Pupungas pungas ako gumising sa pagtunog ng alarm ko na nakaset tuwing alas-10 ng umaga dahil kailangan ko pa maghanda para sa shift ko sa trabaho.
Ako nga pala si Kate Madelaine Gonzaga, 22 years old. Sa lalawigan ng Rizal sa bayan ng Antipolo ako nakatira kasama ng aking papa at bunsong kapatid.
"Ate Kate, kumain kana dito. Naghanda na ko ng lunch kanina."
Agad akong tumayo sa pagkakahiga at itinali ang aking buhok.
"Eto na, lalabas na ko ng kwarto." Sagot ko sa bunso kong kapatid.
Paglabas ko at pagsara ng pinto ng silid, nagsusuot na siya ng kanyang pamasok na sapatos at saka isinukbit ang kanyang bag.
"Ate, papasok na ko ng school. Ingat ka pagalis mo. Kumain kana din diyan." Sabay yakap saka umalis na.
Napangiti ako kasi araw araw bago pumasok sa school, kung hindi ako sa alarm ay sa pagtawag sakin ng kapatid ko ako nagigising at may kasamang yakap pa bago siya umalis. Napakasweet na bata!
Di na ako nagtaka ng makita ko na wala na si papa sa bahay. Sa isip isip ko, kaninang 7am pa ito umalis para pumasok sa trabaho. Madami na naman sigurong delivery ang kailangan matapos. Napabuntung hininga na lang ako. Tiyak pagod na naman si papa mamaya paguwi niya.
Kumuha na ako ng plato at kutsara saka nagsandok ng kain at corned beef. Binuksan ko ang TV at nagsimula ng kumain. Habang nanonood ay sinilip ko ang phone ko kung may notifications.
Bigla akong nalungkot ng wala ko makitang kahit ano. Wala ni isa ang nakaalala na magtext or chat sakin. Lahat sila busy. Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko hanggang sa maubos ang kinuha ko kanina.
Iniwan ko lang nakabukas ang TV habang nagaayos naman ako ng susuotin sa work. Isa pala akong Call Center Agent sa kilalang company sa Cubao. I've been with the company for quite some time and nageenjoy ako sa ginagawa at nakakasama ko doon.
Taliwas man sa natapos ko ang trabaho ko, 'di ko na inintindi pa yun. Ang mahalaga, mayroon ako mapagkukuhaan ng pangangailangan ko at ng pamilya ko.
Nang makakuha na ako ng damit ko, naupo muna ako sa kama at hinawakan ang cellphone ko. Naisip ko na itry yung isang chat group sa Facebook.
"Why people leave?
When you gave what you have?
Is this not meet their satisfaction?
Or is this means you're just an option?"I frowned after sending the message sa group chat. Kahit kasi it's been few months since we broke up, andito padin yung pain sa puso ko. He left me for another girl dahil nakabuntis siya at hanggang ngayon, di ko parin makalimutan kung paano niya ko niloko't iniwan kahit na di naman ako nagkulang sa kanya.
Papasok na sana ako ng banyo ng marinig ko ang pagtunog ng phone ko.
Agad ko tinungo pabalik ang kama ko saka kinuha ang phone.
* 1 new message from Anonymous *
I clicked the notification and read the reply from someone na nasa chat group din.
"Ang lalim naman neto. May pinagdaraanan kaba?"
Lihim ako napangiti sa nabasa.
YOU ARE READING
When Love Is Right
RomanceKate is the "breadwinner" of her family. She would do everything to support them financially whatever it takes her. While mending a broken heart, she met Christian, a father who will give his all for his daughter. Their love will blossom online but...