Lumipas ang ilang araw na wala kaming Iniisip na problema puro lang kami computer pag wala kaming magawa.
Siya nakikipag pustahan sa crossfire habang ako tamang fb at youtube lang di naman din ako tinuturuan ni lanlan magCf e baka maadik pa daw ako hahahaxD
Third Person POV:
Biglang nagchat si Jason kay lanlan at nanghihingi ng sorry sa aming dalawa pero ako dedma lang dahil galit pa rin ako sa kanila.
"Lan sorry sa lahat lan. alam ko nabastos namin ng sobra si denden sorry talaga lan sorry." Jason said.
"Wag kayo sakin magsorry tangek hindi naman ako yung binastos nyo e si denden tsaka babae yung binastos nyo kasi" paliwanag ni lanlan sa kanya.
"okay sige nasan ba kayo pupunta ako para makapagsorry ako ng personal sa kanya" tanong nya.
"dito sa bahay nila nakatambay" sagot naman ni lanlan.
maya maya lang ay dumating agad si jason at nanghingi ng sorry sakin.
"den sorry talaga ah sorry sa mga nasabi ko dun sa gc namin" paliwanag nya.
"ge oks lang yun lang naman hinihintay ko e yung magsorry kayo ng personal sakin" tugon ko.
ayoko sana silang patawarin pero sino ba naman ako para hindi magpatawad ng tao diba.
maya maya ay nagchat naman si dudoy kay lanlan.
"pre san ka?" tanong nya kay lanlan.
"dito kala denden bkit?" tanong neto kay dudoy.
"sige punta ako dyan" sagot nya sabay nag out.
maya maya ay dumating si dudoy at may dala pang piece offering haha suhol lang ampeg.
"den piece offering ko sa lahat ng nasabi ko din sa gc na yon" sabi nya sabay abot ng pastillas roll.
"enk may suhol pa ah hahaha:D" pabiro ko.
"di naman nahihiya kasi ako sayo e nakisali pa ako sa kagaguhan ni pepet" paliwanag niya sakin habang nakatayo lang sa pintuan.
"hinihintay ko lang naman na magsorry kayo ng personal e kasi sobrang nasaktan talaga ako sa mga sinabi nyo sa gc na yon" paliwanag ko.
maya maya ay nagpaalam na sya dahil babalik na daw sya ng trabaho.
Si Jason na lang ang natira at nakikipagkulitan kay Jayden hanggang sa inaya nya kami uminum sa malate kasama ang ibang tropa.
"Tara malate mamaya sagot ko na para makabawi din ako sa inyo" pag aaya nya samin.
"Sino sino naman?" tanong ni lanlan sa kanya.
"Ako, Maki, Renz, Makoy, Jobert, Ikaw, Denden." paliwanag nya.
"Magsasama ako okay lang ba?" tanong ko sa kanya.
"Osige ikaw bahala" sagot nya.
At agad agad kong chinat si Judyann kaibigan ko nung highschool kaya agad naman silang nagpunta sa DF at dun na namin hinintay ang iba pang kasama.
"Matagal pa ba bakla?" tanong ni Judyann sa akin.
"May hinihintay pa bakla marami kasi tayo e" paliwanag ko.
10pm nagsidatingan na ang lahat at agaran naman kaming nagpunta na sa BELLAGIO MALATER BAR. sobrang lakas ng tugtog at hindi talaga kayo magkakarinigan pag nag usap usap kayo.
Nang makapwesto na kami ay tatlong lamesa ang kinuha namin at pinaikutan namin iyon.
Bale Ako, Lanlan, Bakla, Judyann, Renz, Makoy, Maki, Jason.
Unang order namin isang bucket lang muna na Redhorse Stallion hanggang sa naparami na dahil napasarap na sa kwentuhan kantahan tawanan.
Mga galante kasama namin kaya hinayaan namin sila hahaha ginusto nila yon e :D Naka walong bucket kami ng Redhorse Stallion. At muntikan pang mapaaway sa kabilang table dahil nakikisapaw pag kumakanta kami hahahaha dahil natutuwa ako sa panggugulo nila nakisali na ako HAHAHAHAHA:D demonyita be like^_______^
"Oh talaga ba? Edi sana binarangay mo hahahahaha" pagpaparinig ko sa kabilang table.
Nang biglang tumugtog ang Zebiana at kinantahan ko bigla ang kabilang table hahahaha yan napapala kakaalak ko e nakikisali sa gulo :D
"Kapag nakikiepal na ang kabila ay makikisapaw na rin ako ohhhh magalet na kayo kung gusto nyo ohhhh wala akong pake sa sinasabi nyo" kanta ko sa mga kumag na papansin sa amin na parang naghahanap ng gulo hahahaha.
"pag may lumipad na bote dito alam nyo na" sagot ng kabilang table.
At dahil nagpantig ang tenga ng mga kasama ko nagsitayuan na at nagsihawak na ng kanya kanyang mga bote hahahahaha rayot na ituuuuuh:D (i can't wait na magkagulo gulo at makita kung kaninong mukha ang mababasag hahahahahaha) sabi ko sa sarili ko.
Maya maya ay may umakyat na waiter para awatin kaming lahat hahaha nakakabitin di man lang natuloy xD
"Mga boss pasensya na kayo mga makukulit na kasi sila e" pagpapakalma sa amin ng waiter.
"E naghahanap ata ng gulo tong mga to kuya pagbibigyan lang namin" pagyayabang ni Jason hahahahahaxD
"Tara na umuwi na tayo" pag aaya ni lanlan sa kanila para magsitigil na HAHAHAHA!
At ayun nagsibabaan na kaming lahat at nagkanya kanya ng sumakay sa motor na sya namang kinainis namin dahil may nanira ng gulong namin na sadyang binutasan talaga >_____<
"Putangina naman oh pag minamalas ka nga naman" reklamo ni lanlan dahil 3:00am na at mukhang matatagalan pa kami ng uwi.
"Tara na sakay ka na" pag aya nya sakin at agad naman akong sumunod dahil badmood na sya.
Nakauwi na kami sa bahay at dito ko na sya sa bahay pinatulog dahil anong oras na din kasi baka mapano pa sya sa daan.
Kinabukasan...
Back to normal na ulit ang lahat dito lang ulit kami sa bahay tambay lang lalabas lang pag may bibilhin.
Nahinto na rin ang pag inom namin palagi minsanan na lang pag may okasyon o may pinag uusapan na mga bagay bagay.
Hindi na rin ako masyadong napapagalitan nila mama dahil unti unting binabago ni lanlan ang buhay ko nilalayo na nya ako sa mga naging tropa ko noon na panay inom gabi gabi, iniwas nya na rin ako sa paggala gala kung saan saan.
Laking tuwa nila mama sa akin dahil kahit papano e nagbabago na nga daw ako at nagtuloy tuloy pa yung pagbabago kong iyon.