Chapter 2

7 0 0
                                    

Chapter 2

Napangiti ako sa sinabi niya. Pagkatapos kong isuot yung sapatos ko, I hit the reply button to respond.

"Halata ba? Hahahaha."

Napailing ako saka ko mahinang hinagis yung phone sa kama ko.

Pumunta ko sa harap ng salamin saka naglagay ng pulbo at lipstick para di naman ako magmukhang maputla. Hindi ako marunong mag-ayos ng sarili kaya yun lang ang nilalagay ko sa mukha.

*beep*

Nagitla ko sa tunog ng phone ko. Agad ko itong dinampot at saka binasa yung message.

Galing ulit sa kanya.

"Oo eh. Mukhang ang laki ng galit mo."

Napairap ako bigla. Galit agad? Grabeeee ka boi!

"Hindi naman! Di ako marunong magalit noh!" Psh!!!!

Pabuntung-hininga ko nilagay phone ko sa bag. Ni-lock ko ang pinto ng bahay namin saka naglakad papuntang sakayan ng tricycle.

Ayun! Buti may isang tricycle pa!

Nagmamadali ako nagtungo sa paradahan para makasakay na. Matagal pa kasi ang dating ng susunod. Madalang kasi ang tricycle samin.

"Saan tayo, Miss?" Tanong ng driver sakin pagsakay ko.

"Masinag po, kuya." Sagot ko.

Agad din naman pinaandar ni Manong yung tricycle niya.

*beep beep*

Nagreply ulit siya.

"Okay sabi mo eh. Pero ikaw ba nagsulat nun?" Sabi sa akin ni anonymous guy.

Tumipa ako sa phone ko bilang tugon sa tanong niya.

"Oo. Bakit? Di ba maganda?"

I turned off the screen of my phone saka nagfocus ulit sa daan. Medyo traffic sa labasan samin. Anong bagoooooo.

*1 new messaged*

"Maganda yung piece. Kaya din ako napareply. I don't usually do that kapag nakokornihan ako sa mga tula or post na nasheshare dito sa Profoundly."

Lihim ako napangiti sa reply niya. Akalain mo yun, may nakaappreciate sa ginawa ko? Amaaaaaaziiiiing!!!

"Thank you naappreciate mo gawa ko. Sa totoo lang, para yun sa mga taong nangiwan ng biglaan. Walang enough reasons. Pero hayaan na natin sila. Masaya na sila eh."

Having said that makes me wanna shed a tear again. This is so making me sick! Everything that has happened, bumabalik sa isip ko. Pucha, masakit padin pala.

Nakakainis!

---

Hello! This chapter may look like it is a bit short. Hope you would still love it. Thank you! Please keep on supporting the story and I am happy to update new chaps everyday while we're on ECQ. Hahaha.

Godbless everyone! ❤❤❤

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When Love Is RightWhere stories live. Discover now