Prologue
Isang malambot na bagay na naramdaman ko sa aking labi ang nakapagpagising sa akin.
Bakit parang kakaiba naman ata itong bagay na to? Amoy vanilla at lavander , sosyal.
Dahan dahan kong binuksan ang aking mga mata at agad na pabangon dahil sa gulat, isang lalaki ang nasa harapan ko at ang bagay na malambot na naramdaman ko pala kanina ay ang labi niya.
Malakas siyang dumaing at lumayo sa akin habang sapo-sapo ang noo na nakauntugan ng sa akin dahil sa biglaan kong pag upo.
Napaatras ako nang bigla siyang tumingin sa akin, "B-bakit mo ako hina... hinahalikan?" nauutal kong sabi at niyakap ang sarili. Napansin kong basang basa pala ang buo kong katawan at dahan dahan nang tinatablan ng lamig.
Walang nagbago sa itsura niya, mukhang manghang-mangha sa akin. Napalingon ako sa paligid at mukhang kakalubog lang ng araw, nasa tabi kami ng isang lawa, napalingon naman ako sa kabila at nakitang may mga liwanag at ingay sa kabila na natatakpan ng mga matataas na pine trees.
Para akong nasa ibang bansa kung iisipin pero imposible yun kasi nasa isang garden kami para sa reception ng kasal ni ate Cara, pinahanap pa nga ng lola na isa sa mga bisita ni ate ang tuta niya sa akin at nang nakita ko na ito ay may dala-dala itong kwintas na aksidenteng nalaglag sa may bato na nasa ilalim ng pond kaya inabot ko ito at di sinasadyang nadulas at nahulog ako sa tubig.
Kaya napaka-imposibleng nandito ako ngayon———
Muling bumalik ang aking tingin sa lalaking di pamilyar na nakaupo sa aking harapan nang magsalita ito, "Hindi 'yun halik binibini. Niligtas kita kaya kawang gawa ang tawag doon." Tumawa siya ng nakakairita pag katapos 'nun.
Naiinis akong tumingin sa kanya na tumatayo na ngayon, basa rin siya katulad ko.
Sino ba 'tong lalaki na to? Nasan ba ako? At bakit tinatanong ko ang sarili ko? Nababaliw na ata ako.
"By the way, your lips taste like grapes. Ahh, bigla ko tuloy gustong kumain ng ubas" natatawa niyang sabi at nagsimulang maglakad papalayo habang ako ay nakatunganga parin dahil hindi maproseso ang nangyayari.
Dahan dahan siyang humarap at ngumiti, "Nice meeting you, Lady Alaia"
My name is Alyah not.... Alaia
Really, what the grapes is happening here?
YOU ARE READING
In His World
FantasyNagising na lamang si Alyah na nasa ibang mundo na siya. Ngunit dito ay kilala siya bilang Alaia, ang babaeng kilala dahil sa kakayahan nitong makapagsabi ng hinaharap. Hindi niya alam na may iba pa palang mundo maliban sa mundo kung saan siya nagmu...