"Mahal kita Sophia." sabi saakin ng katabi ko habang nakaakbay siya saakin at nakatingin direkta sa mga mata ko. How I love those eyes.
"Mahal din naman kita Airam eh.. mahal na mahal kita." Sabi ko naman sa kanya. Napangiti siya sa mga sinabi ko. Ang ganda ng ngiti niya.. lahat ata sa kanya maganda. Pantay na ipin na mapuputi.. matangos niyang ilong.. at pati narin ang kumikinang niyang mga mata.
Nilalapit niya ang mukha niya para mawala ang distansya sa labi namin. Halos mapasinghap ako ng magdikit na ang aming mga ilong.
"A-Airam.."
"Mahal mo ko diba?" nakatingin siya sa mga mata ko. Tapos bumaba yun sa mga labi ko.. tapos bumalik uli yung tingin niya sa mga mata ko. "mahal din kita.. kaya,
GUMISING KA NA ANO BA!!"
Napabalikwas ako sa kama ko. Maingay lahat.. yung alarm clock ko, yung cellphone ni mama, yung mga maiingay na tao sa labas ng bukas na bintana at pati narin ang mismong bunganga ng magaling kong kapatid na tatalak talak nanaman saakin.
"Ano ba ate malelate ka na sa school tandaan mo scholar lang tayo sa school na yun at mas nakakahiya kung ang unang pasok natin duon ay late pa tayo kaya.."
"Manahimik ka na nga Seb gising na ako bumaba ka na at maghain maliligo lang ako tapos susunod na ako sayo sa baba." maawtoridad na utos ko kay Seb. Mas nagmumukha kasi siyang matured kesa saakin.
Pumunta ako sa banyo at pinikit uli ang mata ko. Kahit yung kissing scene lang namin ni Airam kahit yun lang please?
Tsk wala. Maliligo na nga lang ako.
...***...
"Ate bakit ka kanina nakanguso habang natutulog ka. Minumulestya mo nanaman ba si kuya Airam habang natutulog ka?" Curious na tanong saakin ni Seb, kahit kelan talaga napakaano netong taong to.
"Pwede ba! Kung minumulestya ko man yun, nirerape, hinuhubaran, hinahalikan, minamanyak o kahit inaasawa na, wala kang kiber." Tumawa siya ng pagkalakas lakas.
"Buti nalang panaginip.. magaling ka lang naman sa panaginip hindi sa totoong buhay." Mabilis niyang tinapos ang kinakain niya at pumunta sa kusina para hugasan ang kinainan niya.
Binilisan ko nalang din ang pagkain ko tapos hinugasan ko din yung pinagkainan ko.
Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Seb. Tama siya sa panaginip lang ako magaling.. sa totoong senaryo lagi nalang akong tumitiklop. Nakakainis. Para nalang lagi akong magaling pagpinagsasabi ko sa lahat kung gaano ko kagusto si Airam pero kapag nandyan na siya wala akong ibang magawa kundi ang titigan ang pareho kong paa at speechless sa kagwapuhan niya. Bakit ba hindi ko magawang titigan siya sa mata?
"Ate halika na." sabi ni Seb. Pareho kaming magcocollege since magaling talaga si Seb kaya naabutan niya ako. Kung ako beyond mediocre pwes siya beyond the best of the very best. Mas mataas din ang IQ niya saakin.
Napapangiti talaga ako kasi malaki talaga ang appeal ni Seb lalong lalo na pagdating sa mga babae. Di na ako magugulat kung mamaya pagkaguluhan siya sa school since malakas talaga ang appeal ng taong yan.
Nagpapakaproud pa ako sa mga iniisip ko sa kapatid ko ng bigla akong pingutin ng kapatid ko.
"Naman masakit yun ahh!"
"Tsk nasa school na tayo." bumulong pa siya na di ko na narinig kaya medyo tumaas ang kilay ko
"Anong sabi mo? Anong binubulong bulong mo?"naiirita na ako ha!
"Sabi ko.. pati ba naman akong kapatid mo pinagiinteresan mo na sorry ate hindi ikaw ang type ko." At dahil dun kaya ko siya nabatukan
"Sorry kapatid di ikaw ang type ko." Pagbabalik ko sa kanya."
BINABASA MO ANG
Dealing with the manhater
RomanceI am rejected I am vanished I am deleted I am forgotten I am not accepted Ayan ang ilan sa mga naisip ko ng bigla syang lumayo sa akin. Only just one question remains in me.. why? Why did he rejected me? Why did he do all things to me? Why did he...