Death 🔸 30

17.2K 1.1K 209
                                    

Raven's POV

NAGING maingay ang buong korte at nakita ko ang gulat sa mukha nilang lahat. Maliban na lang sa mga taong nakakaalam kung ano talaga ako.

"That's a lie! She's not a legendary!" Agad na sigaw ni Harriette kaya napalingon sa kanya ang lahat. "If she really is, what's the sense of hiding it? Hindi ba dapat ipinagmamalaki yan at hindi ikinakahiya?"

Gusto kong magsalita pero pakiramdam ko ay hindi pa oras para magsalita ako. Magulo na ang sitwasyon dahil sa pagdating ng isang Pamela Olsen na inaako ang kasalanan ko at si Prof Blast na ibinunyag kung ano ako.

"A common like you will never understand." Tugon naman sa kanya ni Prof Blast. "You think, being a legendary is just for fame? Popularity? Power? You never thought great power comes with great responsibility and danger. Pero ano ba ang aasahan namin sa iyo? When all you care about is fame?"

Tila nalunok ni Harriette ang kanyang dila dahil sa sinabi ni Prof Blast. Hindi na ito nakapagsalita dahil sa pagkapahiya. Kung ako nasa kalagayan niya ay siguro mananahimik na lamang ako.

"It is clearly stated that Raven Haust is a legendary. The watermark and seal of authenticity is here. This is not fake." Saad ng piskal at iniharap sa lahat ang papel na patunay na isa akong legendary.

"It doesn't change the fact the she is still a murderer—" naputol naman ang dapat sabihin ng abogado dahil nagsalita ako.

"Three Hundred thousand dollars." Biglang saad ko kaya napatingin naman sa akin ngayon lahat.

"What?" Di mapigilang tanong sa akin ng abogado.

"That's the amount that was paid for you to push me." Sagot ko sa kanya at tiningnan ko ang kanyang mga mata. Nababasa ko ngayon ang nasa kanyang isipan. "Hindi maaari. Paano niya nalaman?... Words running inside your head. Oh, Mr. Delacroix bribe you to lie." Umakto akong nagulat kunwari kahit alam ko na sa simula pa.

"Preposterous!" Agad na sigaw ni Martin Delacroix at napatayo ito. He's huffing of the sudden anger when his name got involved. "Don't accuse me woman without a proof."

"I'll kill you in a snap... that's what in your head right now. Don't provoke me, Mr. Delacroix, I can hear your every thoughts." Malamig sa tugon ko sa kanya.

"Are you telling the truth?" Nababaghang tanong sa akin ng piskal.

"You wanted to finish the trial right now because you need to go to a family lunch meeting...that's in your head judge." Saad ko sa kanya. If they doubting me, then, I'll just show them.

Napatikhim naman ang piskal dahil tama ang sinabi ko at yun ang nasa utak niya ngayon.

"She's just lying—"

"Shut up!" Natahimik naman ang lahat ng biglang dumagundong ang boses ni Vander. Para iyong kulog na ikinatahimik ng lahat. "Pamela, give them the video." Utos nito kay Pamela.

Agad na tumalima si Pamela at ibinigay ang aking flashdrive sa piskal. Agad na dumating ang kanyang assistant at isinaksak ito sa laptop at ngayon ay ipapalabas ang video sa projector.

Agad na nagplay iyon. Nagsimula iyon sa paglalakad ko hanggang sa nakita ko si Patrice, pagsugod ko sa kanilang bahay, hanggang sa nagkahabulan kami.

"Tutal miss dahil mamamatay ka na, sasabihin ko na ang sagot sa tanong mo. Ang mga Delacroix ang nagbayad sa akin upang pasabugin ang sasakyan ni Cambridge. Binayaran nila ako ng isang daang libong dolyar, kapalit ng pagpapasabog ng sasakyan niya. Pero aanhin mo naman ang impormasyon na iyan, kung inuuod ka na sa ilalim ng hukay?" Yun ang sinabi ni Patrice sa akin bago siya binaril.

DEATH |Deathly Fate Series 3|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon