IMMB

251 5 2
                                    

Hi, I'm Mauriel Bautista and I have a bestfriend. 


Sa lahat ng kaibigan ko, masasabi kong siya ang pinakatotoo. 

Sobrang close kami sa isa't-isa kahit boy siya at girl ako pero gender doesn't matter naman diba?


Pareho kami ng school, sabay kami pumasok, sabay mag lunch, sabay umuwi, laging tumatambay magkasama, mag-gala, laging magkatext at kung anu-ano pa.

At sa tuwing kasama ko siya, ang saya-saya ko.


Kapag nalulungkot naman siya, ako yung nagco-comfort sa kanya. Papatawanin ko din siya.

One day nga nakita ko siyang malungkot dun sa favorite place/tambayan namin. Nilapitan ko siya at tinanong kung bakit. Sabi niya wala lang. Pero hindi ako naniniwalang wala lang 'yun, kaya tinanong ko siya ng tinanong. Hindi ako sumuko at sa wakas, sinabi din niya! Ang sabi niya, namimiss na daw niya si Veronica. Si Veronica ang nag-iisang nagpatibok ng kanyang puso na kaibigan ko naman. Napakahalaga ni Veronica sa kanya. Naging sila nung una pero naghiwalay din kahit pareho parin nilang mahal ang isa't-isa.


Tapos nung araw din na 'yon, nakita ko siyang umiyak. Nung nakita ko iyon hindi ko alam ang gagawin ko. 

Umiiyak ang bestfriend ko. Anong gagawin ko? Naghanap ako ng panyo sa bulsa ko pero... malas lang! Wala akong panyo!

Naspeechless nalang ako.



Sa dami ng aming pinagsamahan, hindi ko alam na darating pala ang ganito kahirap na situation para sa akin at sa amin. Namimiss ko na siya.



Ganito kasi yan...


Nung araw bago ang birthday ni Veronica, magkatext kaming dalawa. Si Veronica lang ang katext ko nung araw na iyon. Nag-group message siya.


From: Veronica <3 

Ang hirap palang makita ang taong mahal mo kasama ang bestfriend mo

na masayang masayang nag-kekwentuhan at ang sweet sweet pa sa isa't-isa.

Kailan kaya ako magiging kasing saya nila?

Nagdadrama lang po XDDDDDD

GM

 

Alam kong ako yung tinutukoy niya. Kasi nga diba close kami ni Marcus na mahal niya? Pero normal lang naman yun kasi magbestfriend kami at yung sweetness namin ay normal lang din yun.


Nag reply ako sa kanya.


To: Veronica <3

- Ako ba 'yun?

 

Nagreply siya.


From: Veronica <3

Haha :D

Hindi ah XDDDDDDD

Buksan mo nalang yung TV niyo at ilipat mo sa chanel *** para masaya XDDD

I Miss My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon