Prologo

17 0 0
                                    

“Nagustuhan mo ba ang librong pasalubong ko sa’yo?”

Castille. Ang babae sa likod ng kung ano ako ngayon. Simula nang mamatay ang mga magulang ko dahil sa isang aksidente, siya na ang tumayo bilang ina at ama ko. Pinaramdam niya sa akin ang mga bagay na hindi nagawa ng mga magulang ko.

Ngumiti ako nang pagkalawak-lawak. “Oo naman, Mamu,” sagot ko na naging dahilan ng pagngiti niya.

“Naragdagan na naman ang kaalaman ko tungkol sa kanila.” kuwento ko.

“Inumin mo muna ito,” inabutan niya ako ng basong may lamang gatas, agad ko naman itong ininom. Sinuklay niya ang buhok ko gamit ang daliri niya.

“Mabuti naman kung ganoon,” sabi niya.

“Nga pala, nagpa-plano akong bumisita sa bayan bukas, gusto mo ba akong samahan?” tanong niya.

Lumaki ang mga mata ko. “Oo naman, Mamu!” puno ng galak na sabi ko. Napangiti siya. “Pero Mamu, ano naman ang iyong gagawin dun?” tanong ko.

“May kikitain lamang tayo,” simpleng sagot niya at tumingin sa orasang nakasabit sa dingding ng aking silid.

“Pasado alas-nuwebe na, matulog ka na at maaga tayong aalis bukas upang hindi tayo mahirapang kumuha ng masasakyan.” sabi niya at tumango na lamang ako.

Tinungo ko na ang higaan ko at nahiga na. “Ikaw din Mamu, matulog ka na. Alam kong pagod ka,” sabi ko at ngumiti sa kaniya. Ngumiti siya pabalik at kinumutan ako.

Unti-unti ng bumigay ang mga mata ko at tuluyan ng nawalan ng ulirat.

Hindi pa tuluyang sumisikat ang araw nang gisingin ako ni Mamu. Tsaka ko lang naalala na sasamahan ko pala siya sa bayan ngayon. Agad akong naligo at tiniis ang lamig ng tubig dahil ang sabi ni Mamu ay malaki na raw ako para lagyan pa ito ng maiinit na tubig. Nang makapagbihis at makapag-ayaos na ako ay bumaba na ako. Naabutan ko si Mamu na nagluluto sa kusina.

“Maganda umaga, Mamu!” bati ko sa kaniya dahil nakalimutan ko pala siyang batiin kanina. “Ano po iyan?” tanong ko at lumapit sa kaniya.

“Lumayo ka rito, doon ka lang!” sabi niya. “Baka matalsikan ka ng mantika rito.” dagdag niya pa.

“Pasensiya na Mamu,” hingi ko ng tawad.

“Wala iyon,” sabi niya at hinango ang kung ano man ang piniprito niya. “Magtimpla ka na lamang muna ng gatas mo riyan,” utos niya. “Andiyan na rin sa lamesa ang mainit na tubig.”

Nang matapos naming pagsaluhan ang inihanda niyang pagkain ay agad din kaming umalis. Tama nga si Mamu dahil agad kaming nakasakay papunta sa bayan. Sa buong byahe ay sa labas lamang ng bintana ako nakatingin. Grabe! Ang ganda talaga ng mga puno!

Hinding-hindi ako magsasawang titigan ang kulay berde nitong mga dahon at ang matatayog nitong katawan.

“Malayo pa ba tayo, Mamu?” tanong ko.

“Malapit na,” sagot niya. “Ayusin mo na ang iyong sarili.” utos niya at agad ko namang ginawa. Mabuti na lamang at may dala akong polbos at suklay sa lalagyanan kong gawa sa buri.

Huminto ang sinasakyan namin at kinausap ang nagmamaneho. Ako nama’y dahan-dahang bumaba sa sasakyan at hinintay si Mamu. Kamangha-mangha ang paligid; napakalinis. Lahat kulay berde!

“Nagustuhan mo?” nagulat ako sa presensiya ni Mamu. Tapos niya na palang kausapin ang nagmamaneho? Bakit ang bilis naman ata?

Tumango ako. “Tama po kayo,” saad ko. “Puro berde!”

“Mabuti naman at kung ganoon,” sabi niya at hinawakan ang kamay ko. “Halika na, kanina niya pa tayo hinihintay,” pakiramdam ko ay nakakatakot ang pagkakasabi niya noon kaya saglit akong napatigil.

Ensorcell Lie Academy [ON-GOING] Where stories live. Discover now