Umalingaw ngaw ang tunog ng wang wang, ang signal. Hudyat na simula na ang laro. Napatingin ako sa timer na nasa likod ng badge na kanina ay 10 minutes pero ngayon ay unti unti nang nababawasan.
Dahil sa pagkataranta ko kanina ay nabitawan ko ang kamay ni Cas. Hindi ko din naman alam kung san siya nagtago. Ako naman ay dito pumunta sa garden. Pumwesto ako sa medyo matatas na damo may kalapitan kung saan ko nabunggo si Leon.
Hindi ko naman magawang mahanap si Cas dahil delikado na at baka mahuli ako. Naalala ko pa naman ang sinabi ni Cas kanina na 'wag akong magalala dahil siya ang bahala sa'kin. Pero ngayon magisa na lang ako. At 'di ko pa alam kung nasaan siya. Umupo na lang ako sa damuhan at napabuntong hininga.
"Sa lakas mong huminga baka may makarinig sayo." ani ng isang pamilyar na boses.
"Nakakagulat ka!" napahawak ako sa dibdib sa gulat dahil sa pagsasalita ni Leon. Hindi ko man lang namalayan ang presesenya niya.
"Lower your voice, kung ayaw mong makita." usal ulit nito sa'kin. Kaya napatahimik na lang ako.
Pinagmasdan ko na lang siyang maglakad lakad sa paligid na parang bang may hinahanap. Maya maya ay nawala na siya sa paningin ko. Napasapo naman ako sa ulo ko. Dahil huli na ng maisip ko na dapat ay tinanong ko siya ulit kagaya ng kaninang umaga.
Uh, stupid Thalya!
Isang alingaw ngaw na naman ng wang wang ang narinig ko. Pag tingin ko sa timer ng badge ay 7 minutes na lang bago matapos ang laro. Okay. Calm down, Thalya. You just need to stay here. Walang makakakita sayo.
Maya maya ay nakarinig ako ng yapak ng paa sa tuyong mga dahon, na palapit ng palapit. It was fast na animo'y natakbo. Nagulat na lang ako ng makita si Leon na natakbo sa 'di kalayuan. Inaninag ko pa ito dahil sa layo ngunit nanlaki na lang ang mata ko ng makita kung sino ang nahabol sa kanya. Kasabay ng pagtayo ko ang pagsigaw ni Leon sa aking direksyon.
"Run!"
Dali dali akong tumakbo sa tinatambayan namin nila Cas. Agad naman akong napaliko nang maisip na open space ang lugar na yon. Magiging easy target lang ako pagnagkataon. Pero mas mali pala ang desisyon ko na pagliko dahil may isang guard na nakakita sa'kin.
Great, Thalya. Just great.
Bumalik ako sa pinanggalingan ko at nahagilap ng mata ko kung paano magpangbuno si Leon at ang nahabol sa kanya.
"Not so fast."
I guess its the adrenaline. Dahil sa oras na akma na nitong hahablutin ang kaliwang braso ko ay humarap ako sa kanya para masipa ang parte na ayaw masipa ng mga kalalakihan. Jeez. Masakit siguro yon.
Napaluhod siya sa ginawa ko. Tatakbo na sana ulit ako ng makaramdaman ng isang kamay sa kaliwang binti. Oh come on. Ang hilig manghablot ng guard na 'to. Snatcher ba 'to!?
I tried to kick his head using my right foot pero nasangga niya 'yon gamit ang isang kamay. I turned around to give him a back kick straight through his head, making sure to hit his left ear. Nagtagumpay ako. Kumalas ang pagkakahawak niya sa binti ko. Yun nga lang dahil sa pagsipa ko ay nawalan ako ng balanse at napahiga sa damuhan. Hindi pa man ako nakakatayo ay may kamay na naman agad sa kaliwang binti ko.
Tangina nito talaga ah!? Nanggigil na ako! Kanina pa hinahablot ang binti ko!
His kneeling in front of me. Sapo sapo ang ulo niya. Sinipa ko ulit siya gamit ang kanang paa ko, this time I did it will all my strength. Napahiga naman siya sa nagawa ko. And that was my cue to get up and run. Fucker, you deserve that!
Hindi ko alam pero napatakbo ako sa direksyon ni Leon. Para siguro kapag may nangyaring masama sa'kin may makakakita ng katawan ko. Damn, Thalya. Ba't ganyan ka magisip? Hindi ka naman nila papatayin.
Napatigil ako sa pagtakbo ng makarinig ng pangatlong wang wang, ibig sabihin non ay naka 6 minutes na. Tiningnan ko ang timer sa badge at nakitang 4 minutes na lang ang natitira. Geez! Kaya ko ba 'to? Kaya ko bang tumakbo ng 4 mins? Kung palaging hinahablot ng snatcher na gurad na 'to ang binti ko!?
