PRANK
Pst. Zara! sabi ng kaklase ko habang nagsusulat ako
Oh! ano? Irita kong sagot.
"Ayan ka na namang tomboy ka"
"Di nga sabi ako tomboy! Ano ba kasi yon?" Sabi ko Kay Klare. Wala kasi akong crush at never pa akong nagkagusto kaya nila ako tinatawag na tomboy.
" Ito na. Di ba may utang ka pa sakin dahil sa pagtulong ko sayo nong nakaraan?"
"Oh tapos?" May ipapagawa talaga tong babaita to.
"He he he... May ipagawa lang naman ako sayo. Di ba binasted mo yang si Kyzier? Gusto ko lang gawin mo ay I prank mo sya na sasagotin mo sya total April 1 naman ngayon", saad nito.
"Hibang kaba? Kita mo nang nasaktan na yong tao. Tas ipaprank pa natin?"
"Edi totohanin mo. Basta gawin mo yong pinapagawa ko ngayon. Bye bys." lokong saad nito at bumalik sa upuan nya na tumatawa.
Tanginang Klare to. Dinamay na naman ako sa kalukuhan nya. BTW ang sinasabi lang naman niya na ipaprank ko at yong gwapong kaklase namin na bago ko lang binasted. Wala na talaga akong magawa kundi sundin yong pinapagawa ni Klare.
Ito na ako ngayon papunta sa upuan ni Kyzier. Putik na yon nasaktan ko na nga yong tao tas ipaprank ko ba naman sya. Di na nga ito namamansin sakin, nahiya na siguro.
"Ahm.. Kyzier pwedeng mag tanong?"
"Oi. Bago to ahh. Kaylan pa natotong magtanong si Zara?" Sabi ng isa kung kaklaseng lalaki. Tangina to ilalaglag pa ako nito.
"Tumahimik nga kayo dyan! Di kayo kausap ko. Si Kyzier kausap ko",suway ko dito.
"Oi. Kyzier magsalita ka naman dyan."
"Grabe ka naman di mo talaga ako papansinin?" Di talaga sya namamansin mga beh.
"Oi. Babe pansinin mo na ako," sabi ko dito kaya ayon nang aasar na naman mga kaklase ko.
"Oi. Babe daw oh"
"Kausapin mo na yan Ky"
"Ayiee. Babe na daw oh"
"Sagutin muna Kyzier"
Putik na yan parang ang landi ko dito ah.
"Babe, alam mo bang ang tanga ko"
"Paano mo nasabing tanga ka sa talino mong yan?" Sabi nito. Ayon na nagsalita din, na mumula pa sya.
"Alam mo bang ang tanga ko sa part na sinagot kita ng maling sagot sa tanong mo. Ano nga ulit yong tanong mo para ma itama ko?" Saad ko. Kaya ayon parang mga ulol mga kaklase ko.
Tangina ngumisi ng nakakaloko yong mukung. Parang kinakabahan ako ah. Parang may Mali talaga eh. Ayan na tatayo na talaga sya .Palapit na sya sakin.
" Pag ba tinanong kita uli sasagutin mo ako ng OO?" sabi nito malapit sa tinga ko at di ko namalayan na hawak na nya pala ako sa bewang.
"Ayiee kinikilig na ako"
"Na ngangamoy bagong love time"
" Oh bat ka nakatulala dyan Babe?" Sa pagsalita nito don ko lang namalayan na naka tulala na pala ako. Kapal ng mukha nyang manghawak.
"Tangina, Bitiwan mo ako Kyzier. Prank lang yon oi" sabi ko dito pero yong mukung ngumisi lang at mas hinigpitan yong hawak sa bewang ko tas mas lalong dumikit.
"Be careful to your word Babe. Whether you like it or not girlfriend na kita at boyfriend mo'ko." Sabi nito at tangina hinalikan nya ako.
"Yes successful yong operation" magiliw na sabi ng mga kaklase ko.
"Tangina nyo sagad ! Pinagkaisahan nyo ako. Pag ako nakawala dito lagot kayo sakin."