Sophia's POV
Buong klase lumilipad ang utak ko. Katabi ko ang bintana kaya habang naglelecture si maam nagsasightseeing naman ako sa likod. Ayoko lang na nandito sa room nakakulong kasama ang lalaking yun at hinihinga ang parehong hangin na hinihinga niya. Ayoko na dito. Gusto ko na bumalik sa pinanggalingan ko.
"Sophia.. may problema ba?" Tanong ni Maam. Napatingin tuloy ako sa kanya. Naramdaman ko rin ang isang butil ng tubig na unti-unting bumababa sa pisngi ko. "Bakit umiiyak ka?" Dagdag na tanong niya pa.
"S-Sorry maam" sabi ko habang tinatanggal ang malaking eye glasses ko at pinupunasan ang mga luha ko. "M-May sumakit lang po kanina saakin."
Tumingin si Maam ng seryoso. "Go to the infirmary.. dapat sinasabi mo na may sumasakit na pala sayo." Tumayo nalang agad ako at hinang-hina na papunta na sana sa infirmary kaso.. "Humfrey samahan mo nga si Ms. De silva." Tumayo yung lalaking cute. Yung una kong napansin ng makapasok sa room na ito.
"Okay po maam" Sabi nung Humfrey. Tumingin siya saakin tapos ngumiti siya. Sinamahan niya ako sa paglalakad papuntang infirmary. "Ako nga pala si Humfrey Morgan.. Ikaw anong pwede kong itawag sayo?"
"Sophia."
"Ah okay Phia" nakangiting sabi niya.
"I said Sophia not Phia."
"But it's too long so I shortcut it. Isa pa bagay naman sayo yung Phia ah."
Nanahimik nalang ako. Ayoko nalang makipagnegotiate tungkol sa name ko.
"Why are you pretending that you are sick?" Tanong niya saakin.
"Why do you care?" Iritang tanong ko pabalik.
"Why are you so irritated?" Tanong niya nanaman.
"Why are you so nosy?" Pabalang na balik ko sa kanya.
"Cause I just want to know." Napatingin ako sa kanya with matching hindi makapaniwala look.
"Can you just please mind your own business and dont mind mine?" Naiinis kong sabi. Ayoko sa lahat yung nangingialam sa buhay ng may sariling buhay. Pakamatay muna siya tsaka niya pakialaman ang buhay ko.
"You're my business."Nakangiti niyang sabi. Napansin ko ang dimple na lumabas sa pisngi niya nung ngumiti siya. Lalo iyong nagpagwapo sa kanya but still..
"But I dont consider that as a valid reason so still dont mind mine."
"Crush mo siguro si Airam no?" Nangunot ang noo ko at tinignan siya. Mas lalong lumawak ang ngiti niya. Kung may ngiting aso, sa kanya ngiting gorilla na. "Kaya siguro ginagaya mo siya?"
Nakakainis siya pero kahit pala paano mukhang ewan siya. "Oo crush ko siya.. no scratch that like.. I love Airam." Gusto niya naman makipagusap eh edi kakausapin ko siya.
"So kung ganun nabasted ka na niya? He is a manhater at walang babae ang nakakapagbago sa pagiging dakilang manhater niya."
"Baka wala pa.. pero di ako titigil hanggang mapasaakin siya." Natawa naman siya sa sinabi ko.
"Ang tatag mo rin pala.. dapat lalaki ang gumagawa niyan sa babae. Iba na talaga ang mundo nagiging upside down na siya hahaha!" Tawa lang siya ng tawa.
"Kung ikaw din naman ang nasa posisyon ko eto din siguro ang gagawin mo."
"No! Definitely not!" Natatawa niyang sabi. "If I were you I will choose a person that will love me instead of me chasing after him." Aba may pinanghuhugutan ata ang isang to ha?
"Naranasan mo na ba ang naranasan ko?" Tanong ko na nakataas ang kilay sa kanya.
"Hindi pa at hinding hindi dahil ayokong maghabol para sa isang taong wala namang kapaga-pagasa na mamahalin din ako pabalik." Sabi niya na ngingisi ngisi.
BINABASA MO ANG
Dealing with the manhater
RomanceI am rejected I am vanished I am deleted I am forgotten I am not accepted Ayan ang ilan sa mga naisip ko ng bigla syang lumayo sa akin. Only just one question remains in me.. why? Why did he rejected me? Why did he do all things to me? Why did he...