"Seems like you still have 4 minutes to deal with me." Usal ng isang boses sa likuran. Hindi ko na kailangang lingunin dahil yung ang guard na humahabol sa'kin.
Eto na siguro ang sinasabi ng facilitator kanina. Mukha nga silang mga batikan sa galaw nila ultimo sa bilis niyang makarecover sa mga atake na nagagawa ko. Ni hindi niya ininda ang sakit, pati yung sipa ko sa precious spot niya.
"Hindi ka na makakatakbo. Ba't hindi mo na lang ako harapin?"
Napamura na lang ako ng mapatigil sa mga puno. Ramdam ko pa din ang presensenya ng guard sa likuran. How can I run away!? Kahit labag sa loob ko ay wala akong nagawa kung 'di ang humarap sa kanya. Sa pagkakataong ito nakita ko ng maigi ang mukha niya. Around 30s siguro ang edad, may goatee at balbas. Bakit mukhang mga sanggano ang mga guard na naatasan ng campus? At may oras pa talaga ako para magreklamo.
"Nakaharap na nga ako 'di-"
Hindi pa ako tapos magsalita ay nakatanggap na agad ako ng isang roundhouse kick sa snatcher na 'to. I tried to block it with my right hand and took my time to grab his left foot na ginamit niyang pangsipa. Pero hindi pa don natatapos at sinipa niya ulit ako gamit ang kanang paa. Nasangga ko ulit 'to gamit ang isang kamay. Masyadong mabilis ang pangyayari at bago pa ako makailag ay isang matigas na bagay na ang tumama sa ulo ko.
Did this motherfucker just headbutted me!?
Nang mabitawan ko ang paa ay bumagsak siya sa damuhan. Habang ako naman ay hilong hilong pa sa ginawa niya. Ba't ang blurry ng paligid? Naninag ko ang agaran niyang pagtayo.
Shit. Can't he just give me a break? Hindi man lang siya nalula sa headbutt na yon? Bakal ba ng ulo nito!? Tangina. Matigas naman ang ulo ko ah. Ba't ako yung nasaktan?
I tried to focused my sight. At nakita ko ang guard na pasugod na naman sa direksyon. Napabuntong hininga na lang ako. Gusto ko ng matapos 'to. With all my strength I turn around giving him a back kick again, straight through his face. Para bang naging slow mo ang paligid dahil kitang kita ko kung paano lumukot ang mukha niya sa impact ng sipa ko. I tried to kick him once more onhis abdomen. Bumagsak siya sa damuhan habang ako naman ay bahagyang nawalan ng balanse.
Hinihingal ako habang pinagmamasdan ay walang malay na guard. Nakarinig naman ako ng hakbang na papalapit. Shit. Can't this fucking game just end? Agad akong nagtaas ng tingin at inayos ang pagkakatayo para hindi mahirapan sa pag-bwelo kung may sakaling susugod man sa'kin.
Nagtama ang tingin namin ni Leon. Napansin ko din na papunta na siya pwesto ko. Kasunod niya ang guard na humahabol sa kanya? Teka, natalo ba siya?
Agad na tumakbo ang guard sa nakalaban ko at ginising ito. Nagulat ako ng gumalaw ito at tumayo na. Napamura na lang ako. Ganon ba katindi ang pain tolerance nila? O may nararamdaman pa ba sila at sinuwerte lang ako kanina?
"Sanchez." pakilala ng guard na kalaban ko. 'Tsaka siya may kinuha sa bulsa niya at ibinigay sa'kin. Isang badge na katulad ng sa amin. Naiiba lang ang kulay nito, na red.
"Ikinalulugod kong makaharap." muling usal nito bago umalis kasama nung isa pa. Kasabay ng pag-alis nila ang pagtunog ng huli at panglimang wang wang. Hudyat na tapos na ang laro.
"Hindi ganon gumalaw ang walang alam sa pakikipaglaban." si Leon na ngayon ay nakatingin na sa'kin.
Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya? Anong galaw? Teka, hindi kaya...
And then it dawned me. He saw me fight. Kaya pala wala akong masyadong naririnig na ingay sa pwesto nila kanina.
"Mukhang hindi ka naman mamamatay dito. Ba't gusto mong umalis? Or are you hiding something, kaya gusto mong umalis dito?"
BINABASA MO ANG
Risk it All
ActionThalya enters High Valley University without knowing that the campus engaged human combat as their main curriculum. She doesn't want to engage a fight with his co-students. But the odds is against her. She doesn't have a choice.