Sophia's Pov
Dumaan ako sa library. Two reasons why.. Una, may assignment ako at walang pangwifi kaya ganun. Pangalawa, kailangan kong magsorry kay Airam sa mga inasta ng kapatid ko kahapon. Loko lokong yun! Kaya pala tingin ng tingin sa likod ko! Kasi nasa likod namin si Airam Kainiz!!!
"Ate someone's jealous"
tumingin ako sa tinitignan niya na unfortunately sa likod ko. At nanlaki ang pareho kong mga mata ng makita ko si Airam na mukang badtrip at naiinis. Umalis agad siya ng makita na nakadikit ang pagmumuka ng damuho kong kapatid sa pisngi ko. Namula naman agad ang mukha ko sa sobrang inis at galit kaya napalo at nabugbog ko ang kapatid ko.
Haay buhay sana ibang kapatid nalang ang binigay saakin. Yung mabait na hindi abnormal.
"Atleast confident ako na hindi ka naghahabol sa wala." sabi ni Seb at nakangising umalis sa harap ko.
At eto ako ngayon at halos pangwalong lunok ng laway na ata ang nagagawa ko so far. Pwede na ba yung pang Genes book of world records? Napalunok uli ako ng makatungtong na ang dalawang paa ko sa loob ng library. Asusual dumaan ako sa encyclopedia at bumunot ng isa. Props ito asusual.
Naglakad na ako sa alam kong pwesto ni Airam and luckily may lalaki ngang nakaheaddown duon at mukhang natutulog. Dahan dahan akong naglakad at inusog ang silya para makatabi siya. Ang saya.. ang saya saya ko. Eto ata ang unang pagkakataon na makatabi ko ang crush ko. Ang Airam ko.
Nagheaddown din ako at ginaya siya. Nakangiti pa talaga ako at malapit na akong pumunta sa fantasy world namin ni airam ng may biglang humagalpak sa kakatawa ang katabi ko kaya ako napaayos naman ng upo. Problema neto?
"HAHAHAHAHAHA!! BAKIT KAILANGAN CHILDREN'S BOOK ANG DALA MO?" Natatawang sabi niya. Ewan ko ba kung maiinis ako dahil pinagtatawanan niya ako o magtatatalon ba ako sa tuwa dahil for the very very as in VERY first time ngayon lang ata ako nakakita ng Airam na tumatawa.
Napatingin naman ako sa libro ko at nakita ang sleeping beauty. Oh Goolaay!!! katangahan ano naman ba ang nagbulong sayo na masamang espirito para ngayon pa sumanib saakin?
Feeling ko namula ako. At sana pala pag napapahiya ang isang tao dapat otomatikong bubukas ang lupa at straight na sa china ang bagsak mo noh? Yung di ka makikilala? UGH!
"A-Ano ba! Maganda naman to ahh.. k-kahit papaano."
Natatawa parin siya kahit nakayuko na. Tinitigan ko lang siya, monggoloid ba ang taong to? Hindi makaget over?
Napabusangot tuloy ako at cross arms pero ang masaya jan ang mata ko nakatingin parin sa kanya lang.
...***...
Nanahimik na uli kami. Eto ako at tinatry tong sleeping beauty. Maganda naman to eh sa mga bata nga lang.
"Uhm.. Sophia."
Parang nagningning agad ang mga mata ko, parang gusto ko ako nalang ang Sophia sa buong mundo para ako lang ang matatawag mo Airam ko.
"B-bakit?" Tinanong ko siya. Wait wait! Nakikipag communicate na ba ako kay Airam? F-For real? Pwede tumili? Isa lang please? KYAAAAAAAAAAAAA!!!
"Sinong.. sinong crush mo sa section natin?"
Eh? Ikaw? oo ikaw.
"Uhm.. w-wala.. ahm..bata p-pa ako para sa mga ganyan. At isa pa wala akong time para jan." Pagsisinungaling ko. Ang totoo niyan ayoko lang talaga munang aminin ang totoo. Hindi pa siya ready lalong lalo na ako. Isa pa kung magsasabi naman ako ng ibang name baka mawalan pa ako ng chance sa kanya kaya eto at playing safe muna ako. "Eh.. ikaw? sinong crush mo?"
"Ako?" tumingin pa siya saakin at parang sinasabi ng mata niya na 'obvious ba? syempre ikaw!' haay ilusyonada -.-
"May crush ako. Kasection ko nga rin eh kaso maraming nagkakagusto sa kanya. Una yung kaibigan ko. Naaasar ako sa tuwing nakikita ko ang malagkit na pagsulyap niya sa mata ng crush ko. Yung isa naman eh si Seb. Yung bagong transfer kagaya mo. Yung crush ko iniistalk niya. At ang lakas ng confidence niya na kausapin lang ito."
Grabe ganun ba kagwapo si Seb para ang babaeng crush ni Airam ay iistalk niya ng ganun ganun at kausap-usapin niya pa? Oh well gwapo naman talaga siya.
"At mas nalulungkot ako dahil ang crush ko akala ko may crush din saakin. Unfortunately.. wala." Ngumiti siya. Malungkot na ngiti. Para saakin ba ang mga ngiti niyang yun?
...***...
Airam's Pov
Nakatingin lang ako kay Sophia habang nagbabasa siya ng libro.
crush...
crash.
ouch.
NEXT CHAPTER
Nakita ko si Airam kissing someone. Napapikit ako para sana pigilan ang luha ko pero eto at parang gripong bukas ito.
BINABASA MO ANG
Dealing with the manhater
RomanceI am rejected I am vanished I am deleted I am forgotten I am not accepted Ayan ang ilan sa mga naisip ko ng bigla syang lumayo sa akin. Only just one question remains in me.. why? Why did he rejected me? Why did he do all things to me? Why did he...