My Bestfriend's Brother

10.2K 375 93
                                    

Cliche at its finest :((

-

My Bestfriend's Brother

© towaitforeternity

ALL RIGHTS RESERVED 2012

***

"OMG MISHAA! ANG POGI NG KUYA MO!" sigaw ng mga kaklase ko.

"I know right? Ahaha! Hindi ko nga kamuka eh." sabi naman nitong bestfriend kong si Misha.

Nakakairita na kaya! Whole day kaming ganito. WHOLE DAY! Imagine that?! And worse, wala kaming klase maghapon dahil pinagpapractice lang yung mga dancers for the program tomorrow and we're not one of them. I'm not a dancer. Parehong kaliwa ang mga paa ko.

"Aika! Ang pogi ng kuya ni Misha no?" sabi naman sakin ni Mae, one of my girl friends.

"Girls? Seriously? Napopogian kayo diyan?" sabi ko.

"Ang pogi kaya ng kuya ni Misha!" sigaw nila.

"Ew." nag-alisan naman na yung fans ng kuya ni Misha dahil breaktime na. Ako naman, nakahilata sa floor.

"Hoy Aika. Bakit ikaw lang ang hindi napopogian sa kuya ko?"

"Misha, hindi ko talaga makita kung saan banda siya gwapo. Seriously."

"Hay nakoooooo! Papakilala talaga kita dito. Malay mo kayo magkatuluyan." habang sinasabi niya yan ay tila lumiliwanag ang buong paligid at may mga bulaklak na lumilitaw sa background niya. Creepy.

"Hay nako, Misha. Tigilan mo nga ako."

Ang pangalan raw ng kuya niya ay Kevin. One year older sa amin. Yun lang ang alam ko sa kanya bukod sa pagiging kapatid ni Misha.

***

Pag-uwi ko sa bahay, may nareceive akong text from an unknow number.

From: +63915*******

Hi! ;)

I immediately replied.

To: +63915*******

Uhm, hello? Erm. Who's this?

Ilalagay ko na dapat sa bulsa ko yung phone dahil kukuha ko ng pagkain sa fridge pero nagvibrate nanaman siya.

From: +63915*******

Kevin. ;)

Hindi ko muna nireplyan ang anonymous na iyon dahil nagugutom na ako. My stomach's more important than replying to someone I have no idea who is. After eating bumalik ako sa room ko at humiga sa pinakamamahal kong kama. I checked my phone and found 2 messages. One from Misha and the other one from my classmate na GM lang naman pareho. I replied kay Anonymous.

To: +63915*******

Kevin who? Misha's bro?

*beep beep*

From: +63915*******

Yes. :) Kilala mo pala ko.

Muntik ko nang maibato yung phone ko dahil naconfirm ko na si Kevin to. Mygosh? Seriously. May nareceive ulit akong text na lalong kinainit ng ulo ko.

From: Mishalalalala

Aikabebs, nagtext ba sa'yo si kuya? :D

Sumakit ang ulo ko at wala akong nireplyan ni-isa sa kanila. Natulog nalang ako.

My Bestfriend's BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon