7

7 0 0
                                    

Yes! Yes! Yes! Masayang masaya ang binata dahil nagawa niya na ang tamang sangkap para sakanyang kapatid  ngunit ganun pa man may pangamba parin siya dahil baka hindi ito magiging maganda ang resulta. Habang pauwi ang binata sakanilang tahanan masayang masaya ito dahil hindi na siya papatay para sakanyang kapatid.

"Kuya pangangako mo saakin ha, na kahit anong mangyari gagawin mo lahat para maging maayos ako?."

"Oo naman Kat, lahat gagawin ni kuya para sayo,basta magpakatatag ka lang nandito ako palagi para pasayahin ka. Mahal na mahal ka ni kuya."

Dahil sa mga pangakong iyon lahat nga ginawa ni Humphrey para sakanyang kapatid. Habang pababa ng sasakyan ang binata,tanaw na tanaw niya ang kanilang bahay na madaming tao at nagtataka ito kung bakit may mga pulis.

"Ano pong nangyari dito?" tanong ng binata sa mga pulis na nakita niya salabas na may kinakausap na kapwa din pulis.

"Sir kayo po ba ang kamag anak noong dalagang niluoban at namatay." tanong sakanya ng pulis pero bago pa ito nagsalita dali dali siyang pumasok sa loob at hinananap ang bangkay ng kanyang walang ka laban laban na bangkay ng kanyang kapatid. Hindi akalain nito na ganito na lamang ang sinapit ng kanyang kababatang kapatid.

My Love For Her(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon