Special chapter 1

5.1K 121 11
                                    

"Honey, alis na ako...bulong sa akin ni Lex. Pero ako ay antok na antok pa. Naramdaman ko pa nga ang pag halik nito sa labi bago umalis.

"Kapag nagising ang Ma'am, Kara, ninyo ay dalhan n'yo ng pagkain sa itaas!" narinig kong bilin ni Lex sa mga kasambahay nito kaya napangiti na lamang ako.

Anim na buwan na kaming kasal ni Lex, masaya naman ang buhay may asawa kahit, nagkakaroon ng kaunting away. May ngiti sa aking labi nang pumikit ako upang matulog ulit.

Nagising lang ako sa tunog ng cellphone ko, tumayo ako upang kuhanin sana ang phone ko nang maramdaman ko ang hilo, kaya na pahiga akong muli.

Pero makulit ang tumatawag sa cellphone ko kaya marahan akong bumangon. Nakita kong si ate Lara ang tumatawag sa akin.

"Ate," wika ko.

"Nasaan ka ngayon bunso?" tanong nito.

"Nandito sa bahay ate kagigising ko lang," wika ko.

"Buksan mo ang tv at manood ka ng balita," wika nito.

"Bakit?" tanong ko rito.

"Basta, buksan mo na lang bunso," wika nito. Kaya kinuha ko ang remote ng tvbat binuksan iyon.

Bumungad agad ang mukha ni Lex at ang kasama nitong babae.

"Famous model Ara Dizon and mafia Lex Lord. Ay nakitang nagdadate sa isang restaurant? Di ba meron ng asawa nitong si Lex Lord? Bakit nakikipag-date pa sa isang medelo, oh, baka naman naghiwalay na silang asawa."

Parang gusto kong manapak ng tao ngayon dahil sa balitang iyon. Kaya dali-dali akong bumangon at nagpunta ng cr, ramdam ko pa nga ang hilo pero hindi ko 'yun pinansin.

Nagshort at sandong fits sa katawan ang suot ko, kinuha ko ang mini gun ko at inilagay sa likod ko at nagmamdali akong bumaba ng hagdan at sumakay ng kotse.

Tinigil ko ang kotse sa harap ng restaurant na kung saan nandun si Lex at ang kasama nitong babae.
Walang pakialam na pumasok ako ng restaurant, hinanap ng mga mata ko si Lex at ang kadate nito, lalong umusok ang ilong ko nang makita ko na ang dalawa.

Lalo at hinihimas ng babae ang braso ni Lex pero parang ayos lang sa asawa kong malandi, nagmamadali akong lumapit sa mga ito, sabay sapak sa mukha ng babae.

"Arayyy!" hiyaw ng babae. Nagulat din si Lex nang makita ako.

"Lex Love, sino ba ang babaeng iyan?" tanong ng babae.

"Ako lang naman ang asawa ng nilalandi mo!" hiyaw ko sa mukha nito. Sa sapakin ko ulit sana ito nang hawakan ako ni Lex.

"Kara stop!" galit na wika ni Lex sa akin. Wow Kara na lang ah.

"Ara, sorry for what happened," Lex said.

"Marahan akong hinawakan ni Lex, ramdam ko ang galit ito. dahil sa hawak sa braso ko, ito pa ang may ganan magalit sa akin. Binitawan lang ako nang nandito na kami sa harap ng kotse niya, galit itong tumingin sa akin.

"Hindi mo kailangan manakit ng tao Kara, magtatayo si Ara ng negosyo rito at kasosyo ako, kaya nagkita kami!" galit na wika ni Lex.

AGENT KARA_SERIES 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon