One

5 0 0
                                    

Hindi ko mapigilang maluha nang tuluyan nang i-announce ng pastor na official husband and wife na sina kuya Bryan at ang ate Cara ko.

Mabilis kong pinahid ang mga butil ng luha sa aking pisnge at masayang ngumiti nang mapadpad ang tingin ni Ate sa gawi namin nina Tita Faye. Nakita ko siyang ngumiti sa amin at nag thumbs up pa sa akin na ginantihan ko naman ng isang finger heart na dahilan ng kanyang maikling pag tawa.

Sinundan namin sila ng tingin hanggang sa makalabas sila sa maliit na chapel kung saan ginanap ang ceremony ng kasal nila. Sinabuyan pa sila ng iba ng mga petals ng rose na kulay puti at pula.

Hanggang sa sasakyan na dadala sa amin papunta sa reception ay hindi parin matanggal ang ngiti sa labi ko. Masayang masaya ako para kay ate Cara.

Simula kasi nang mamatay si Mommy at nag trabaho si Daddy sa ibang bansa ay si ate na ang tumayong magulang ko. Kahit na alam kong bata parin siya sa edad na 16  noong mga panahon na iyon ay sinubukan niyang magpaka-magulang para sa akin. Hanggang sa tumanda kami ay hinintay niya talaga akong makapagtapos bago siya mag asawa. Kaya sobrang saya ko ngayon na pinili nanaman niya ang sarili niyang kaligayahan.

"Si ate Cara po ay isa sa mga tao na kilala ko na sobrang selfless. Lagi niya akong inuuna sa lahat ng bagay, kaya I'm very thankful to have you ate kasi hindi ko alam kung anong gagawin ko sa buhay kung wala ka sa tabi ko. I'm so happy for the both of you. Congratulations kuya and ate! I love you both" lumapit ako sa kanila at sabay silang niyakap. Tinawanan ko pa ang ate dahil umiyak siya sa maikli kong message para sa kanila ni kuya Bryan.

Pinagmasdan ko ang paligid ng garden kung saan ginaganap ang receptional program nila ate. Malapad ito at sobrang ganda, mukhang mahal ang ginastos nila dito. Ang buong lugar ay punong puno ng mga bulaklak at halaman. May mga nakasabit na mga ilaw na sa tingin ko ay para sa program na ginaganap siguro dito tuwing gabi. Narinig ko kanina sa isang trabahador dito na may isang parte sila ng garden kung saan maraming paro-paro.

Gusto ko sanang libutin ito kaso ay nakakahiya namang umalis lalo na't nagbibigay pa lang ng mga speeches at messages para sa groom and bride kaya mamaya nalang pagkatapos kumain.

Sa parteng ito ng garden kung saan kami ay open lang ang itaas pero alam mong exclusive dahil napapaligiran ito ng mga halaman at ang inaapakan namin ay damo na kung tititigan mo ay parang totoo pero kung hahawakan ay artificial lang pala. Bago makapasok ay merong parang isang maikling tunnel na gawa sa mga kulay green na halaman. Marami pang mga magagandang parte itong garden pero hindi ko na masyadong maipaliwanag dahil sa sobrang gaganda nila.

Dumating na ang oras ng kainan. Nagsimula naring tumugtog ang banda na inupahan siguro nina kuya Bryan. Hindi masyadong crowded dahil mga importanteng tao lang ang inimbitahan ng groom at bride. Lima lang kami sa table na nakapwesto sa bandang kaliwa at harapan. Kasama ko sina Tita Faye at Tito Tan kasama ang isa nilang anak pati ang isa pa naming pinsan.

Nauna na akong natapos sa pagkain. Tulad ng kanina ko pa gustong gawin ay tumayo ako at dahan dahang umalis sa reception area.

Nag lakad-lakad ako. Hindi ko maiwasang mamangha sa mga bulaklak at mga design ng iba't-ibang parte ng garden na ito. Nakita ko ang mga benches na nakakalat sa tabi-tabi.

Nang mapansin ko na medyo nagtatagal na ako ay napagdesisyonan ko nang bumalik. Habang naglalakad ay may napansin akong matandang babae na nakaupo sa isang bench. Matagal ko itong pinagmasdan. Nakasuot ito ng bistida na kulay puti na may disenyong malalaking kulay pink na Bulaklak. May sombrero rin ito na may bulaklak rin. Mukha itong problemado kaya nilapitan ko.

"U-uh.. Excuse me po lola," tumingin ito sa akin, "Okay lang ho ba kayo? May maitutulong po ba ako?" magalang kong tanong sa matanda na may pagkamanghang nakatingin sa akin ngayon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

In His World Where stories live. Discover now