Prologue

0 0 0
                                    

Matagal na panahon na ang lumipas. Pero ganon pa din ang nararamdaman ko para sakanya.

Hindi ko maalis sa isip ko na Sana ako na lang. Kahit alam ko naman sa sarili ko na hindi naman ako ang tipo niya.

Oo , umaasa ako. Kahit alam kong masasaktan na naman ako. Pinipilit ko nga na maging manhid na lang e.

Sabi ng iba , "Ang tanga mo Claire. Napakadaming lalaki ang umaaligid sayo , bakit pinagsisiksikan mo yang sarili mo kay Nathan?"

Hindi ako nagsusumiksik. Ni hindi ko nga siya nilalapitan o kinakausap. Lagi lang akong nakatingin sakanya sa malayo.

Hindi rin naman ako nagsesave ng picture niya sa cellphone ko. Hindi naman ako ganon kapatay na patay sakanya.

Ayokong isipin niya na naghahabol ako. Oo , hindi ako naghahabol. Pero umaasa ako. Magkaiba naman yon diba?

Pero walang permanente sa mundo. Lahat nagbabago. May mga bagay na maaaring mag-iba. Magkabaliktad. Tumaas o Bumaba.

At napatunayan ko ang lahat ng ito.

-Claire De Jesus.

--

Sorry. Hindi ako magaling sa Prologue. Bukas na po UD ng Chapter 1 :)

After 6 yearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon