himinto yung jeep dahil sa gulat.
Unti-unti akong nagmulat at nakita ko yung mga pasahero na gulat na nakatingin sakin. Nakakahiya.
Pinaghiwalay ko ang aking palad na nakadikit at pinorma itong peace sign.
"Sorry po. Kinakabahan po kasi ako hehe." sabi ko. Dahan-dahan naman silang nagsipagtangoan at bumalik na lang ang tingin sa daan, Umandar na muli ang jeep at ako ay napahinga na lang ng malalim at kumalma.
Nang makita ko ang gate ng aming unibersidad ay agad akong pumara. Dirediretso na kong tumakbo papasok. Nagpapasalamat talaga ako sa langit at walang guard na nakaharang ngayon sa gate kaya nakapasok ako agad.
Nagdadasal ako sa aking isipan na sana wala pa doon ang aming guro dahil malamang yari ako. Unang pakahuli sa klase ko naman ito, sana naman ay palagpasin nya na.
8:10 am na ng makarating ako sa tapat ng aming klase. Nagsisimula na silang magsagot sa aming quiz. Hinahabol ko muna ang aking hininga bago ako kumatok at kunin ang atensyo ng aming propesor.
"Magandang umaga po Miss Garcia, pasensya na po at nahuli ako sa ating klase." Paghingi ko ng paumanhin sa aming guro. Hinihingal hingal pa ako nyan. Pagtapos ko magsalita ay napalunok ako ng maraming laway dahil sa uhaw.
Medyo close naman kami ni Miss Garcia pero walang puang sa kanya ang mga nalelate sa klase nya, pinapagalitan nya talaga sa harap ng klase ang sinuman ang malate. May parusa pang kasama kaya medyo kabado talaga ako.
Sana naman wag malala.
"You are late Miss Morales. This is your first time."
Pahayag niya. Woah ang kalmado nya ngayon araw."Sorry po talaga." Paghingi ko ng paumanhin. Medyo kumalma na ko.
"You may now take your seat." Kalma nya uleng pahayag. Woahhh walang punishment, nice.
"And go to my office after the break." Hindi pa man din ako nakakalagpas sa kanya nang banggitin nya yan. Napabuntong hininga na lang ako at napatango kay Miss Garcia.
"Good morning miss, sorry I'm late po." Hindi pa man din ako nakakaupo, may nalate na naman.
"This is your third time being late mister Dela Mercedez! Hindi ka ba nadadala huh?!" Nako nalintikan na. Engot talaga tong si Mercedez eh.
"Sorry talaga Miss. Promise po last na ito."
"Come to my office after lunch!"
Umupo na si Mercedez sa tabi ko. Oo, magkatabi kami. Mukha tuloy tanga kasi pareho kaming late.
"Minus 10 to the both of you! Mercedez and Morales." Nanlaki ang aking mga mata na nakatingin kay Miss, mukhang seryoso na talaga siya kaya nabuntong hininga na lang ako at sinagutan ang test paper na nasa desk ko.
YOU ARE READING
Strange Girl
Teen FictionShe was simple yet weird. You'll get her in one point then later on you don't. She seems breathing but actually her heart stops beating. Be ready for an emotional ride! P.S., She is funny sometimes.