Hindi ako makapaniwala sa sagot ni Cassandra. But I witnessed it with my own eye. Ang mga kapwa ko estudyante ay tahimik lang na nanonood. Some of them would shout kapag nakakasuntok yung isa. This is horrible! How can the faculty allow this? Nariyan ding tumalsik yung babaeng tinatawag nila na Asha. Walang gustong magpatalo sa kanilang dalawa. Para silang gigil na gigil sa isa't isa. You can't blame them. Hindi mo din kasi basta basta mapupulot ang 2 million sa kung saan lang.
Nagulat na lang ako sa isang malakas na hiyaw. Bumagsak yung isa sa kanila samantalang yung isa ay nakatayo pa din. May lumapit na dalawang babae sa naglalaban. Sila ata ang referee. Tiningnan nung isa ang pulso nung Elly, yung isa naman itinaas ang kamay ni Asha. So, she wins. Sa kanya ang pera.
Napako naman ang tingin ko kay Elly na hanggang ngayon ay hindi pa nabangon. Bigla akong kinabahan. Nagsimula na ding magbulungan ang mga estudyante sa paligid. Ba't 'di pa nagalaw yung Elly? Oh no. Is she dead? Hahakbang na sana ako ng hawakan ni Cassandra ang kamay ko.
"San ka pupunta?" Matigas na tanong nito.
"Tutulungan ko si-" Bigla din siyang nagsalita.
"Sila na ang bahala don, may paguusapan tayo." Hila nito sakin palabas sa kumpol ng mga tao. Habang naglalakad ay hindi nito napigilan magsalita.
"Oh my god! You've got to be kidding me, Thalya! Paanong pumasok ka sa school na 'to nang hindi mo alam ang nangyayari kanina?" I know, its obviously a fight. Pero ang hindi ko maintindihan ay bakit parang normal lang lahat sa kanila. Hindi naman 'to makapaniwala habang hila hila ako. Lumayo kami ng kaunti at pumunta sa parte na walang tao.
"Ba't normal lang sa inyo yung kanina?" tanong ko. Naguguluhan na din ako. This was supposed to be a school 'di ba? And schools don't allow that kind of fight. Mistulang nag-replay yung nakita ko kanina sa isip ko. Bawat suntok, bawat tadyak nila sa isa't isa.
"How did you this place?" this time seryoso na siyang nakatingin sa'kin.
"Ang dad ko, dito siya pumasok dati." Yun lang ang naisip ko. Dahil lang naman sa mga kwento ni Papa kaya ko nalaman ang lugar na 'to. Pero sa mga kwento niya ay wala namang ganto.
"Do you know how to fight?" tanong nito out of nowhere na nakapamewang pa sa harapan ko. Me? Fight? What the hell?
"Basic self defense la-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sumugod siya sa harapan ko. I used both of my arms as a shield but she grabbed my left arm effortlessly. The next thing I know ay lumipad na ang katawan ko. Ewan ko, pero parang tumigil ang oras nung panahon na yon. Then everything went black.
"Doc, kailan po siya magigising?"
May narinig akong boses na nagsalita. Teka, parang si Cassandra yon.
"Mag-antay ka lang, magigising din siya." Sagot naman ng isang tao na hindi ko kilala ang boses. Maya maya ay tuluyan na akong naalimpungatan. Iminulat ko na ang mata ko at nakaramdam ng kirot sa ulo. Bigla ko namang naalala yung nangyari kanina. Sumugod si Cassandra tapos lumipad ako tapos madilim na.
Napabangon naman ako at nakita ko si Cassandra na nakatayo sa tapat ng kama, may kausap. Agad naman siyang napatingin sa'kin ng mapansin na bumangon ako.
"Thalya, kamusta pakiramdam mo?" Lumapit siya sa'kin. Sumunod naman yung kausap niya na nakaputi. May suot itong white coat at may nakasukbit na stethoscope. Halata namang pang doktor ang postura niya. Lumapit din siya sakin para magtanong. Nasa clinic siguro ako?
BINABASA MO ANG
Risk it All
ActionThalya enters High Valley University without knowing that the campus engaged human combat as their main curriculum. She doesn't want to engage a fight with his co-students. But the odds is against her. She doesn't have a choice.