Death 🔸 14

15.9K 919 104
                                    

Raven's POV

NATAPOS din kaming kumain kaya sinimulan na nila ang usapin. Mabilis din akong nagtitipa pero naka-on din naman ang voice recorder sa iPad para kung may hindi man ako marecord ay meron kaming voice record para mapagkunan ng impormasyon.

Pinag-uusapan nila ang tungkol sa ipapatayong mall ng mga Flavio sa Austra. Slowly, the city is reviving. Ang dating mga ghost town ay unting unti nabubuhay na.

Ang bayan ng Austra, kung saan ako lumaki at may masalimoot na alaala. Pero wala naman akong itinanim na sama ng loob. That was in the past at kahit anong gagawin ko ay hindi na iyon mababago pa.

"Yes, Mr. Cambridge. The Mall will be called Austra Mall in honor of the city. This will be the first mall after the city was shutdown." Paliwanag ni Mr. Flavio kay Vander. "Jerry, where is the blueprint?" Tanong nito sa kasama nito.

Agad naman na may inilabas na isang malaking illustration paper si Jerry at binuklat iyon. It showed the plan for the mall. It's a nice plan in my opinion. Pero mas maganda kung meron talagang prototype para mas makita ng maigi ang plano.

"You don't have the prototype?" Tanong naman ni Vander.

"We have Mr. Cambridge, but it's in my company. But we can send you the virtual plan. It's the virtual prototype that you can see it on your computer." Sagot naman ni Mr. Flavio. Agad naman na bumutinting ito sa kanyang laptop at alam ko na isesend nito ang sinasabi nito.

Hindi nga ako nagkamali dahil tumunog na yung email notification ng iPad. Binuksan ko naman ang email at binuksan ang attachment. Nagload kaagad iyon at mabigat iyon na file.

Agad na ipinakita ko kay Vander ang virtual prototype. Umusog naman si Vander ng konti palapit sa akin para makita niya ang prototype.

He was touching the screen to move and turn it around. Hinayaan ko lang siya dahil wala naman akong alam sa mga ganito. Maganda siya, pero baka hindi niya rin gusto.

"The plan is pretty good. I'll invest, send me the papers." Komento naman ni Vander at kinuha ko na ang iPad.

"Alright Mr. Cambridge. We will draft the papers and send you one right away. By the way, thank you very much for the partnership, Mr. Cambridge." Nagagalak na saad ni Mr. Flavio at malapad talaga ang pagkakangiti nito.

"The pleasure is mine, Mr. Flavio. I know this will be success." Sagot naman ni Vander at nagkamayan ulit sila.

"Mr. Cambridge, if it doesn't bother you would you like to come later by nine pm at Stratus Club? It's a celebration for the investors." Yaya naman ni Mr. Flavio kay Vander,

Napatingin naman ako kay Vander. Hindi ko alam kung pupunta siya. Hindi ko naman alam kung mahilig siya sa mga club. Pero hindi naman ibig sabihin na nasa isang club ang tao ay mahilig na iyon.

"I will, Mr. Flavio. I'll drop by." Sagot naman ni Vander at nakita ko ang kanyang ngiting propesyonal.

"That's great Mr. Cambridge. We will expect you at Stratus Club." Saad nito.

Tumayo na kami at nagpaalam na dahil babalik pa kami sa kompanya. Mabuti naman at hindi ako kasali sa usapan nila. They are both professionals and business minded.

"Did you list all the important details?" Tanong ni Vander sa akin habang nasa sasakyan kami.

"Yes, sir." Sagot ko na lang. Buong usapan pa nga ang recorded.

"You'll go with me later in Stratus Club." Turan niya sa akin.

Natural na sasama ako dahil yun ang trabaho ko. I'll work harder later dahil lalabas ito at baka may magtatangka dito mamaya.

DEATH |Deathly Fate Series 3|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon