Chapter 2: "The Meeting"

182 4 0
                                    

Summer's POV

As usual.. Ako nanaman ang nakasungkit ng "The Early Bird". Nasan na kaya sila? Hay... Kung hindi lang kasama si Bryce hindi na ako sasama.. Oo..Tama ang hula niyo.. may gusto nga ako sa kanya.. pero.. hindi niya alam.. Hayy...

"HOY SUMMER!"

"Huh?.. Ah! Ikaw pala Bryce!" sabi ko. Natulala nanaman ako.. Anyways.. bakit parang may kaba akong nararmdaman? Parang may masamang mangyayari? Dala lang kaya ito ng excitement or ...

"Bakit parang ang aga mo naman Summer? As always lagi nalang ikaw ang nauuna kapag may lakad tayong magkakaibigan." pabirong sabi ni Bryce.

"Gusto ko lang naman kasi sumama kasi....(pabulong) may gusto ako sayo.."

"Ha? Ano? Hindi ko narinig?!!"

"Wala! :P" Hayy... Ang manhid naman niya..

"Anjan na pala si Cathy eh" sabi ni Bryce.

"Sakto lang pala ang dating ko! XD akala ko late na ako!"

"Nasan si Jake?" tanong ni Bryce

"Wala pa ba?" tanong din ni Cathy.

"Hay..." sabi naming tatlo.

(after 10 minutes na paghintay)

"Yes! Hindi ako late!" sabi ni Jake.

(Tinitigan namin nina Cathy at Bryce si Jake)

"Alam mo ba kung anong oras na?" sabay naming sinabi.

(tiningnan ni Jake ang relo niya)

"Ay.. sorry.. late pala ako.."

"AS USUAL!" sabay naming sinabi... nanaman. XD

"Tutal kumpleto na tayo tara na?" sabi ni Bryce.

"Ok!"

habang naglalakad kami may nakita akong babaeng nakayuko at hindi nagpapakita ng mukha..

"Teka lang! May kakausapin lang ako!" sigaw ko sa kanila.

"Sige! Hintayin ka nalang namin dito!" sabi ni Jake.

Tumingin ulit ako sa babae pero napansin kong naglalakad na ito palayo at hinabol ko ito..

"Ale, bakit po kayo umiiyak? Anu po ba maiitutulong ko sa inyo?"

"Wala naman...Meron lang kasing bibisita sa aming bahay.. (umakbay sakin) sa totoo nga niyan masaya pa nga ako ehh.."(tumakbo)

"Ha?, Ano po?" Nawala na yung ale na parang bula. Bumalik na ako kina Bryce

"Ui! Summer! Ano bang ginagawa mo kanina?" tanong ni Cathy.

"Yung Ale kasi kanina naiyak sa kalye.. tinanong ko kung bakit siya umiiyak pero ang weird ng sinabi"

"Sinong ale?" tanong ni Bryce.

"Yung Ale kanina! Hindi niyo ba nakita kanina?!!"

"Summer, wala kaming nakikitang Ale kanina.. Ikaw lang yung nandun kanina.." sabi ni Jake.

"HA?!! Pero nandun.. kanina..hindi niyo ba.." takot na takot kong tinanong.

"Alam mo.. siguro namamalik mata ka lang.. Anu ka ba naman Summer wala pa tayo sa hunted house nananakot ka na agad" sabi ni Bryce.

Hindi ako makapaniwala na hindi nila napansin yung Ale kanina. Pero sigurado talaga akong nandun yung Ale kanina at nakausap ko siya..

Gruesome Memories. (tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon