Chapter 4

75 0 1
                                    

Sophia's Pov

Nandito ako sa kwarto. Sabado kasi ngayon kaya wala akong pasok. Wala rin akong magawa. Si Amity kasi may pagkabusy na tao. Si Seb naman tinawagan nung 6 beasts dadalin daw siya sa tambayan nila. At si Airam...

Bakit kaya siya hinimatay? Meron bang nangyayari sa kanya? Baka naman may kinalaman yun kung bakit di niya ako maalala.

Nawala lahat ng gumugulo sa utak ko ng may nagdoorbell sa gate namin. Bumaba agad ako para pagbuksan kung sino man yun. Umuulan kasi sa labas eh.

"Hi!"

Siya? Paano niya nalaman ang bahay ko?

"Hello Humfrey pasok ka umuulan o" Ngumiti nanaman siya at pinalabas ang dimples niya.

"Thanks Lorein" Haay mapang-asar talaga.

...***...

"Bakit ka nga pala nandito?" Natanong ko habang hinahanda ang almusal namin.

"First makikikain tapos papakeelaman ka tapos yayayain sana kitang magmall. Or kahit saan.. medyo makati kasi yung paa ko ngayon eh."

"Makati pala edi kamutin mo problema ba yun?" Inirapan ko siya sobrang engots lang niya.

"Hindi sa nangangati na kailangan kamutin.. in a way na makati na gustong gumala ganun!"

Natawa naman ako.. kahit kelan talaga may pinaglalaban siya.

"Wait paano mo nalaman ang bahay ko?"

"Simple lang! I stalked you.. hihihi." Napaharap ako sa kanya na nanlalaki ang mata. Whooow.. may stalker na ako. "Dont imagine things di ikaw ang type ko noh."

"Eh bakit mo ko sinundan dito?"

"Kasi gusto ko talaga malaman kung saan tumitira ang  mga friends ko. You know para naman kapag nangangati ang paa ko may mapupuntahan ako just like now." Natatawang sabi niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Hindi tayo aalis dito." Sabi ko sa maawtoridad na boses. "Kung gusto mo manood nalang tayo ng movie o kaya samahan mo kong maglinis ng bahay."

"Mas maganda yung nauna, okay movie marathon nalang tayo!"

Naiiling akong natatawa sa kakulitan ng lalaking kasama ko.

Nilapag ko na ang dalawang tasang kape at pancit canton. Hindi kasi kami mayaman kaya ganito lang ang nahanda ko.

"WOW Pancit!! Halos two years narin since huling kain ko nito." Masayang masaya si Humfrey habang nginangasab ang pancit na inihanda ko. "Thank You Lorein." Sabi niya na ngiting ngiti.

...***...

"So ano bang nagustuhan mo kay Airam bukod sa pagiwas-iwas niya sayo?" Tanong saakin ni Humfrey. Hindi na ako naiinis sa kanya kasi naimmune na ako sa kadaldalan niya.

"I love the way he is.." simpleng sagot ko sa kanya.

"Ano bang gusto mo sa mga lalaki?" tanong niya.

Napaisip ako.. ano nga ba talaga ang gusto ko sa mga lalaki? Yung suplado? Tahimik? Hindi magulo?

Hindi eh.. iba..

"My ideal man is.. first he is playful." Tinignan ko ang DVD na Taken 2 pero ng maisip kung ilang beses ko ng pinanood tinapon ko lang din ulit.

"Playful.." paguulit niya at parang minememorya.

"Second hmmm.. he is awesome." Sabi ko ng makita ang The Amazing Spiderman.. napairap ako.. masyadong pang bata baka mabored ako.

"Awesome.." inulit niya uli yung sinabi ko.

Dealing with the manhaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon