Pagkatapos ng klase di na muna ako umalis. Ako kasi ang presidente samin kaya kailangan ko muna intayin umalis lahat ng kaklase ko bago ako umuwi.
"Woiii yung mga cleaners jan, baka naman." sigaw ko sa mga kaklase ko. At tumingin lang sila sa akin. Grabe na eyan sila ahh.
Nilapitan ako ng isa kong close friend dito sa room. Si Trina, "Woii cleaners ka kaya, makasigaw ka jan." sigaw niya sa akin.
"Ayy! Cleaners ba tayo ngayon? Hahaha" tawa kong sabi sa kanya. Cleaners pala ako di ko naalala haha.
"Bye, pres." Paalam ng mga kaklase ko sakin. Tumango lang ako sa kanila kasi nagwawalis ako. kailangan bilisan ko maglinis kasi may trabaho pa ko.
"Trina, dalian mo maglinis para makaalis na tayo." sabi ko sa kanya.
"Sige." Binilisan niya mag-ayos ng upuan at ako naman ay binilisan ko magwalis. Nang matapon ko na sa basurahan yung mga kalat, ay agad kong niligpit yung mga ginamit namin. Pinatay ko na yung mga ilaw sabay takbo sa labas.
"Hoy! Gago ka talaga Elyane." Sigaw sa akin ni Trina habang nagmamadali rin makahabol sa akin.
Nang nasa baba na ko ay tumigil na rin ako tumakbo at tumawa ako ng malakas, napatingin pa sa akin yung ibang mga estudyante pero wala naman akong pake haha. Nang mahimasmasan ako eh humarap na lang ako sa hagdan at inantay si Trina.
Tatlong minuto ang lumipas ay nakita ko na siya mula sa itaas ng dalampu't limang baitang. Dahan-dahan siyang bumababa na ani mo ay isa siyang prinsesa. Mahadera talaga.
"Baka gusto mong dalian? Sabunutan kita jan eh." sigaw ko sa kanya. Inismiran lang ako ng gaga at medyo binilisan ang pagbaba niya. Take note, medyo lang.
Naglalakad na kami ngayon papuntang gate para makalabas na.
"Ok ka naman dun sa pinagtatrabuhan mo diba?" Tanong sakin ni Trina.
Kailanga ko kasi magtrabaho para sa sarili ko. Sa carinderia ako nagtatrabaho billang helper dun. Sulit naman yung sahod eh. Nababayaran ko ng maayos yung rent ko sa apartment, nakakakain pa naman ako at nakakabayad pa naman ako sa school. Sobrang bait nga ni Aleng Nena eh, minsan may bonus ako kahit wala pang pasko, limang buwan pa lang ako dun ah.
"Sobrang Ok!" Sagot ko sa kanya, may kasama pang thumbs up.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad papuntang labasan. Medyo malapit na kami.
"Bakit ka nga pala nalate kanina?" tanong niya.
"Akala ko kasi sunday palang kaya natulog ako ule hahhaha. Paggising ko, gago anong oras na tapos monday pala ngayon haha" kuwento ko sa kanya.
"Buang ka talaga. Anong parusa binigay sa inyo ni Gen?" pang-uusisa niya pa.
"Wala, magtututor lang ako kay Genadios. Lugi nga ako eh. Ang swerte ni gago, mag-aaral lang hahaha." kuwento ko sa kanya.
"Swerte nga." ngisi niyang sabi sakin. Anong nakakatawa? charing haha.
Nang makarating na kami sa gate ay nagpaalam na rin kami sa isa't-isa.
Agad na akong naglakad dun sa carinderia na pinagtatrabauhan ko. Walking distance lang naman ito sa university kaya less hasle.
"Aling Nena!" Pagbati ko kay Aling Nena sabay ngiti at kaway.
"Oh andito ka na pala, magbihis ka na para makapag umpisa ka na." Tumango lang ako sa paalala niya at agad pumunta sa munting palikuran dito sa karinderia. Kasing laki ng maliit na restaurant itong pwesto namin, tapos may TV maliit para sa konting entertainment tapos may palikuran din. Parang Buffet ang posisyon ng mga lamesa dito kung saan nakapatong ang mga iba't ibang putahe. Tapos sa harap naman niyon ay mga lamesa at upuan para sa mga kakain.
Agad-agad na rin akong nagbihis ng white t-shirt at leggings. Nagpalit na lang ako ng tsinelas para hindi mapudpud yung sapatos ko.
Si Aling Nena ay nasa mid 40's na siya, medyo mataba pero masiglang masigla pa rin. Makikitaan mo na siya ng konting wrinkles at puting buhok pero mukha pa rin siyang bata. Medyo maliit rin siya kaya siguro baby face din siya haha, meztisa pa. Sana all.
Agad na rin akong lumabas at ipinatong ang bag ko sa may gilid. Tinulungan ko na rin si Aling Nena dahil maraming costumer ang ganitong oras, 6:00pm hanggang 8:00pm ang dagsa ng costumers. 11:00pm naman ang sara ng karinderia. Medyo late pero keri naman araw-araw. May pasok rin ako ng saturday at whole day yun. 6:00am ng umaga hanggang 11:00 pm. Yun ang paguran hahaha.
Nang lumabas ang last costumer ngayong araw ay napaupo ako sa pagod. 11 na ng gabi at pasara na kami. Si Aling Nena naman ay nagbibilang ng kita ngayon araw. Siya ang cashier dito, may ibang tumatao dito pag nasa university ako, siya sa umaga, pero hanggang 11pm lang siya. Dun naman papasok yung anak ni Aling Nena para tumulong sa nanay niya, wala kasing nagshishift ng hapon kasi pumapasok nga, yun naman is pamilyado na kaya dun na lang siya sa karinderia ng nanay niya nagtatrabaho.
After 2mins ay tumayo na rin ako ang nagsimulang punasan ang mga lamesa at upuan. Pagkatapos ay nagwalis na ko ng sahig at minop iyon. Nililipig ko na ang mga kardero ng magsalita ako.
"Ahmm Aling Nena..." Pagtawag pansin ko sa kanya.
"Ano? Wala ka ng pera?" Tanong niya sa akin.
"Hala, hindi po. Grabe naman, di naman ako lagi nanghihingi ng pera." Eksahirada kong sabi sa kanya. Nagmukha tuloy defensive. Tinawanan niya lang ako saka nagsalit ulit.
"Oh ano ba kasi yun?"
"Pwede po bang magdala ako ng kaklase dito? Dito na rin po kami mag-aaral. Huwag po kayo mag-alala alas-otso ko naman po siya papapuntahin para wala po masyadong tao." Pagpapaalam ko sa kanya patungkol kay Gen.
Tumigil siya sa pagbibilang ng pera at gulat na napatingin sakin. Nagtataka naman akong tumingin sa kanya. "Bakit po?" Tanong ko.
"Nag-aaral ka pala?" With matching hawak pa sa bibig niyang pagkakasabi. Grabe talaga itong si Aling Nena sakin.
"Grabe naman kayo Aling Nena, siyempre naman po no, nag-aaral akong mabuti." Tinawanan niya lang ako at bumalik na uli sa pagbibilang ng pera.
"Oh sige na, dalhin mo na dito." Nakangiti niyang sambit.
"Naksss, salamat po." Tuwang tuwa kong sambit.
Dinala ko na yung mga kardero sa likod at hinugasan yun. Nang matapos ay sabay naming sinara ni Aling Nena ang Karinderia at nagpaalam na sa isa't isa. Umuwi na rin akong diretcho.
YOU ARE READING
Strange Girl
Teen FictionShe was simple yet weird. You'll get her in one point then later on you don't. She seems breathing but actually her heart stops beating. Be ready for an emotional ride! P.S., She is funny sometimes.