The Agent Wakas.

6.4K 141 19
                                    

"Kara! Bumaba ka na aalis na tayo!" patawag sa akin ni Ate Lara.

"Oo ate, nandiyan!" hiyaw ko rin.

Nagyaya kasi si ate Lara at Sara sa Mall. Ang totoo niya ay tinatamad akong pumunta lalo at nagtatago pa rin ako kay Lex. Saka nalaman ko rin wala naman pa lang relasyo si ate Lara at Lex.

Ayaw kong magpakita kay Lex, lalo at nakikita ko sa mukha nito ang galit sa akin, naalala ko pa noong pumunta rito at hinahanap ako.

Ang nakaraan...

Masaya kaming nag-uusap nina ate Lara at Sara rito sa sofa nang marinig ko ang sunod-sunod na dating ng mga sasakyan, kaya nagmamadali akong sumilip sa bintana, makita agad ng mga mata ko si Lex at nagmamadaling bumaba ng kotse.

"Shitt! Ate, Ate, Ate! Itago ninyo ako bilis!" bulalas ko.

"Ha bakit?" tanong ni ate Lara sa akin.

"Kasi nandiyan si Lex,"  wika ko. Nakita ko ang ilalim ng sofa kaya dali-dali akong nagtago doon.

"Teka lang Kara, hindi ka kasya riyan," pag-awat ni ate Sara sa akin.

  "Kasya ako rito," wika ko.

   Pinilit ko talang pagkasyahin ang katawan ko sa ilamin ng sofa, mabuti na lang at payat ako.

   "Lara, nagpunta ba rito ang magaling mong kapatid na si Kara?!" galit na tanong ni Lex sa aking kapatid.

"Naku, Lex, hindi pa siya pumupunta rito kahapon pa," sagot ni ate Lara.

  "Are you sure? Bakit nandiyan ang sasakyan ng kapatid mo sa labas ng bahay ninyo?!" galit na tanong ni Lex.

   "Naku! Lagot na po..." bulong ko.

    "Lex, nanghiram kasi ako ng kotse kay Kara, hindi ko pa nga naisasauli sa kaniya," palusot ng kapatid ko para pagtakpan lamang ako.

   "Siguraduhin lang ninyo na hindi n'yo tinatago sa akin si Kara! Masama akong magalit!" pagbabanta ni Lex sa mga kapatid ko.

   "Hindi talaga Lex," panabay na wika nina ate ko.

   Ngunit sadyang ayaw maniwala ng lalakim "Kayo hanapin ninyo sa buong bahay si Kara!" hiyaw ni Lex sa mga tauhan nito.

  "Sabihin ninyo kay Kara na galingan niyang magtago, dahil oras namakita ko siya mata lang niya ang walang latay!" galit na wika ni Lex. Kaya natakpan ko ang aking bibig ng palad ko.

   "Boss, wala po si Ma'am Kara, hinanap na namin sa buong bahay," wika ng tauhan ni Lex.

    "Kara honey, alam kong naririnig mo ako. Sige lang magtago ka hangang sa gusto mo. Mahahanap pa rin kita! Basta galingang mong magtago!" hiyaw ng magaling na lalaki.

Tagaktak na ang pawis ko rito sa ilalim ng sofa. Ngunit pinilit kong huwag makagawa ng ano mang ingay. Narinig ko ang mga hakbang ng mga papalayo. At nang alam kong wala na si Lex ay roon lamang ako lumabas, noong sinabi nina ate na umalis na raw si Lex.

"Bakit ayaw mo pang magpakita kay Lex?" tanong ni ate Lara sa akin.

"Ayaw ko nga, baka ibaon ako ng buhay. Lalo at two months na akong pinag-hahanap ni Lex. Siguradong paktay ako sa roon," sagot ko sa kapatid ko.

AGENT KARA_SERIES 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon