Second Chapter of Anong Nangyare?
***
-Alice's point of view
"AAAAAAAAAHHH!" Sigaw ko nung once na ma-realize ko na ako nga yung lalakeng nakatingin sa salamin. "Shet! Anong nangyare?" Sabi ko habang hinihimas-himas ko yung mukha ko. I heared footsteps na papalapit sa loob ng banyo.
Tumingin ako dun sa taong yun pero, as soon as ginawa ko na yun, nakaramdam ako ng malakas na sampal galing sa'kanya. "Aray! Para sa'n yun, Cai?" Sabi ko sa'kanya. "Para sa pagtago mo sa bestfriend ko." Sabi niya habang nilalagay yung kamay niya sa hip niya.
I sighed and rolled my eyes at her. "Sira! Ako nga 'to! Si Alice! Bakit ba ayaw mong maniwala?" Sabi ko sa'kanya. "Ang bading mo tingnan kapag nang-iirap ka. Anyways, kasi, hindi naman talaga kapani-pamiwala yung explanation mo! Siguro, magnanakaw ka 'no? O kaya naman rapist!" Sabi ni Cai.
"Sira ka talaga! Ikaw, rerapin ko? Jusko, hindi ko ata kaya. Cai, si Alice Genevieve Orden nga 'to, walang halong biro." Sabi ko sa'kanya with a serious expression. She squinted her eyes at me. "Sabihin mo na lang kasi yung totoo, kung hindi, hindi talaga ako magdadalawang isip na tumawag ng pulis." Cai said.
Humhayghad. "Ano pa bang kailangan kong gawin para paniwalaan mo ko?" I sighed, suko na ko, kahit kelan, ang hirap talagang kumbinsihin neto ni Cai eh. "Kung bestfriend mo talaga ako, alam mo yung sagot diyan." Pagsusungit ni Cai. Napaisip ako dun. Isip, isip, isip, Alice. AHA! Alam ko na! "Amin na yung kamay mo." I suddenly said.
Cai furrowed her eyebrows at me. "Ayoko nga." Sabi niya. I sighed. "Papatunayan ko nga sa'yo na ako talaga si Alice tapos ayaw mo pa." Sabi ko, tapos nag-pout. Tumingin siya sa'kin tapos medyo namula yung mga pisngi niya. "E-Eto na nga." She said tapos nilahad niya yung kamay niya sa'kin. I smiled tapos ginawa yung handshake namin.
We made this handshake ever since mga bata pa kami. Kami lang nakakaalam neto, not even our tropa knows that. So, kapag 'di niya pa alam yan, babatukan ko talaga siya. Nung tapos ko ng gawin yung handshake namin, tumingala siya sa'kin with a shocked face. "Pa'no mo nalaman yung handshake namin?" She asked.
"Ako nga kasi si Alice, kulit eh." Sabi ko sa'kanya. Nagulat na lang ako nung niyakap niya ako. "Ohmyghad Alice! Sorry kung pinagdudahan kita! Ikaw naman kasi eh! Ano bang ginawa mo at bakit ka nagkaganyan?" Sabay batok niya sa'kin. "Aray! Makabatok naman 'to! 'Di ko nga rin alam kung paano at bakit ako naging ganito eh." Sabi ko.
"Pero infairness ha, ang gwapo-gwapo mo pala kapag naging lalake ka Alice!" Niyakap ulit ako ni Cai. I looked at her weirdly. "'Wag mong sabihin na naiinlove ka na sa'kin?" I asked. "Hindi 'no, crush lang. Ang pogi-pogi mo kasi eh." Sabi niya sa'kin. "Crush lang ako, tapos mahal si Adam?" Pang-aasar ko sa'kanya. Namula naman siya kaagad.
Tapos hinampas niya yung muscular na arms ko. "Sira! At tsaka, shet, Alice, ang yummy ng muscles mo ha!" Sabi ni Cai habang hinihimas-himas yung braso ko. Hinawakan ko yung maliit niyang kamay (o sadyang malaki lang talaga kamay ko) at inalis sa braso ko. "Ganun ba talaga ako kapogi at nagkacrush ka agad sa'kin?" Sabi ko sabay tingin sa'kanya.
"'Wag mo nga akong tingnan ng ganyan! Mas lalo kang pumopogi eh! At tsaka, oo! Tingnan mo kaya yung sarili mo sa salamin ulet." Sabi ni Cai. Tumingin kaagad ako sa salamin. Messy dark brown hair, medyo makakapal na kilay, brown, almost hazel eyes, magagandang pilik-mata, matangos na ilong at mapupulang labi.
All in all, sobrang gwapo ko nga! Mas gwapo pa ko kay Mark, actually. "Mas nagwapuhan mo na si Mark." Natatawang sabi ni Cai. "Ayos nga yun eh! Magagantihan ko na yung kung sino mang mainlove sa'kin at iparamdam dun kung ga'no kasakit ang lokohin!" Sabi ko sabay fist pump pa sa ere. Tapos binatukan ako ni Cai.
"Sira! 'Wag mong sayangin yang kagwapuhan mo. Porke't brokenhearted ka, idadamay mo na yung iba na wala namang ginagawa sa'yo? Ikaw ba talaga yan, Alice?" Naiinis na sabi sa'kin ni Cai. Napaisip ako sa sinabi niya, kahit maikli lang yun, grabe yung tama nun sa'kin. "Oo nga, tama ka. Hindi nakakadagdag pogi points ang panloloko. Instead, I will treat girls right from now on!" Sabi ko tapos nagfist pump ulet.
"Yan! Ayan ang Alice na kilala ko!" Sabi ni Cai sa'kin ng ngiting-ngiti. "Pero, teka. Ang sagwa lang tingnan kung Alice yung tawag ko sa'yo tapos ganyan ka kapogi, di'ba? Kaya, ibahin natin pangalan mo." Cai said. Napaisip ako, oo nga 'no, natatawa tuloy ako. "Osige, anong pangalan?" I asked. "Alexander?" Cai suggested. "Nope." I said. "Angelo?" Cai said. "No." Sabi ko. "Antonio?" Cai asked. "Noooo." I furrowed my eyebrows at her. "Albert?" Cai asked once again. "Ayokooo. Yung malapit-lapit naman sa pangalan ko, please!" I said.
Nag-isip sandali si Cai tapos unti-unting ngumiti. "AH! Alam ko na!" She exclaimed. "Anoooo?" I asked immediately. "Ace Gerald Orden! Shet, ang hot ng pangalan mo!" She said. Napangiti rin ako. "I like it." I said. "Wait, may naalala ako," Cai trailed off. Pero bago pa man ako makapasalita, biglang may pumasok sa kwarto ni Cai at huli na ang lahat, 'di na ko nakapagtago.
"Di'ba sabi ko, mag-ready na kayo? La-- SINO YAAAN?!" Kuya Caiden exclaimed once na makita niya ako. "S-Si Alice?" Cai said but it sounded more lke a question. Tiningnan siya ni Kuya Caiden ng 'are-you-kidding-me-look'. "Swear, si Alice talaga yan!" Sabi ni Cai.
"Nasisiraan ka na ba ng bait, Cai? Babae si Alice, hindi lalake!" Kuya Caiden exclaimed. "Kuya, tama yung sinabi ni Cai, ako si Alice!" Sabi ko naman. Napatingin sa'kin si Kuya Caiden and crossed his arms over his chest. "Sige, patunayan mo. Pero 'pag hindi mo ko nakumbinsi, papalabasin na kita sa pamamahay namin." Kuya Caiden said.
"Kuya!" Cai said. Tumingin sa'kanya si Kuya Caiden. "Manahimik ka, Cai. 'Pag nalaman kong isa yan sa mga manliligaw mo, malilintikan ka talaga sa'kin." Galit na sabi ni Kuya Caiden. Ako? Manliligaw ni Cai? Psh, no way! "Magtanong ka sa'kin na tayong dalawa lang ang nakakaalam, kuya." Singit ko.
"Osige. Ano ang tawagan natin at bakit naging ganon ang tawagan natin?" Tanong ni Kuya Caiden. Hah, anong kala niya? Hindi ko alam yung sagot? "Pare yung tawagan natin. Bakit? Kasi one time, nung nagkayayaan kayo ng barkada mo na mag-inuman, ako lang yung mauutusan ni Cai na sunduin ka, kasi, lasing na lasing ka na. Tapos ayun, sinundo kita tapos akala mo ako yung isa sa barkada mo at tinawag mo kong pare and since then, yun na yung tawagan natin. Happy?" I answered confidently.
Kuya Caiden was shocked now. "P-Paano." Kuya Caiden stuttered. "Kasi nga, ako si Alice." I crossed naman mga arms over my chest. "A-Anong nangyare s-sa'yo?" Kuya Caiden stuttered. Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko rin alam eh. It just happened." Sabi ko sa'kanya.
"Pero for your information, Kuya. Hindi na Alice yung pangalan niya." Cai smirked proudly. "Ano na?" Tanong ni Kuya. "Ace Gerald Orden." Sabi ni Cai confidently. "Oh? Ganda naman! Bagay na bagay sa'yo!" Tinapik niya yung balikat ko, in a manly way siyempre.
"Pero, tama na muna yung chikahan, kasi, LATE NA KAYO!"
***
-Author's NoteHi guys!
Eto na po yung second chapter! Sana magustuhan niyo! At yung nasa taas na picture nga po pala, yan si Dylan O'Brien. Siya yung gaganap na si Ace Gerald Orden. Pogi 'no? Hahahahahaha, akin lang yan. Walang aagaw.
Dinededicate ko nga po pala 'tong chapter na 'to kay Jerie, mah nigga! Ohyan na ha? Manununtok ka na eh. Juk lang. Hahahahha. Sana nagustuhan niyo, guys! Please vote, comment and follow me :)
Love you all xoxo
Ingat kayo palagi!
-AJ (TLSM)
BINABASA MO ANG
Anong Nangyare? » Taglish
RomantizmThey said: "Be careful of what you wish for 'cause you might get it." So, ayun ang ginawa ko. At nangyari nga.. Was created on: 12/06/14 Created by: TheLove-StoryMaker P.S, Please don't copy my plot, guys. Loveyouall xoxo