Chapter 2

4 0 0
                                    

Pagtapos ng last subject namin para sa morning class, tinawag ko agad si Mercedez. "Woi Gen, wag ka na pakupadkupad huh, tara na, hanggat hindi pa lumalabas mga fan girls mong siraulo." Ngumuwi lang si gago. Tinawanan ko lang siya at inunahan ko na siya lumabas ng classroom namin.

Agad rin naman siyang humabol saakin.

Magkasama kami ngayon naglalakad (malamang) papunta kay Miss Garcia. Sana talaga wag masyado mabigat yung parusa na ibibigay samin. 

"Parang hindi ka kinakabahan?" tanong ni Gen sakin. "Bakit naman ako kakabahan?" Balik kong tanong. "Eh first time mong nalate at mapaparusahan." sagot nya na para bang nakikita nya araw-araw kung sino-sino sa mga kaklase namin lagi nalelate. "Akala mo lang yun. Bilisan na natin maglakad." 

"Hoy sandali!" sigaw nya. Naglakad na kasi ako ng mabilis. Daming satsat, eh kasalanan nya naman to.

Well, di naman talaga kasi late din talaga ako. Haysss.

Pagkarating namin sa tapat ng pinto ng office ni ma'am ay agad din ako kumatok. Akmang pipigilan pa ko ni Gen kumatok pero mas mabilis yung kamay ko.

"Di ka man lang huminga, kumatok ka agad." inis na bulong niya sakin. Tinignan ko lang siya sabay taas ng kilay na para bang nagtatanong.

"Pasok." sigaw ni Miss Garcia samin.

Agad kong pinihit ang door knob at pumasok. "Good afternoon po." bati ko sa kanya.

"Pasok kayong dalawa. Upo kayo rito." anyaya niya.

Dahil nakapasok naman na ko, tinignan ko si Gen sabay ngiti at inayang pumasok sa pamamagitan ng pagsenyas. Umupo na rin ako agad.

Nakita kong inis na nakatingin itong kumag na si Gen sa akin.

Laging galit wala naman akong ginagawa. Abnormal.

Siguro dahil sa itsura ko ngayon. Kaya siya nabwibwiset.

Kung titignan kasi ay mukhang excited pa ko dahil pinatawag kami ni Miss Garcia at hindi kinakabahan. Ito ata ang ikinaiinis nitong si Gen.

"Ahh ma'am, ano po parusa namin?" panimula ko kay Miss Garcia. Binigyan ko sya ng kunyari kabadong ngiti.

"Well, simple lang naman papagawa ko. Hindi naman siya parusa kasi tutulungan ko lang kayo. Specialy Mister Dela Mercedez. Nakita ko kasi sa mga records ko na, puro bagsak ang grades ni Mister Dela Mercedez. And I want you Elyane to help Gen. Gusto kong tulungan mo siya pataasin ang grades niya."

"Eh ma'am, parang ako lang may parusa eh." Kamot batok kong sabi kay Miss Garcia.

Legit naman kasi, parang ayahay lang tong si Gen pag nagkataon.

"Unless, you want to mop the floors of the whole school?" Bawi ni Miss Garcia. Grabe, parang no choice ah.

"Sige na ma'am, pataasin lang naman po pala yung grades ko eh," andito pa pala si Gen, buti sumingit siya. Kakalimutan ko na sanang nag-eexist pa siya.

Bigla siyang tumingin sa akin at sinabing "Kaya mo naman yun, diba El?" Ukininam. Anak ka talaga ng nanay mo Gen.

Tinignan ko lang siya sa mata na walang kaemosyon-emosyon. Bwiset talaga.

Well, wag na natin palakihin ito. Haynako.

"Ok ma'am, mukhang no choice ako." Natatalo kong sambit. Tinignan ko si Gen na parang sinasabing umayos ka. Ngumisi lang ang kumag.

"Well then, you can have your lunch now." Ngiting sabi ni ma'am. Pero di pa kami tapos.

"By the way ma'am, bakit kailangan pataasin ang grade ni Gen?" Tanong ko. Siyempre curious ako kung bakit yun ang pinapagawa samin nitong si Gen.

Strange GirlWhere stories live. Discover now