TWO

8 0 0
                                    



Ten Seconds ( short story )
by missgreedie

-•1234567890•-

Back to Hunter's pov

Agad akong lumabas ng room pagka dismiss palang ni Miss Sorseyo. Guess what? May date ako ngayon. Wala naman talaga sa plano ko na yayain siya mag date nasabi ko nalang bigla. Ewan!

"Kanina ka pa nag iintay?" tanong agad ni Chandice ng makalapit sakin.

"Pinapaalala ko lang sayo na ikaw ang binabayaran ko"

"Alam ko" hindi ko talaga ma gets ang babaeng to.

"Tara nagpa reserve ako ng restaurant para sa date natin" pagyakag ko sa kaniya pero hindi niya ko sinusundan. Anong problema na naman niya? "Anong tinatanga mo diyan?"

Hindi na siya kumibo at naglakad na nga. Parang may mali talaga sa kaniya.

at restaurant .

Hindi halatang prepared ako noh? kanina ko lang to pina reserve, syempre mayaman ako e. ;)

Nang mai-serve na yung mga pagkain nakita ko ang mukha ni Chandice na parang hindi siya na aamaze. May problema talaga tong babaeng to.

"Chandice are you okay?" tanong ko.

"Iniisip ko lang na hindi mo naman kailangan gumastos ng malaki para lang sa kunwariang date natin. Feeling ko nagsayang ka lang ng pera para dito" sabi niya.

Kunwariang date?

"Don't bother. Mayaman ako kaya wala ka dapat alalahanin. Let's eat?" pag alok ko sa kaniya ng food pero tumanggi siya.

"At isa pa ayoko ng lasa ng mga pagkain dito. Hindi sanay ang dila ko sa mga imported na pagkain" ani niya.

May tinatanggihan pala siyang pagkain? Iba din to. Lahat ng kakilala kong babae gustong gusto ang mga ganitong klaseng pagkain pero siya? Ibang klase at napaka choosy.

Ang mahal ng binayad ko dito fyi lang ah.

"Anong kakainin mo? Sabihin mo lang ipapaluto ko" sabi ko sa kaniya.

"Pwedeng.... sa ibang lugar nalang tayo kumain? Promise mas masarap don tas marami pang choices mura pa" excited na banggit niya.

TWO...

"Okay. Pagbibigyan kita pero ngayon lang" sabi ko na agad naman siyang tumayo at hinigit ang kamay ko palabas ng restaurant.

Hinawakan niya kamay ko.

Unang beses niya tong ginawa na hinawakan ang kamay ko ng hindi ko sinasabi o sapilitan kundi kusa niyang hinawakan. Chandice..., anong ginagawa mo sakin?

Ngayon ko lang napansin na sa street foods niya ko dinala. Really? Pinagpalit niya ang mamahalin at masasarap na pagkain dito sa isang cheap at yucky na foods?

"Manong twenty pesos na kwek kwek tas ten pesos na kikiam. padamihan ng sauce ah lagi akong nabili dito. Salamat" parang batang sabi ni Chandice sa matandang nagbebenta.

"Seryoso ka ba na dito tayo mag d-date?" pag confirm ko kay Chandice dahil hindi ko maatim na kumain dito.

"Oo, bakit malinis naman dito ah. Try mo lang, masarap" sabi niya na binigay sakin yung pagkain na something brown and not so long. What's this food again?

"Are you sure malinis to?" tanong ko na parang nandidiri.

"Aahh" kinuha niya yung hawak ko then nag stick siya ng isa sabay pinapasubo sakin. Sinusubuan niya ko?

Nandidiri na sinubo ko. Hindi ko masyado ninguya pero maya maya parang.... uhmmm, masarap nga. Kinuha ko yung brown na pagkain at ako na nagsubo agad sa sarili ko. Napatawa naman si Chandice sa inasta ko.

"Sarap diba? Dito ako kumakain lagi kapag nagugutom ako. Masarap na mura pa." pag share niya sakin.

"Simula ngayon sabay na tayong kakain dito" banggit ko na bigla siyang na awkwardan sa sinabi ko. Mali ba yung pagkakasabi ko? "I mean gusto ko matikman lahat ng foods dito kaya sabay na tayo kakain tutal mag girlfriend boyfriend naman tayo, diba?" paglilinaw ko.

"bakit mo ba naisipan mag "date" tayo? First time to ah" kanina niya pa siguro gustong matanong to sakin.

Yes, this is our first date. just a normal date. Naisip ko kasi na in two months hindi pa kami nakakapag date. Actually, hindi ko pala naisip gaya nga ng sinabi ko kanina wala sa plano ko to. Siguro nabobored lang ako. Ang gulo ko diba?

"Marami na kasing nakakahalata na parang nagkukunwari lang tayo..."

"Totoo naman diba na nagkukunwari lang tayo?" pagsabat niya agad.

"Yup we're just pretending"

*silence*

Tama nagkukunwari lang kami pero syempre dapat walang makaalam. Feeling ko naglolokohan na kami. Hay~

Hinatid ko na siya sa kanilang bahay. Hindi na din ako nag abalang pumasok pa sa kanilang bahay. Hanggang sa gate lang ako.

"Salamat sa libre nabusog ako" sabi niya na may ngiting nakaukit sa kaniyang labi.

Please don't smile...

"No. I'm the one who should say thank you... for making this date memorable"

may sakit na ba ako?

"Sige na pasok na ko sa loob. Salamat ulit" pag ba-bye niya na papasok na ng gate.

"Ah Chandice" pagtawag ko sa kaniya.

THREE...

"May sasabihin ka pa ba?" tanong niya.

Bakit ba ang hilig kong tawagin siya ng wala naman akong sasabihin pero feeling ko may sasabihin talaga ako e... Fuck! Get your self together Hunter!

"See you tomorrow?"

napatawa siya saglit. "Okay, lagi naman tayong nagkikita e. Sige na umuwi kana. Ingat"

"Teka! w-wala man lang bang....k-k-ki-kiss. Ay hindi ibig kong sabihin kahit nagkukunw—..."

*tsup

She kissed me in my right cheeks.

0_0

"See you tomorrow"

*dug dug dug dug

Ten Seconds (Short Shorty)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon