ONE

12 0 0
                                    

Author's note: This story will compose of 6 chapters including the beginning part. Yes! this is short story. So please read all of the chapters, Enjoy ;)

-•1234557890•-

"I'm home" walang gana kong sabi habang tuloy tuloy sa paglalakad paakyat ng hagdan.

"Nagpunta dito si Rian hinahanap ka" sabi ni Papa.

"Buti nalang wala ako dito" walang gana ko namang sabi.

Nang magtungo na ko sa kwarto ko hinagis ko blazer jacket ko at tinanggal ang shoes at inihagis kung saan. Humiga ako ng kama sabay titig sa kisame na puti.

Kinuha ko sa bulsa ko phone ko para tawagan si bali...chandice.

*ringing

"Bakit ka napatawag? May kailangan ka?"

napabangon naman ako sa pagkakahiga ko.

"Nakauwi kana?"

"Bakit? Concern ka?"

"Hindi nuh! Gusto ko lang sabihin sayo na..."

may sasabihin ba ako?

"Ano namang gusto mong sasabihin?"

ONE....

"Huh? wala! sige na! boring ka kausap"

sabay end ng call at hagis ng phone kung saan. Oo, hobby ko maghagis ng bagay kahit saan ko gusto ihagis. May problema kayo?!

a/n: bakit galit ka?!

Hindi ako galit! naiinis lang!

——

Chandice's Pov

Aba't binabaan agad ako ng phone! Bastos talagang bata. Aist! bakit ba ako pumayag sa pakulo niyang to? Kung iisipin niyo naman parang kalokohan lang to diba? Pero sa akin hindi, kasi kumikita ako dito. hihi ^_^v

Bakit gusto kong kumita ng pera? dahil baon na baon na kami sa utang. Sa two months na pagpapanggap namin ni Hunter nakakabayad ako sa mga utang at natutulungan ko pa si Mama.

Tsaka para hindi na din boring ang life. haha.

"Mama naandito na ko. Ano ulam natin?" masayang pagbati ko nang makapasok ng bahay.

"Wala si mama nag gogrocery" sagot ni Ethan. nakababatang kapatid ko. high school na siya pero wala pa siyang nagiging girlfriend o pinopormahan. Turuan ko kaya siya?

"Hoy Ethan ipagluto mo ko ng ulam" utos ko sa kaniya na manonood na dapat sa Tv.

"Ikaw na magluto ate" pagreklamo niya.

*toink

"Bakit nangbabatok ka?"

"Gusto mong tamaan ulit? Ipagluto mo na ko dali! nagugutom na ko" hindi ko alam sa tiyan ko. kung bakit lagi nalang akong gutom.

"Hindi ka ba pinakain ni kuya Hunter? Sigurado naman ako na pinapakain ka niya" ang dami pa niyang sinasabi. magluluto lang naman.

Ganito kapag panganay ka. Buti nalang pinanganak ako bago si Ethan. Haha. Thank you Mama!

"Ang dami mong reklamo kumilos ka nalang. Paano kapag nagka girlfriend kana? Hindi mo na siya pakakainin?"

"Kung mag gigirlfriend man ako hindi katulad mo na laging gutom" sabi niya sabay hagis sakin ng unan na sumapul naman sa pagmumukha ko.

Bastos na bata!

mukha na ba kong patay gutom?

*calling Hunter

Ang kulit ng lalaking to!

"May sasabihin ka ba o wala? kung wala huwag ka ng tumaw..."

"Date tomorrow?"

Date? as in date? yung date talaga?? wake up chandice! kunwariang date lang to! wag ambisyosa. nakamamatay

"Pwede ba akong mag No?"

"Hindi. Bukas after class at subukan mong hindi sumipot patay ka sakin"

ginaya ko yung pagkakasabi niya na 'patay ka sakin' pero hindi ko talaga sinabi yon. nilagyan ko lang ng face expression. haha. Paulit ulit niya nalang kasi sinasabi yon.

"Ah! may sasabihin pala ko sayo.."

kanina pa siya may gustong sabihin.

"Pwede ba sabihin mo na gusto mong ..."

"Goodnight"

*toot toot toot

0_0

Ten Seconds (Short Shorty)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon