CHAPTER 1: HER LIFE

63 15 0
                                    

" Yaline!" Nagising ako sa sunod sunod na tawag saken mula sa labas ng pinto ng aking tinitirahan. Nag unat ako ng katawan at inis na tumayo dahil pinutol nito ang ganda ng aking pag tulog.

" Kahit kailan talaga si manang rosie masyadong epal"

Sabi ko nalang sa sarili ko at nag iling iling. Binuksan ko ang pinto at tumambad saken ang nakabusangot nitong mukha na para bang nalugi ng milyon milyon na pera.

" Ano nanaman ba yun manang----" napatigil ako sa pagsasalita ng makita ko sakanyang likod na may dalawang lalake na naka tuxedo at nakatitig ang mga ito saken.

" May naghahanap sayo jusmiyo kang bata ka" sabi nito at akmang aalis na at humarap ito saken.

" Magbayad kana sa renta juskong bata ka! Kung di ka pa magbabayad ipapalayas kita diyan sa kinatatayuan mo! Jusko kang bata ka!" Sabi nito na puno ng inis at agarang umalis.

" ano po kailangan niyo?" Tanong ko sa dalawang lalake na nakasuot ng tuxedo. Wala akong nakita na emosyon sakanila basta nakitingin lamang sila saken.

" Yaline Garcia?" Tanong ng lalake sa kanan at tinitigan ako neto simula ulo hanggang paa

" O-oo bakit? Ano kailangan niyo?" Tanong ko at halong halong emosyon na ngayon ang nararamdaman ko. Natatakot, kinakabahan, naguguluhan at kung ano ano pa.

" Will you please invite us inside to your house?" Sarcastic nitong saad.

Hehehe natawa rin ako sa sarili ko, oo nga pala sorry na amputek. Wala naman kase akong inaasahan na bisita at in the first place hindi ko sila kilala!

" a-ahh pasok..Juice o coffee?"

" None" sabay nilang sagot at umupo sila sa aking hindi kagandahan na sofa.

" Age?" Diretsuhang tanong ng isang lalakeng nasa kaliwa.

" 16.." sagot ko habang nakayuko.

" sino po ba kayo? " tanong ko sakanila pero nakita ko na abala sila sa kanilang tablet at kung ano ano ang tina type.

" parents?" Tanong ng isang nasa kanan habang nagtitipa sakanyang tablet.

" W-wala na akong parents" sagot ko

Sino ba tong mga to? Amputek bat tanong sila ng tanong?

" If you are asking why we were asking you about yourself, we won't tell." Sabi ng nasa kanan, wow mind reader ba to?

Gago pala to eh sinabi niya pa yan kung di rin pala niya sasabihin kung bakit, ta tanga tanga rin. Paktayen kita tamo ginigigil mo ang brain cells ko.

Tinaasan ko sila ng kilay at tinarayan na akala mo kaaway ang nasa harap.

" Hoy kayong dalawa, anong pangalan niyo?" Sa pagkakasabi ko niyan ay tinanggal nila ang shades na tumatakip sa kanilang mata at dahil doon ay napalunok ako.

" we won't tell" sabay nilang sagot

Napatingin ako sakanilang mata. Ang nasa kanan ay may kulay blue na mata habang sa kaliwa ay brown. Kahit madilim dilim saaking maliit na tinitirahan ay halata parin ang kulay ng kanilang mata.

" ganyan ba talaga mata niyo?" Tanong ko sa kawalan at tinitigan nila akong dalawa.

Ang gwapo amputek

" Yeah" sabay nilang sagot

" pwede ba sabihin niyo na saken kung ano ang kailangan niyo?! " inis kong tanong matapos pagmasdan ang dalawa na panay tipa sakanilang tablet.

" We won't tell until he command us to do it." Sabi ng lalake na may brown na mata.

Napatitig naman ako dito at ganun rin siya, sinong he? Tae naman oh hindi ako manghuhula no! Duh!

Thrygo Walton: An evil oneWhere stories live. Discover now