MARUPOK
"Oi... Val tahan kana dyan. "
"Huwag mo nang tanggapin ulit yong lokong yon."
"Ang rupok mo kasi", sabi ng mga kaibigan ko habang umiiyak ako.
"Kunting away lang naman yon eh. Nadala lang yon sa galit nya kaya sya nakipaghiwalay tas alam kong babalik din yon", sabi ko sa kanila.
"Ayan na naman yong dahilan mong kunting away lang tas iiyak iyak ka. Ilang beses mo ba yan idadahilan samin?"
"Oo nga nadala lang sya sa galit nya pero sana di ka nya pinagsasalitaan ng masasakit na salita"
"After nitong iyak mo jan magsosorry yon tas magiging kayo ulit.Di ka pa ba nagsasawa?" Pangaral nila sakin.
"Sa mahal ko talaga sya eh.Di ko kayang mawala sya," paiyak kong sabi sa kanila. Sa mahal ko talaga sya eh anong magagawa ko?
" Nako gurl gumising ka na. Palagi ka nalang nyang sinasaktan, yang puso mo. Di ka pa ba nagsasawa? Paulit-ulit na lang yan "
"Hanggat kaya ko pa diko sya susukuan," paiyak na tugon ko dito. Hanggang ngayon patuloy ko padin syang minimessage kahit walang response, nagpopost sa timeline nya tas minimention. At nag-aantay na naman sa sorry nya.
"Kung yan talaga gusto mo wala na kami ng maggagawa kung di susuportahan ka nalang namin"
"Tulog ka na jan ang pula² na yang mata mo tas na mamaga na"
Bye na mga sis. Labyu all, huling sabi ko at in off yong laptop ko. Tama nga sila namumula na itong mata ko dahil kanina pa ako umiiyak dito sa kwarto. Tama sila marupok na talaga ako dahil kahit ilang beses na akong sinasaktan ni Dylan. Mahal ko pa din sya at pinapatawad ko sya kaagad sa mga kasalanan nya.
Masama bang magmahal ng totoo? Masama bang maging marupok? Tao lang din ako nagmamahal, nasasaktan!