Chapter TWO

123 1 0
                                    

Uwian na, di ko na mashadong ike-kwento yung mga nangyari buong araw, dahil ang tanging iniisip ko lang naman ay kung paano ako magpapaka-spy sa Clark na yan

"Pero open ka pa ren sa grupo namin, anyitime pwede kang sumali"

TAMA!!! Sasali ako sa frat para maimbestigahan yang si clark. Bukas na bukas sasabihin ko kay Kier na sasali na ako. Wala kasi akong load eh kaya di ko matawagan or matext yung bugok na yun.

KIMBERLY'S POV**

Papunta kami sa school ni.. Sigh, papunta kami ngayon ng Montesssori East, kasama ko ngayon si Zairk, may kakausapin daw kasi sya dun eh. Tsk, bakit dun pa? Pwede namang sa ibang lugar na lang, o kaya pwede naman nyang kausapin yun pag uwian na ng mga estudyante eh. Kung nagtatanong kayo kung bakit hidi kami pumasok ngayon ay dahil sa may kakausapin nga daw tong si Zairk jan sa MET(Montessori East Tanauan), at boring kasi sa school gusto ko ding magrelax ngayon kaso parang hindi na ata relax ang mangyayari, -_- si Zairk friend ko, nakilala ko sya 2year ago.

\FLASHBACK/

Nung time na yun, lutang na lutang ako, nagpalaboy-laboy ako sa daanan, hinahayaan ko lang yung paa ko na dalhin ako kahit saan. Lumong lumo ako. Hanggang sa may narinig na lang ako tunog at biglang may humila sakin.

"HOY IKAW! BALAK MO BANG MAGPAKAMATAY? KUNG MAGPAPAKAMATAY KA MAGBIGTI KA NA LANG! WAG KA NG MANGDAMAY!" tapos umandar na yung kotse

"Miss, ok ka lang?" umiling ako "Oh I see, ako nga pala si Zairk, may problema ka ba miss?"

"Psh, wala ka na dun!" tumalikod na ako sa kanya at naglakad palayo.

"Hoy! Wala ka manlang bang utang  na loob? dapat pala hinayaan na lang kitang masagasaan" napahinto ako at humarap sa kanya

"Edi thank you! Dapat nga hindi mo na lang ako niligtas"

"Psh. Sana nga!"

12:26 na ako nakauwi ng bahay, dumiretso na ako sa kwarto ko. Ipinapangako ko sa sarili ko na gagawin ko ng bato ang puso ko! Magiiba na ang Kimberly Clark Mendez na kilala nila at hinding hindi na ako masasaktan ulit.

\END OF FLASHBACK/

Simula nun, binago ko na ang sarili ko, binago ko na ang ugali ko, binago ko ang pananamit ko ang dating kimberly clark na expressive ay naging cold, walang kabuhay buhay na clark na ako ngayon. At simula din nun, napadalas na ang pagcross ng landas namin ni Zairk kaya naman nagusap kami at nagsorry ako sa inasal ko at nag thank you naman sa pagligtas nya sakin, tinanong nya din kung ano daw ba problema ko, shempre sinabi ko yung reason, inaya nya din ako kung gusto kong sumali sa frat at pumayag naman ako

Naramdaman ko na lang na may sumampal sakin, at sino namang gago ang sasampalin ako? Si Zairk pala.

"Kelangan manampal? Baka gusto mong sapakin kita?!"

She's A Cold Hearted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon