Bola :)

220 8 0
                                    

#2 bola

Louise POV

Heto na naman ako... Nakatambay sa may isang park malapit sa amin. Gusto ko kasing makita ang crush ko eh... Araw- araw simula alas-4 ng hapon, inaabangan ko siya. Dito kasi sila naglalaro ng barkada niya eh... 

Dito sila naglalaro ng basketball.

Sa bawat pag-shoot niya, natutuwa ako. Para akong cheerleader na walqng boses pero kahit ganon na hindi niya ako b napapansin... Siya pa rin ang mahal ko at wala ng iba. Sapat na sa akin ang makita siyang naglalaro ng basketball kasama ng mga kaibigan niya..

Maya maya'y may tumamang bola sa harap ko. Napasigaw ako ng "aray!!!" sabay tingin kung sino sa kanila ang bumato sa akin. At nakita kong tumatakbo papalapit sa akin ang crush ko...

"miss!!! Sorry kung natamaam ka nung kaibigan ko." sabi niya 

" o-okay lang! :)" sabi ko sa kanya 

Nginitian niya ako at lumabas ang dimples niya. 

Grabe nakakatunaw ang mga ngiti niya:) 

"basta sa susunod mag-iingat na kayo ha! Baka mamaya iba na ang matamaan niyo diyan:)" pabiro kong sabi sa kanila

Sa wakas napansin mo na ang isang katulad ko. Kahit di mo pa rin ako kilala natutuwa ako na napansin mo ako... Kahit yun man lang maibaon ko. Sa pagpunta ko sa Amerika... :( kahit yung mga ngiti mo man lang masilayan ko bago ako umalis rito...

Dahil kailangan na ng pamilya naming magmigrate pupunta ako... Pero mamimiss kita... Sigurado ako diyan... Kasi Alden kung alam mo lang, na simula pa lang nang makita kita, minahal na kita. At kahit mawala ka sa paningin ko, hinding hindi pa rin magbabago ang nararamdaman ko. Para sa iyo...

Aldens POV

Nakita ko na naman siya... Kung alam niya lang na may gusto ako sa kanya, pero natatakot kasi ako eh... Una hindi kami magkakilala. Baka nga hindi niya alam kung ano ang pangalan ko eh,. Pangalawa alam ko na maraming nagkakagusto sa kanya... Marahil isa sa mga iyon ang nagugustuhan niya. Siguro nga masaya siya sa iba...we are just strangers and we only met each other twice, yung una sa isang beach nang malunod siya at ako ang sumagip sa kanya at pangalawa, nang matamaan siya ng kaibigan ko ng bola... Ang babaeng tinutukoy ko ay si Louise... Kung alam niya lang na sa bawat pagbabasketball ko mas lalo kong ginagalingan kasi nanonood siya... Kung alam niya lang na siya ang inspirasyon ko kaya ako nananalo sa mga laro ko... Kung alam niya lang na mamimiss ko siya sa bawat araw na lumipas na di ko siya nakikita... Kasi sapat na sa akin ang naroroon siya at nanonood siya sa bawat laro ko... Sapat na sa akin ang makita siyang masaya sa iba... Dahil alam ko na hindi kami ang para sa isa't isa... Lalo pa ngayon na pupunta kami ng pamilya ko sa Amerika... At hinding hindi ko na siya makikita... Kung meron lang kasi akong lakas ng loob na sabihin ko ang nararamdaman ko noon. Edi sana noon pa niya nalaman at hindi ako nagsisisi ngayon... Kung sana lang nasabi ko ng mas maaga...

Nasa eroplano ako noon. Nahiwalay ang upuan ko sa mama at papa ko... At sa kapatid ko... 5 mins. Na lang aalis na ang eroplano. 

Natanggap niya kaya ang regalo ko? Sana naman. Oo.. yun na lang kasi ang tanging paraan para malaman niya ang nararamdaman ko... Yun na lang... Ang key chain na bola at ang heart na nasa loob... Sana natanggap niya.

Maya maya'y may tumabi sa aking babae... Nasa may window ako noon... Naka-cap siya at shades at ako rin nakabonnet at shades... Tapos nahiraan siya sa pagakyat ng bag niya sa compartment... Kaya naman I offered my help to her.

At nakita ko sa cute na Jansport bag... Nakasabit ang keychain na binigay ko kay Louise... I remove my bonnet and shades, i was just so hay to see her. Siya rin tinanggal niya ang suot niyang cap. At niyakap ako ng mahigpit... 

"akala ko kahit kelan di na kita makikita!" sabi niya. 

"mahal kita, louise... Kung alam mo lang kung gaano-" sabi ko pero bigla akong pinigilan ng matamis niyang halik... And we just realized na nasa plane kame...

At pagkalapag namin sa Amerika ... Hindi na kami naghiwalay... Muli...

If we're really meant for each other., gagawa ng paraan ang buong mundo, magkasama lang kayo. 

Tulad namin ni Louise... 

I guess happy ever after did exist :)) It is like Destiny :)

======================================

Ano magpopost pa ako ng isang story? Comment,  fan, and vote... pag nakakuha ako ng ten votes magpost ako ng bago.. okay!  :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 03, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DenLou One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon