Chapter 4

10 2 0
                                    

Lumipas ang ilang linggo na laging mainit ang ulo ko sa kanya lalo na pag hindi nya binibili yung mga gusto kong kainin.

"Di mo ako bibilan ng mangga? fine wag ka ng umuwi dito" pagtataray ko.

"Grabe ka naman mahal nakita mong nagpapahinga pa ako e" pagsusungit nya sakin sa phone.

"K" sagot ko sabay patay ng phone.

Palagi na lang kaming nagtatalo kahit dito sa bahay hanggang sa nahakbangan ko sya ng di sinasadya at nagkapalit naman kami ng sitwasyong dalawa.

Sya na yung palaging umiinit ang ulo Sya na ang panay kain ng kain hindi na ako.
Hanggang sa nangyayat ako.
At biglang naospital dahil nanakit ang tyan ko pero naging okay din naman agad.

Pero naospital nanaman ulit ako makalipas ang ilang linggo dahil bigla akong dinugo :'(((

Habang nasa ospital ako si mama na ang nag asikaso ng papel ko sa admitting area.

Chinat ko na rin si aron (kapatid ni lanlan) para masabihan ang kuya nya na nasa ospital nga ako.

Maya maya lang ay dumating din sya agad at saktong iaakyat na ako sa taas para ma IE.

Pagpasok ko sa loob ng paanakan ay ininterview at pinahiga agad ako.

Pagka IE sa akin ay maraming dugo ang lumabas kaya pina TVS (Transvaginal Sound) agad ako para makita kung buhay pa ba si baby o hindi na.

Sa mga oras na yon iyak na ako ng iyak at mas lalong pang pinasakit ang tyan ko dahil sa pag iyak ko.

"mahal tumahan ka na pls magiging okay din ang lahat" pagpapakalma nya sa akin.

"pano kung wala na sya pano kung di sya buhay?" takot na takot ako habang naghihintay na maTVS ako ng doctor.

"Shhh tumahan ka na" niyakap nya na lang ako para kumalma ako kahit papaano.

Dirin kami iniwanan ni mama dahil natatakot din sa nangyayare sa akin.

Hanggang sa tinawag na ako ng doctor at sinimulan ng maTVS ako.

Lumabas sa resulta na buhay na buhay si baby napakalikot kaso nakasiksik sa matres ko at nangunguna sa matres ko ang inunanan ni baby kaya ako dinudugo. Pero ang good news sa lahat buhay na buhay si baby.

Pag akyat namin ulit sa paanakan ay pinahiga ulit ako ng doctor para makuhaan ng dugo. Hindi muna ako pinaglakad dahil baka duguin nanaman ako kaya nakahiga lang ako nung time na yon habang naghihintay ng resulta.

Ilang oras din ang hinintay ko at dumating din ang resulta na mababa ang dugo ko.

Maraming nireseta sa akin para sa ikabubuti ni baby kaya lahat yon ay iniinum ko araw araw.

Calcium, Multivitamins at Pampakapit para kay baby para hindi ako makunan at duguin ulit.

Simula noon ay hindi na ako nagpupunta ng tindahan para tulungan si lanlan magtinda dahil pinagbawalan na ako ng doctor at ang sabi ay bed rest lang ako hanggang sa manganak.

Kaya i have no choice kundi sundin ang payo ni doc.

"Mahal dala ka lugaw pag uwi mo ha?" chat ko sa kanya pero di naman sya nagreply.

*ano kayang ginagawa nun at di man lang nagreply sa chat ko:/* tanong ko sa isipan ko.

Gabing gabi na nang makauwi sya. At heto nanaman kami nagtatalo nanaman haynako.

WALA NANG BAGO DUN!

Ilang buwan na rin kaming nagsasama simula nung nabuntis ako.
Bumabawi naman sya kahit papano para mawala na tampo ko.

"Mahal oh binilan kita makakain mo para dika magutom sa gabi" paglalambing nya sabay abot ng prutas at pansit.

"Xiexie mahal:))" sabay kain ng pagkain na dala nya at dinedma na sya bigla haha sorry mahal xD

"Lah yung kiss ko? Asan na?" nakapout sya habang hinahanap ang kiss nya hahahaha ang baduy letse:D

"mwaaaaaaaa:*" kiss sa lips.

"Oh yan na happy na? hahaha" pang aasar ko dahil nakanguso pa rin ang gago nagmumukha tuloy syang tukong baboy hahahahaha tangina :D

"kulang pa e" sagot nya habang ngumunguso pa rin.

aba loko to ah umaabuso ata

"mwa mwa mwa mwa mwa" kiss sa lips kabilaang pisngi sa noo para manahimik na sya hahahaha mukhang gago na tingnan e.

"laplap gusto ko" nakanguso pa rin tas nakapikit naman na ngayon hahahahaha bakla nya sa itsura nya XD.

"aba galing mo pala hahahaha laplapin mo pader" pang iinis ko.

Maya maya ay tumigil na rin sya sa pagpupumilit sa gusto nya dahil di nya rin naman makukuha hahahaha:D kaya kumain na lang din sya.

Nang matapos na kami kumain e maaga syang natulog samangalang ako gising pa rin~_~

12:00am na ng madaling araw hindi ako makatulog nagugutom nanaman ako takte! huhu://

"Mahal gising pls gising" panggugulo ko sa kanya hahaha.

"Oh ano ba yon?" pagsusungit nya dahil antok na antok na nga sya.

"Kain tayo mahal sige na oh:(((" pagpapacute ko.

"Kumain ka na dyan sige na inaantok na talaga ako e" sabay tulog na ulit.

So ayon ako lang kumain mag isa at nagpuyat mag isa -___-

Halos ganon gabi gabi nangyayare sakin gutom lagi sa madaling araw tas hindi makatulog agad pag nakakain na.

Hanggang sa nakaisip ako ng kalokohan hahahahaha:D

"Mahal mahal mahal gising dali" sigaw ko na syang gising namab agad nya hahahahahahaXD

"Ano yon ano nangyare?" pag aalala nya sabay hawak sa tyan ko hahahahaha mukhang gago amputa:D

"WALA LANG! ginigising lang kita hahahahahahaha:D" pang aasar ko.

"Tanginaka natutulog yung tao e" pagsusungit nya na syang kinainis ko naman.

"Gago tao ka ba?" pagtataray ko.

"Tao ako ikaw lang hindi abnormal ka na matulog ka na lang mabuti pa" sabay kotong sakin  hahahaha gago to ah.

"K kokey" sagot ko.

"Momo tulog ka na okay? iloveyou momo" sabay kiss sa lips.

Hanggang ngayon ay ganon palagi ang ginagawa ko pag hindi ako nakakatulog agad hahahaha:D ang sama ko kasarapan ng tulog nya sinisira ko hahahaXD

Sorry mahal ha lab mo naman ako e kaya wag ka na magagalet hihihi:D

Limang buwan na rin ang tyan ko ngayon at palagi na ring pinupulikat ang kabilaang binti ko:((

Dahil bed rest nga lang ako mamanasin talaga ako huhu:'(

Palagi kong pinapamassage sa kanya binti ko para makatulog ako ng maayos sa gabi.

Binilan na rin nya ako ng maraming stock food para di ko na daw ginugulo pagtulog nya hahahaha:D

Pero wala syang magawa kundi hayaan ang pangungulit ko para hindi na daw sumama loob ko, niyayakap nya na lang ako para tumigil ako sa pangungulit sa kanya hanggang sa nakakatulog na lang ako bigla habang yakap yakap sya.

I FALL IN LOVE WITH A CROSSFIRE PLAYERWhere stories live. Discover now