Special chapter 2

7.3K 224 47
                                    

Mabilis akong bumangon dahil nakita kong aalisin nga ni Lex ang kaniyang pantalon.

 
"Ano bang problema mo, Lex?!" asik na tanong ko sa lalaki. Walang imik na naupo ito sa aking tabi at
nakita ko rin ubinaba nito ang nakalilis kong dress na suot.

   Hindi ito nagsalita tahimik lang ito sa tabi ko. Biglang tumunog ang cellphone ko kaya mabilis kong binasa ang text ni Mike. Babae naman ang katext ko, kaso lang ay tomboy. At kasamahan kong agent. Mike kasi ang tawag namin dito. Kaya Mike din ang nakalagay sa phonebook ko.

Nakita kong nakasilip ito sa cellphone ko kaya mabilis kong itinago.

  "Bawal, kanya-kanya tayo ngayon Lex," wika ko sa aking asawa.

Biglang dumilim ang pagmukha nito sa akin at nag-igting din ang panga nito. Muling tumunog ang
cellphone ko at mabilis kong binasa ang text ni tomboy. Napangiti ako sa aking nabasa.

   "Sinong ka text mo, Kara?!" galit na tanong ni Lex sa akin.

   "Ang maghihimas sa akin bukas!" pabalang na sagot ko kay Lex. Hindi ako tumitingin dito, patuloy lang ako sa pagtext, nagulat ako nang mawala ang cellphone ko sa kamay ko at nakita kong lumipad iyon papunta sa pader.

   "Ang kawawang cellphone ko nagkahiwa-hiwalay nang bumagsak sa semento. Kaya naman galit akong tumingin kay Lex.

   "Bakit mo binato ang cellphone ko!" hiyaw ko rito.

  
Hindi ito nagsalita tumayo ito at lumapit sa kawang phone kong, nakita kong meron itong kinuha. Kaya tumayo ako nang makita ko ang simcard ko ang  hawak nito.

   "Ibigay mo sa akin ang simcard ko Lex!"

   Ngunit napanga-nga ako nang putulin ni Lex ang simcard ko.

   
   "Bakit mo pinutol?!" asik ko rito.

    "Nagulat ako kaya naputol ko," baliw na sagot nito sa akin.  Ang sarap batuhin ng unan.

   "Yung cellphone ko bayaran mo iyon!" inis na wika ko sa lalaki.

   
  "Yes, bukas ibibili kita," sagot nito.

   Umupo ulit ito sa tabi ko at mahigpit akong niyakap, sabay halik sa leeg ko. "Mis na kita honey..." bulong nito sa akin.

  Ngunit hindi pa rin ako nagsalita. Sapagkat naiinis pa rin ako kay Lex. Kaya lang ay patuloy pa rin akong hinahalikan sa batok.

    "Okay, you win. Hindi na ako makikipag business partner kay Ara," bulong nito sa aking sabay halik sa leeg ko. Napangiti tuloy ako ng lihim dahil sa sinabi nito.

   "Good! Teka, bakit ngayon ka lang pumunta, ha?!" galit kong wika rito.

   "Meron lang akong tinapos na trabaho, honey..." bulong nito.

    
    Hindi ako nagsalita. Pero masaya ako dahil sinunda naman ako ni Lex. Sabay kapag nag-aaway kami ganito palagi kami.

  
   "Honey..." bulong nito.

    "Ooohh," tugon ko sa bulong niya sa akin.

     "Doon tayo sa kuwarto,"  paos ang boses na wika nito.

     "Tanghaling tapat Lex," saway ko.

    "So, kanina pa ako na tatakam sa 'yo honey," bulong nito sa akin.

    Nagulat ako nang buhatin ako at ipapasok sa loob ng kuwarto, hindi talaga nagpaawat ang si Lex kahit katanghalian ay umataki ito. Napangiti ako nang matapos kami ni Lex pero patuloy pa rin akong hinahalikan.

   "Lex!" pagtawag ko rito.

    "Yes honey," tugon nito.

     
      "Buntis ako,"  wika ko.

     Bigla itong napatigil sa paghalik sa akin at tumingin sa aking nakangiti bakas sa mukha ang saya.

    "T-talaga honey?" tanong ulit nito. Kaya tumango ako rito.

   "Fuck!" bulalas nito sabay halik sa akin "I Love you my agent..."bulong nito at ramdam ko ang saya sa mukha nito.

   "I Love you Lex," sagot ko.

Wala na akong hihilingin pa, ang laging dasal ko na lang ay maging ligtas kami at malampasan namin ang mga darating na pagsubok sa amin ni Lex.

..........................................Wakas........................................



AGENT KARA_SERIES 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon