"Cassandra?"
"Oh my god! How many times do I have to tell you na Cas na lang ang itawag mo sakin?" pagsusungit niya sa'kin habang nakaupo kami sa ilalim ng puno sa garden. Kakatapos lang ng opening ceremony, naisipan namin na tumambay muna dito bago kumain.
"Sorry." sagot ko at natawa sa mukha niya na nakasimangot na sa'kin.
"Ano ba 'yon?" tanong niya habang nakatingin sa malayo.
"Saan nakukuha ng campus na 'to ang ganong kalaking pera?"
Nabanggit din kasi sa opening ceremony ang prize money na nagkakahalaga lang naman ng 5 million. That's a hella big money.
"Sa mga official matches. Yung kagaya nung kay Elly at Asha, yung araw na alam mo na." sabay tingin nito sakin. Sa pagtingin niya sa'kin ay naintindihan ko na agad ang sinasabi niya. Yung araw na naospital ako, dahil sa kanya.
"I see, so may nakukuha sila don?" tanong ko habang naghuhubad ng pangitaas ko na damit dahil naiinitan ako, longsleeve kasi yon. Mabuti na lang at may doble akong tank top.
"Meron! Kapag nanalo ka makukuha mo yung pot money. Tapos, ibibigay mo yung 25% ng napanalunan mo sa student council. Hindi lang yon, kapag natalo ka naman ibibigay mo yung katumbas ng halaga ng 25% na binigay ng nanalo." humiga naman ito sa damuhan pagkatapos magsalita.
"That's a big mon– wait a minute! Jeez! That's 500,000 pesos in just one match." I did some computation at malaki din ang nakukuha nila sa mga matches. Sa laban nila Elly at Asha ay 2 million ang pot money. Ang 25% ng 2 million is 250,000 tapos ganon din yung binigay ni Elly dahil natalo siya.
That was easy money! Considering na hindi lang naman siguro isang match ang nangyayari sa isang araw. Pero dahil sa sinabi ni Cas ay mas umigting ang kagustuhan ko na umalis dito. Hindi naman kasi ako nainform na sabong pala ng mga tao ang meron sa campus na 'to.
Naalala ko pa na 2 meetings lang per week ang allotted schedule mo para sa course na naka-enroll ka. Paano nila napagkakasya yon!? May natututunan pa don? And the rest of the week is about sparring, techniques and skills you can use to fight someone. 'Di naman yon ang pinasok ko dito. This place is really driving me nuts!
"Ang council ang kumokulekta non, parang tax ganon." sagot ni Cassandra habang nakatingin sa langit.
Napangiwi naman ako. Tax? Nagbugbog ka na nga, magbabayad ka pa!?
"Kapag may festival na kagaya ng ganito, hati ang student council at campus sa prize money." pagpapatuloy nito.
Mas lalo akong nainis. Not that I dont have money pero this is insane. But people here, get to hurt someone for money. Thats insane!
"Gusto ko ng umalis sa lugar na 'to." wala sa sarili kong nasabi. Napatingin naman si Cassandra sa nasabi ko at ngumisi.
"Alam ko Thalya, hindi mo naman kasi alam kung ano ang lugar na 'to." she smiled bitterly at saka bumangon sa pagkakahiga.
"Ikaw ba, alam mo?" tanong ko.
"Oo, alam ko. But I needed to be here for someone." sagot niya at ngumiti sa'kin.
"Someone!? Sino? Boyfriend mo?" nanlaki ang mata ko. Wala kasi akong maisip na kaibigan niya dahil hindi naman daw siya gaanong nakikipag usap sa iba. Mga classmates at batchmate lang nakakausap niya.
"No! Ano ba yan! Ayon pa talaga ang naisip mo. Wala akong boyfriend..." tinawanan niya naman ako.
"... for my parents of course!" tuloy niya. Tumango naman ako. Syempre, parents niya. Ba't di ko naisip yon? Tumalikod naman siya sa'kin at nagsimulang maglakad.
"Saan ka pupunta?" susuutin ko na sana ang tracksuit ko ng sabihin niya na 'wag na daw. Magccr lang daw siya sa may function hall ng garden at babalik din agad. Dahil 'di na siya nagpasama, naisipan ko na lang na umidlip muna. Tama. Nakakapagpatanggal nang stress ang tulog kahit papaano. Sakto pa at mahangin dito. Makakatulog na sana ako ng makarinig ako ng kaluskos. Nung una ay hindi ko pinansin pero may kumaluskos pa din. Napamulat ako ng mata at nakita ang isang kulay puting aso na maliit. Ano namang ginagawa ng isang aso dito?
Lumipat ang aso sa'kin at inamoy amoy ako. Mukhang atang nakawala siya sa amo niya dahil may leash siyang suot. At hindi din naman niya ako tinahulan kaya siguro friendly siya. Pero nagkamali ako, hindi siya friendly. Dahil kinagat niya yung nakalapag na damit ko na long sleeve sa damuhan sabay karipas ng takbo. Nagulat na lang ako at agad na napatayo sa ginawa niya. Hinabol ko ang aso. Hindi yon pwede, wala akong susuotin na damit dahil wala akong extra tracksuit. Hindi ko mapigilang mapamura. What the hell is wrong with that dog!? Hindi naman pang fetch yung damit ko!
Dahil sa mapuno ang lugar ay panay ang liko ng aso at ganon din ako. Mabilis ang takbo nito mabuti na lang at nakakasunod ako pero 'di ko mahagilap yung tali niya. Yun na lang sana ang aabutin ko para mapahinto siya sa pagtakbo. Hinihiling ko na nga din na sana sumabit yung tali kung saan man o di kaya yung damit ko sa kakahuyan para mapatigil siya, pero hindi. Umabot na din kami sa liblib na lugar dahil unti unti ko ng napapansin na pataas na ng pataas ang mga damo. Nasabi pa naman sakin ni Cas na may bangin dito dahil mataas nga ang lugar.
Pero tuloy pa din ang takbo nung aso hanggang sa lumiko ito bigla. Sumunod naman ako at nagulat na lang ng tumalsik ako bigla sa damuhan na una ang mukha. Fuck! Naramdaman ko na lang na humapdi ang labi ko dahil sa pagkaasubsob. Bumangga ako, hindi ko nga lang alam kung ano o sino 'yon. At ng may magsalita ay nakumpirma ko na sino ang nabunggo.
"Jesus! What the hell are you doing!?" sigaw sakin ng isang pamilyar na boses. Inaangat ko ang mukha ko at nagulat ng makita si Leon. Anong ginagawa niya sa lugar na 'to. Medyo liblib at matahib na kasi dito. Kumunot naman ang noo niya ng makita ang mukha.
"Why do you always bump into me?" tanong nito na halatang naiinis. Tumayo na siya at nagpagpag ng damit. Ganon din ang ginawa ko. Pagtayo ay nakaramdam ako ng hapdi sa braso ko. Shit. Wala nga pala akong suot na long sleeve kaya nagalusan ako.
"Sorry, I'm chasing a dog. Kinuha niya kasi yung damit ko at-" napatigil ako ng makalasa ng kalawang sa bibig ko. Dinampi ko ang kamay ko sa labi at napasinghap na lang ako ng may makitang dugo. May kalakihan ata yung sugat. Kaya pala kumirot 'yon kanina.
"Ayos ka lang?" tanong nito habang papalapit sakin. Napansin niya ata na may iniinda ako. Napatingin siya labi ko ng medyo makalapit. Wait that's weird.
"Yes, I'm fine." sagot ko habang naghahanap sana ng pampunas ng dugo sa bulsa dahil hindi naman pwedeng inumin ko na lang yon. Mukhang napansin niya ata ang ginagawa ko kaya nag-abot siya ng panyo.
"Here." alok niya sa'kin na agad ko namang kinuha.
"Thank you." sagot ko sabay punas ng panyo sa labi.
"Next time, you should be more careful." Bilin nito sakin at aamba na sanang umalis ng magsalita ako.
"You're the council president, right?" Bumaling naman siya sa'kin.
"Yes, why?" bakas ang pagtataka sa mukha niya dahil sa tanong ko.
Suddenly, an idea pop in my head. I'm sure he holds many connection, lalo na sa estado niya sa campus na 'to.
Siguro, pwede niya ako matulungan?
—
Hi! Just wanna say, thank you!Thank you, for reading my story! :>
BINABASA MO ANG
Risk it All
ActionThalya enters High Valley University without knowing that the campus engaged human combat as their main curriculum. She doesn't want to engage a fight with his co-students. But the odds is against her. She doesn't have a choice.