Chapter 3-Bingo!

113 10 1
                                    

"Kung hindi mo kayang maging BALLPEN para maisulat ang  KALIGAYAN ko.."Sana maging ERASER kna lang para magawa mong burahin ang kalungkotan ko.."

 

Chapter 3-Bingo!

LI WENG POV

Strange!”

Kanina pa nagsisimula ang second subject namin which is Literature, but until now wala pa si Jelly, imposible naman ata na mag cutting class sya. Kahit ayaw nya sa subject pumapasok parin yon, yun nga lang tinutulugan nya lang, but now tsssk tssskk tskkk.

Luminga linga ako, then I saw Ace, ang gwapo nya talaga he’s too serious writing on his notes at alam kong puro pag da-drawing lang ang ginagwa nya nakaka turn on, instead writing lectures.

Paano ko nalaman, sympre I’m he’s greatest fans and stalker, alam ko rin lahat ng bagay tungkol sa kanya, well first love ko kasi sya. Kaya naniniwala ako sa kasabihang first love never dies.

“Li weng ba’t parang di ata pumasok si Jelly?”, tanong ni Siverino Magpantay, aka Shalala, siya lang naman ang nag iisang gay best friend namin ni Jelly, dito din sya nag aaral sa HU, at gaya ko patay na patay din yan sa JAMPS, kung ako patay na patay kay Ace, sya naman mamamatay na kay Mark. One great love at soulmate nya daw si Mark.

Si Jelly lang ang bukod tanging walang interes sa JAMPs, di ko nga alam kung duling, bulag o tomboy yung babaeng yun at di ma appreciate ang kagaya ng JAMPs na hulog ng langit.

“Di ko nga rin alam Siverino, kung nasan ang babaeng yun?”, tumingin sa akin ng masama si Shan. .. “ay sorry este Shalala.”, bawi ko, ayaw nya kasing tinatawag sya ng Siverino, mas bagay daw sa kanya ang Shalala pang babaeng babae at sosyal.

“hay naku girl, pahiram na nga ng cellphone mo at matawagan ang girlalush na yan kung asang lupalop sya nagpunta!”paglalahad nya ng kamay nya.

“May cellphone ka naman ah”

Gaga natural may cellphone ako , wala akong load kaya ako nanghihiram sayo!”, maarteng sabi ng Siverinong to.

“Yan kasi pag mga lalaki mo may pang load ka, pero sarili mo wala magtira ka naman girl sa sarili mo, baka dumating ang araw wala ka ng pam pa derma, pang bili ng make up at magising ka nalang isang araw na  chakaness kana!”, panenermon ko sa kanya.

Hurt truth and Sweet LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon