BEGINNING

14 0 0
                                    

Author's Note: This is a work of fiction. Any names, events, places, and organizations are fictious. Any resembalnce to the actual persons is not intentional.

Ten Seconds ( short story )
by missgreedie

-•1234567890•-

I am Hunter Madrigal and i am sick and tired for being good looking. pft!

Lagi akong nagpapasalamat dahil biniyayaan ako ng kagandahan ng mukha pero minsan iniisip ko na magpa pangit nalang kaya? para hindi lagi pagka guluhan ng mga babae pero imposible na yun mangyari dahil i'm born with this.

Alam niyo ba na nag hire pa ko ng tao...hindi! baliw na tao para lang wala ng makalapit sakin na ibang babaeng parang linta? Imagine, May girlfriend akong baliw? Hindi ko alam kung paano nangyari to basta nakita ko nalang siya sa kalsada tas naawa ako kaya binigyan ko siya ng magandang trabaho na tinanggap naman niya agad, pero sa ngayon isa lang ang alam ko.... I need her.

"Hoy baliw nasaan ka ba? Binabayaran kita hindi para magwalwal. Puntahan mo ko dito sa cafeteria, ngayon na. 5 minutes wala ka pa dito, patay ka sakin" sabay end ng call.

Yung baliw na yon kung saan saan pumupunta. Hindi ako makakain ng ayos dahil ang daming nakatingin sakin, naiilang ako! pero kapag nasa tabi ko si baliw wala ng hahadalang at nakakakilos na ako ng ayos.

Kung lalaki lang talaga ang tumitingin sakin papatulan ko agad e kaso mga babae, iniisip ko na baka ngayon lang sila nakakita ng ganitong mukha at hindi ako nananakit ng girls. Take note of that girls.

"Hunter chocolate for you galing states pa yan sana magustuhan mo" bigay ng babaeng kinikilig na inaabot ang chocolate.

Kukunin ko na bali kaso may biglang kumuha.

"Salamat sa chocolate mo pero hindi siya mahilig sa sweets kaya akin na lang to. pwede ka ng umalis" ayan ang gusto ko sa kaniya. Natatakot na ako baka kasi magustuhan ko na siya pag pinagpatuloy pa namin to pero nag eenjoy sa ganito. Ang unique kasi niya.

But not today. Mukhang wala naman akong planong magustuhan ang baliw na to. Nakakatakot kasi siya minsan. Grrr

Umupo na siya kaharap ko na may masamang tingin. Alam ko ang mga tingin na to. Please, don't look at me that way. It makes my heart flutter.

"What?" tanong ko.

"Two months na tayong nagpapanggap Hunter, kailan mo ba balak tigilan to? May balak ka ba?" tanong niya.

First time ko na makita siyang seryoso. Anong nangyari sa kaniya? May nangyari ba? Bakit naging seryoso agad siya?

"Let's see kung hanggang saan lang tayo. Teka nga bakit ba ang seryoso mo? Natatakot ako kapag seryoso ka" pero syempre joke lang yun.

Sa campus na to tinagurian akong bad boy, at never pa akong natakot at wala akong kinakatakutan.... pero bakit bigla akong natakot nung naging seryoso siya?

"Wala, nevermind. Nagugutom na ko, ilibre mo ko" sabi niya at nag order.

"Ako na naman manlilibre? Wala ka ba talagang pera? Kawawa ka naman"

"Okay edi break na tayo"

"Ano bang pagkain gusto mo? Orderin mo yung pinaka mahal, treat ko" sabay smile.

Chandice Ramirez? Ikaw lang yung babaeng naiiba, napaka simple, laging naka ngiti at tsaka soft hearted kahit na minsan ang daldal niya, clumsy tsaka laging kulelat sa klase. Kakaiba talaga siya. She's exceptional.

Wait?!

Pinuri ko ba siya? Tss. No way! Binabawi ko na yung sinabi ko. ^_^v

"Hoy baliw.."

"Pwede ba huwag mo kong tawaging baliw may pangalan ako" ang taray naman niya. tss.

"Chandice."

"Bakit Hunter may problema ka ba? kung sa pera hindi kita matutulungan. kung sa homework mo naman mas lalong hindi kita matutulungan"

Anong klaseng utak meron ba siya? tss. Ang cute lang.

"Paano kapag nagka gusto talaga ako sayo, anong gagawin mo?" out of nowhere kong tanong sa kaniya habang nakatitig lang sa mukha niyang hindi alam ang isasagot.

"Forget it. Kumain ka na lang, aalis na ko. Tatawagan nalang ulit kita at sumagot ka kaagad, okay?" hindi ko na siya pinasagot pa at tumayo nalang bigla pero bago ako umalis lumapit muna ako sa kaniya.

Then, i kiss her in forehead na nakita ng mga tao sa paligid namin. Ginawa ko to para mas maging real yung pagkukunwari namin. Don't give any meaning. It's just a role play.

Nakit ko mukha ni baliw,.. i mean ni chandice —> 0_0

"Enjoy your meal"

Kissing her in forehead was a bad bad idea. Fuck it Hunter.

Ten Seconds (Short Shorty)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon