2. Wish

35 1 0
  • Dedicated kay Jerie Mae Itliong
                                    

First Chapter of Anong Nangyare?

***
-Alice's point of view

"Hoy! Alice in Wonderland! Tara, upo tayo dun sa isang bench oh! Wala namang nakaupo eh." Caelan exclaimed. "Makasigaw ka naman po Caelangan ko'y ikaw!" Pang-aasar ko sa'kanya.

Astig 'no? Pangalang namin pang movies! Hahahahaha, alam niyo yung teleserye na Kailangan ko'y ikaw? Nung narinig ko yun, naalala ko agad si Caelan kasi yung pagkakabigkas ng pangalan niya ay "keylan". Kaya ayun, simula noon, yun na yung pangasar ko sa'kanya.

Siya naman, obviously, Alice in Wonderland ang pangasar sa'kin. Anyways, magpakilala na nga ako. Hi! Ako nga pala si Alice Genevieve Orden. I'm a fourth year highschool sa Valentino de Caste School.

I'm your typical girl na makikita mo lang kung saan-saan. Pero hindi naman sa mga basurahan, o kaya naman sa mga bar. I mean, I'm just ordinary. Walang kakaiba sa'kin.

Okay, aaminin ko na, meron. Weird ako. Well, hindi naman yung weird na tipong nagsasalita mag-isa o nakakatakot. Minsan kasi, malakas yung trip ko, minsan sobrang mapagbiro ako, minsan sobrang saya ko.

Kahit sobrang corny ng joke ko, natatawa pa rin yung barkada sa'kin kasi, mas nakakatawa pa daw yung tawa ko kesa dun sa mismong joke. Iba't iba kasi yung tawa ko, actually.

Kaya kong gayahin yung tawa ni Elmo, yung stufftoy na puppet. Tapos meron naman pagkakataon na sobrang halakhak na 'ko at meron din ako tawa na parang kay Spongebob pero hindi ganun kaliit yung boses ko katulad sa'kanya.

Anyways, may boyfriend nga pala ako. Maniwala kayo't sa hindi, oo meron akong boyfie. Mark Del Rosario ang name niya. At ehem, siya lang naman ang pinaka hot na bad boy, na captain ng basketball at heartthrob dito sa campus namen no.

'Di ko nga alam kung bakit ako pinatulan nun eh. I mean, as I said, I'm just a typical weird girl, nothing special. Pero nagpapasalamat pa rin ako sa poong maykapal kasi kahit medyo pasaway ako, biniyayaan niya ako ng isang anghel.

Anyways, pakilala ko na kayo sa barkada ko? Okay, game. So, unang-una si, Caelan Marie Olongapo. Siya lang naman ang pinakaclose ko sa barkada namin kasi bestfriends na kami simula pre-school pa at going strong. Taray namin 'no?

Sobrang ganda ni Caelan. Medyo matangkad, makinis yung balat niya, medyo wavy yung buhok niya at medyo may pacolor brown yung mga mata niya. In short, habulin yan ng mga lalake! Pero, sa iisang tao lang tumitibok ang puso niya.

Kay Adam Calvin Pamintuan. Ang isa sa mga pogi sa buong campus namin na kabarkada rin namin. Basketball player rin yan, matangkad, mabait, simple, gentleman at matalino. Oh! Saan ka pa? Siguro kaya rin siya nagustuhan ni Caelan kasi pasok siya sa standards niya.

Pero, I think na may gusto rin naman si Adam kay Caelan. Ayaw lang niya aminin kasi nahihiya siya kay Caelan. Balak ko nga sila i-set up eh. Kaso 'di ko pa nasasabi sa tropa. Anyways, next naman ay si Ligaya Maria Magdiwang. Naks, pang dalagang pilipina talaga yung pangalan ng bruha na 'to!

Li yung mas prefer niya na tawag sa'kanya, kasi, naiinis siya tuwing tinatawag namin siyang ganun. Anyways, si Li yung pinaka-geek sa'ming lahat. Nung elementary nga, siya yung valedictorian namin eh.

Tsaka, pakyawin ba naman daw lahat ng awards? Pero, proud din ako diyan. Dati kasi, sobrang tahimik niyan at walang halos kaibigan. Pero, nilapitan namin siya one time ng tropa and boom, madaldal pala 'tong palakang 'to?

Tsaka, palabiro din siya pero, most of the time, subsob yan sa pag-aaral. Hindi kasi sila ganun kayaman katulad ng tropa. Kaya ayun, kailangan niyang magsumikap. Pero minsan, tinatry din naman namin siyang tulungan para hindi stress palagi.

Anong Nangyare? » TaglishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon