Fourth Chapter of Anong Nangyare?
***
-Alice's/Ace's point of viewTuloy lang yung kuwentuhan namin ni Jamille. Grabe, ang dami naming kuwento sa isa't isa. Para ngang hindi kami nauubusan eh. At natapos lang yun nung dumating na yung next teacher namin. Which is si Ma'am Dolerio. Nakinig lang kami sa mga pinagtuturo niya, until, may papel na napunta sa desk ko.
I furrowed my eyebrows at the paper. Kanino naman galing 'to? Kinuha ko yun at binuksan.
Gago ka talaga. Wala kang karapatan na pagsabihan kami ng girlfriend ko na malandi at walang hiya. Nagkita tayo mamaya sa gym. One on one tayo. 'Pag nanalo ka, hindi ka na namin papakielaman. Pero 'pag ako ang nanalo, gagawin kong miserable ang buhay mo dito sa eskwelahang ito.
Wow, ang bading niya naman. May paletter-letter pa siya ha. Hindi niya ba kayang sabihin 'to sa'kin ng harap-harapan? Ganun ba siya kaduwag para magpadala lang ng sulat? Naturingang bad boy ng school, hindi makapagsabi ng harap-harapan sa'kin na gusto niya ng one on one.
I looked around the classroom and a pair of eyes caught mine. Si Mark. I smirked at him tapos inangat yung papel na binigay niya sa'kin at pinunit ito. Mas lalong lumaki yung smirk ko habang mas lalo naman siyang sumimangot siya. Tapos kinrumpled ko pa.
Nakita kong mas lalong humigpit yung hawak niya sa arm chair na in time, nagiging white na yung knuckles niya. Wow, nakakatuwa pala siyang asarin. I should do it more often.
***
Yes! Tapos na rin yung klase! "Sasabay ka ba sa'min umuwi, Ali-- I mean Ace?" Narinig kong tanong ni Caelan sa'kin. Tumingin ako sa'kanilang apat. "Um, magtatryout pa ako sa basketball eh." Sabi ko habang kinakamot yung batok ko."Ay! Oo nga pala. Osige, una na kami ha? Bye!" Sabi ni Cai tapos niyakap niya ako. "Bye!" Sabi ni Li tapos nagwave siya sa'kin, nginitian ko lang siya at tinanguan. "Bye 'pre, ingat kayong dalawa ni Adam." Sabi ni Martin tapos sumunod na rin kila Li at Cai.
"Tara na, boy?" Sabi ni Adam. "Tara." I nodded. "Ay teka, wala pala akong extrang shirt." Sabi ko. "May extra pa ako sa locker, tingin ko halos magkasize lang naman tayo eh." Sabi ni Adam. Tumango ako. "Okay." Tapos naglakad na kami ni Adam papasok sa gym.
At nandoon na yung mga magtatryouts. Nandoon nga rin papa si Mark at yung mga katropa niyang mukhang aso. Tumingin sa'kin ng masama si Mark pero nagsmirk lang ulit ako sa'kanya. Tapos nakita kong binulungan siya nung isa niyang aso, ay, katropa pala.
Tapos tumingin siya sa'kin and this time, siya naman ang nagsmirk. Ako, tumingin lang ako sa'kanya. "Bro, lagay mo na lang dito yung gamit mo." Narinig kong sabi ni Adam, making me break my eye contact with Mark. Nilagay ko sa tabi ng bag ni Adam yung bag ko tapos nagtipon-tipon na kami sa gitna ng gym.
May sinabi lang na ilang bagay si Mark. Pinilit ko siyang pakinggan kahit na ayaw ko since alam niyo na. We're bestfriends kasi nga, sobra naming ayaw ang isa't isa. Nagwarm up muna kami at napansin kong lahi sa'kin nakatutok si Mark.
Wala akong pakielam kung siya yung Captain Ball. For me, isa pa rin siyang bading na duwag. Napansin ko rin na mas marami siyang pinapagawa sa'kin kesa sa iba. Kagaya ng push-ups, yung sa iba, 20 lang, sa'kin 30.
BINABASA MO ANG
Anong Nangyare? » Taglish
RomanceThey said: "Be careful of what you wish for 'cause you might get it." So, ayun ang ginawa ko. At nangyari nga.. Was created on: 12/06/14 Created by: TheLove-StoryMaker P.S, Please don't copy my plot, guys. Loveyouall xoxo