Epilogue

2.4K 81 35
                                    

Epilogue

"Tanda mo pa nung mga bata pa tayo madalas tayo magkasal kasalan dito diba?" tanong ko sa kanya.

"Oo nga eh. Napakauhugin mo pa nga nun!" natatawa niyang sabi habang nakatingin sa dalampasigan.

"Oy dati yun! Di na ngayon! Ang pogi pogi ko na noh!"

"Aba't mayabang ka ah." sabi niya at parang hahampasin ako. Lagi na lang to kung manghampas di na nagbago. =___=

Bago pa malatayan ang mga braso ko pinigilan ko na to at hinalikan siya labi. Nabigla siya pero tumugon din siya. 

"I love you Prince"sabi niya at yumakap sa akin. Niyakap ko din siya, "I love you more my Princess"

I really love this girl from the very start. From the first day we met. Kaya nga I've planned everything pagbalik ko. 

8 years ago..

12 years old pa lang ako nun. My parents planned to migrate to America. 

"Anak, kailangan na nating umalis. Pinapunta na to ni Daddy dun. Di ba gusto dun. Bukas aalis na tayo. I plan this as a surprise for you."

"MA! Bakit di mo sinabe agad?! I want to go there BEFORE! Di na ngayon" ...not until I met her.

"Pero anak, walang magaalaga sayo dito. Pupunta ako dun at dapat kasama ka." matigas na sabi ni mama. 

"Ayoko. AYOKO!" umiyak na ako. Napakaiyakin ko talaga. Tumakbo na ako palabas ng bahay. Kailangan ko siya makita. Di pwede. Ayoko mahiwalay sa kanya. Sino na ang magpoprotekta sa akin? Sino na ang laging magpapatahan pag inaaway na ako ng mga bully.? Sino na lang ang magsasabing "Potpot di kanila masasaktan.Nandito lang ako"? 

Sino na ang knight in skirt ko?

Iniisip ko pa lang gusto ko na umiyak ng umiyak. 

Di ko na namalayan na nasa isang fountain na pala ako. Nilabas ko ang cellphone ko at tinawagan siya. Gusto ko ng marinig boses niya.

(Pot napatawag ka?) ....Aira pano na lang ako pag umalis na kami? Di ko kaya.

"Aira anong ginagawa mo?" 

(Ha? Uhmmm..ARAY. Ouch ang sakit) 

"Bakit anong nangyare?!"

(Ha? Wala nadapa lang ako. Daming kalat sa kwarto. Nagnenet lang ako binabasa ko yung Teardrops on my Diary ni Daunknownauthor----)

"Pwede mamaya na yan?"

(Pot may problema ba?)

"Aira alam mo ba yung nagiisang fountain dito sa subdivision natin?"

(Bakit? Pot naiyak ka ba? May nangaway ba sayo---)

"Wala walang nangaway sa akin. Pwede pumunta ka. Please."

(Sige. Diyan ka lang ha. Pupunta ako jan)

Binaba ko na ang tawag. Tiningnan ko ang orasan ko. 10:00 na ng gabe. Ilang oras na lng aalis na kami. Di ko na makikita si Aira. Hindi na. 

May nakita akong pigura ng tao, "Pot?"

"Aira." pinigilan ko ang pagtulo ng luha ko para di niya mahalata.

Pumunta siya sa tabi ko at kumuha ng tubig sa fountain, "Pot. Ang ganda dito. Salamat sa pagdala mo sa akin dito ha."

Ang saya-saya niya. Di ko na makikita mga ngiti niyang ganyan. Kahit anong gawin ko ngingiti siya. Pano na lang kung malungkot siya pagalis ko? Di ko na napigilan ang luha ko. Napakaiyakin ko talaga.

Chat with him. (Short Story) FIN~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon