Chapter 6 [12-6-14]

47 0 0
                                    

"Baby, I'm preying on you tonight
Hunt you down eat you alive
Just like animals, animals, like animals-mals

Maybe you think that you can hide
I can smell your scent for miles
Just like animals, animals, like animals-mals
Baby, I'm

So if I run it's not enough
You're still in my head forever stuck
So you can do what you wanna do
I love your lies, I'll eat 'em up
But don't deny the animal
That comes alive when I'm inside you

Yeah, you can start over you can run free- - ♪♫ "

Napatigil ang pagsa-soundtrip ko ng pagkalakas lakas na pati kapit bahay namin nakiparty nadin dahil sa sobrang lakas ng music ko ng may biglang tumawag ng pangalan ko.

"Thyro! Thyro!" parang familiar yung boses nya who's this pokemon naman huh? panira ng pagpapakasaya ko ngayon e.

"Hoy thyro! lumabas ka dali!" sigaw nya ulit. Sino ba tong kumag na to at ang isang Vince Thyro Park ay pinagmamadali nya para lang pagbuksan sya ng pintuan at labasin ko sya?

Itinigil ko ang tugtog ng music ko, narinig ko naman na "Ay bastos pinatay yung music!" yung mga kapitbahay ko. aba! asa sila sakin? Ayaw nilang magpundar ng sarili nilang speaker ng hindi sila nakiki-kanta sakin. wag silang feeling close no! Pero di ko na lang pinansin at mabilis na naglakad papunta sa harap ng pintuan.

Nang bbuksan ko ito bumulaga sa akin ang feeling gwapong paa na si ken. Joke lang! Gwapo sya pero pinaka GWAPO PADIN AKO!

"Oh baket? Anong ginagawa mo dito? Kelangan mo?" tanong ko.

"I-invite sana kita sa birthday ni dad, pwede ka ba?" tanong nya

"At ano namang gagawin ko? Magpapahangin?"

"Kelangan mo pa bang magpahangin? E likas na naman sayo yun a!" pang-aasar nya sakin saka sinabayan nya ng ngisi. Anak ng.

"Ab- -" biglang natigilan ako sa sasabihin ko ng makita kong naglalakad si Clark papunta dito sa bahay ko.

"Oh baket?" tasaka lumingon si ken sa likuran nya. tapos tumingin ulit sa akin. " Ahh siya ba? oo nga pala ipakikilala ko sya sayo."

"No need ken, magkakilala na kami nyan." pagsasalita naman ni Clark.

KIMBERLY'S POV***

Hindi ko alam kung ba't sumama ako dito kay ken e, imbis na tumanggi ako, sumama padin ako, bakit ba kasi di ko matanggihan tong lalaking to?

Habang nag-aaral.. Jokity, tinititigan ko lang yung lessons namin sa math, I wonder na kung paano nasi-sipsip ng utak ng mga honors ang gantong kahirap na subject?

Tapos biglang nagring ang cellphone ko. Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang natawag, unknown number? Sinagot ko ito at nagulat kung kaninong boses ang narinig ko.

I'm in heaven!

Agad kong pinatay ang cellphone at lumabas ng bahay para pumunta sa park, habang iniintay sya nagsindi muna ko ng yosi.

"Buti na lang pumayag ka, kundi wala akong kasama ngayon." napatingala naman ako at nakita kong nakatingin at nakangiti sya saking ng mapalad. Yung ngiting ginagawa nya sakin dati yung ngiting dahilan kung bat ako na-inlove dati.

ERASE! ERASE! DI PWEDE TO!

ikinalma ko ang sarili ko at tsaka nagsalita.

"bored din kasi ako sa bahy kaya I've decided na sumama na lang since wala naman akong ginagawa sa bahay.'' sagot ko.

"ok, so let's go?" tanong nya.

"San ba kasi tayo pupunta?"

"Sa bahay lang ng kaibigan ko, I'll introduce you to him mamaya." tsaka sya ulit ngumiti.

"Ah ok." sagot ko nman, saglit kaming natahimik habang naglalakad,

"Bat pala di si brhea yung sinama mo?" tanong ko, shempre, nagtaka din ako kung bakit di nya sinama yung babaeng yun. Instead, ako ang sinama nya.

"out of town sya kasama family nya." sagot nya. "Wala kasi akong maisip na maisama eh kaya ikaw na lang yung tinawagan ko"

Ahh, so tatawagan nya lang ako kapag may kelangan sya at wala syang kasama? clap clap!

"Ah so tatawagan mo lang ako kapag may kelangan ka?" pag prangka ko sa kanya.

"Friends?" napatigil sya sa paglalakad tsaka humarap sakin tapos yng kamay nya yung parang makikipag shake hands.

"para san naman yang kamay mo?" tanong ko.

"Makikipagshake hands para friends na talaga tayo." tinapik ko lang yung kamay nya para di na sya makipag shake hands.

"Korni mo."

She's A Cold Hearted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon